Nagsimula na namang umarangkada ang kamalditahan ni Camilla ng may isang nagrereklamong costumer ang nag tatalak dahil sa maling kulay daw ng bag ang dinilever sa kanya.At dahil kasamahan kong saleslady yung inorderan nya,pati ako kasama din sa nakatikim ng pang iinsulto sa babaeng costumer.
"Pagpasensyahan nyo na po itong mga saleslady namin,Mga boba din kasi talaga ang mga yan.Papalitan na lang namin yang bag ng mas bago para hindi naman sayang ang pagbalik nyo dito ma'm._Camilla.Saka nakangiting inabot sa costumer yung bag na pinalit.
"Malalabo ba ang mga mata nyo at hindi nyo alam kung anong kulay ng bag ang inorder ko?Mabuti na lang at maganda at at mabait itong boss nyo.Kung ako ang amo nyo,matagal ko na kayong sinisante._Cortumer.Saka ngumiti kay Camilla.
"Sige po ma'm salamat po ulit.Pasensya na sa pagkakamali.Balik po kayo ulit ha._Camilla.Saka naman umalis na yung costumer.At kami ang hinarap ni Camilla after.
"Kayong dalawa,Napaka simple lang ng gagawin nyo hindi nyo pa magawa ng tama!Kaya tayo sinasaulian ng mga costumer dahil hindi kayo nagpo focus sa trabaho!Mga tanga!Mga walang silbi!_Camilla.
"Pero mam,talaga naman pong pula yung bag na inorder nya.Ilang ulit ko pa ngang sinigurado eh.Tapos nung dumating na sa kanya,bigla nyang inayawan at sasabihin nyang Fushia pala._Cathy.Bago lang si Cathy pero mas naniniwala ako sa kanya kaysa dun sa sinungaling na costumer.
"Nangangatwiran kapa eh,katangahan mo kasi yang pinapa iral mo!Bwisit kayo,ke aga aga ganyan ang salubong nyo.Ikaw Magtanggol,wag kang puro pagpapa ganda lang ang alam,dapat inaalalayan mo yang baguhang kasamahan mo!_Camilla.
"Inaalalayan ko naman sila mam.Saka hindi naman kasalanan yun ni Cathy.Siguradong hindi nya lang nagustuhan yung kulay ng bag nya kaya nagdahilan na lang sya na di yun ang order nya._AKO.
"At kelan kapa natutong gumawa ng sarili mong script Magtanggol?Kayong mga tatanga tangang saleslady,ayusin nyo ang mga trabaho nyo.Puro kayo tsismisan at kalandian kaya palpak kayo sa trabaho!_Camilla.
"Mam teka lang naman.Grabe na kasi kayo magsalita sa amin eh.
Hindi kami mga tatanga tanga dito.At lalong hindi kami puro landian lang ang alam.Maayos kaming nagta trabaho.Alam naman naming costumer is always right,pero may rights din kami na mangatwiran kapag wala na sa lugar._AKO.Bahala na basta hindi na ko mananahimik na lang."Bastos ka naman palang babae ka eh!Sasagot sagot kapa eh kayo nga ang mali?