26.DANE POV'S

2.6K 84 3
                                    


VILLAREAL AIRLINES(VAL):PASAY CITY

            Wala akong ka i-di idea kung bakit ako isinama ni dad sa opisina nya.
Kahit nga si Symon ay nagulat pagkakita nya sa akin duon.
Agad syang sinalubong ng mga tauhan ng Val pagkababa pa lang namin ng sasakyan.Sinalubong kami ng mga lalaking naka itim na amerikano at saka kinakausap si dad habang papasok kami sa loob ng opisina.

"Boss,Nakailang ulit na naming kinausap ang presidente ng unyon pero matigas pa din sila sa paninindigang magra rally kapag hindi daw ipinatupad ang hinihiling nila._Tito Ronnie.Kaibigan at kaklase ni dad kaya matagal na namin syang kakilala.

"Anong kalokohan na naman ang naisip ni Manuel para kalabanin ako.
Bakit hindi ako ang kausapin nya para maliwanagan sya sa gusyo nyang mangyari!_Dad.Hindi pasigaw pero pigil sa galit ang salita ni dad.

"Ayaw ka nyang kausapin.Ang sabi nya,basahin mo daw mabuti ang nilalaman ng mga hinaing nila at saka kayo mag usap.Matigas talaga ang ulo ni Manuel,Dapat kasi nuon mo sya pinatalsik sa trabaho._Tito Ronnie
Kundi ako nagkakamali,si Ninong Manuel ang tinutukoy nya.Dating kasosyo ni dad sa kumpanya si ninong.Nang malulong sa sugal ang asawa nya at sumama sa iba,nawalang parang bula ang lahat ng naipundar nya.

"Dad,Tama si Ninong Ronnie.Dapat kasi nuon pa,pinatalsik nyo na sya.
Wala naman syang naitutulong sa kumpanya kundi sakit ng ulo eh.
Bakit kailangan pa nyang ipagpilitan na gawing regular ang mga contractual employee lang._Symon.

"Hindi ganun kadaling mapaalis basta basta si Manuel.Alam nya ang batas at ang karapatan ng mga tao.Kahit nuon pa man,madalas na naming pagtalunan ang mga gusto nyang mangyari sa mga tauhan.Lalo na yung mga nasa ibaba.(underdog)_Daddy.

"Kung ganun,ano ang dapat nating gawin para matigil ang napipintong pag rarally ng mga empleyado dad?At saka yung tungkol sa mga matatanda ng employee sa kumpanya dad,dapat palitan na sila ng mas mga bata._Symon.

"Kaya nga isinama ko si Dane dito.Balak ko sanang gawin syang spy dun sa mga nagbabalak mag aklas sa kumpanya.Since ninong nya si Manuel,Hindi imposibleng mapalapit sya sa kanila lalo na si Manuel.
_Daddy.Saka kami sabay na napalingion ni Symon sa kanya.

"Daaaad!What are you talking about?Anong magtatrabaho ako dito sa kumpanya nyo?_AKO.

"OO nga naman dad,Kababaeng tao ni Dane bakit dito nyo pa sya naisipang ipasok.Bakit di na lang sa CK mall.Mas bagay sya duon._Symon.
Napasulyap ako ng bahagya kay Symon.Hindi kaya dahil maaari akong maging treat sa pagmamana nya nitong Val kaya ganun na lang ang pagtutol nyang dun ako magwork?

"Napag isipan na namin yan ng Tito Joeven nyo.Ikaw Dane ang mas akma sa posisyon na yun dahil ikaw lang naman ang hindi pa nakikikta at nakikilala ng mga tauhan ko.Wala silang ka aydi idea na ikaw ang bunsong anak ng Villareal.Si Manuel na ang bahala sayo,alam kong nasa mabuti kang kalagayan kapag sya ang naghandle sayo._Daddy.Si Tito Joeven ang abugado ng pamilya.Sya naman ang ninong ni Sydney.Halos lahat ng mga nasa posisyon sa kumpanya ni dad,kaibigan at kaklase nya nuon.

"Pero dad,Hindi ba parang delikado naman ang sitwasyon ni Dane nun?Papano na lang kapag nalaman na nilang nagi spy lang pala si Dane sa kanila,baka naman siya ang pagbalingan ng mga yun pagnagka alaman na?_Symon.Mas nakikikita ko sa mukha ni Symon ang pag alala sa akin kaysa sa pagkatakot nyang baka maagaw ko sa kanya itong kumpanya.Pero sa isang banda,at base sa nadinig ko mula kay Sabina,hindi ko masiguro kung pareho sila ng layunin.

"Bago pa nila malaman at madiskubre ang pagkatao ni Dane,Siguradong alis na kaagad siya.Pansamatala lang naman yun.Hindi naman permanente.At isa pa,Kapag nandito sa kumpanya,hindi tayo magkakakilala._Daddy.Saka tumingin sa akin na tila nag aabang ng sagot ko.

"Ahhh,ehhhh Dad,Kung naka plano na naman pala at malaki naman amg maitutulong sa kumpanya susubukan ko dad._AKO.Ewan kung anong pumasok sa ulo ko at tinanggap ko ang kalokohan na to.

"Dane!Pag isipan mo na muna.Baka hindi mo alam kung ano tong papasukin mo.Alam mo ba ang mga ginagawa sa ibaba ng mga empleyado?Hard labor yun pero maliit lang ang sweldo.Kung dun ka ilalagay sa department ni Tito Manuel,siguradong kundi sa maintenance ang trabaho mo,dun ka sa opisina bilang errand.Taga timpla ng kape,taga xerox at taga sunod sa mga utos ng mga nasa itaas._Symon.

"Okey lang naman yun sa akin Symon.Wala naman akong nakikitang masama.At saka tama lang naman na sa mababa ako magsimula lalo pa at wala akong kaalam alam sa kahit anong trabaho.Ayos na ako dun Dad,I'll accept the challenge._AKO.Tumango tango lang si dad at saka ako sinabihan na pwede na daw ako umuwi.Sa VIP EXIT na ako dumaan kagaya kanina para walang makakita sa akin.

........

       "Ano kamo GD,magta trabaho ka bilang contractual employee sa kumpanya nyo?Hahahha.Bakit naman ganun,bakit hindi manager o kaya kahit board of director manlang?_TOP.Tambay kami sa condo ni Top.
Dito na din kasi si Terry halos nakatira.Mas malapit nga kasi sa pinapasulan nya.Sukang suka na daw kasi sya sa sobrang traffic pag papasok at uuwi sya.

"Kasi nga need ko mag spy sa unyon na binuo ng ninong ko.Gusto ni dad na malaman ko ang mga binabalak at kung anong mga saloobin ng mga nasa ibaba.Kaya ko nga tinanggap yung challenge eh,kasi gusto ko ding malaman ang point of view at mga hinaing ng mga nasa mababang posisyon._AKO.

"Wow ha,Parang Top lang ampeg.Nag service crew sa sariling kumpanya.
Ikaw naman,magpapaka janitress para sa isang misyon.Naks naman,e di kayo na!_Terry.

"Para namang hindi ka din ganun?Anong kaibahan mo sa amin ha...Kung tutuusin,kaya naman ng mga magulang mong makapagpatayo ng sariling Ad agency para sayo pero mas pinili mong maging regular employee lang sa ibang kumpanya.Atlis kami,kumpanya at negosyo pa din namin yung pinaglilingkuran namin._TOP.

"Hahahaha.Hayaan mo na yang si Terry.Hate na hate nya lang kasi ang pagluluto kaya ayaw nyang magmanage ng TERRY'S.Mas bet nya yung pag iisip ng mga idea sa commercial kesa mag ihaw._AKO.

"Isa pang bet nyang gawin ay maging Sponsor ng may sakit na nanay ng kanyang dreamgirl.Anyways,kamusta na nga pala si Joyce,Nagtapat ka na ba sa kanha ng feelings?_TOP.

"Sira!Sponsor ka dyan...Ayaw ngang tanggapin eh.Hindi na nga ako kinikibo mula nung mag offer ako ng tulong sa kanya.Hindi ko na nga alam ang gagawin eh.Nakaka praning pala kapag ganun.Parang hindi buo ang araw mo kapag di sya nakakausap._Dess.

Nagkatinginan na lang kami ni TOP.Sino ba naman ang mag aakala na kung sino pa yung akala mong babaeng babae sa aming tatlo...Sya pa pala yung matindi kapag umibig.Kaya pala wala syang nagtatagal sa mga lalaking nakakarelasyon nya,Babae din pala ang gusto nya.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon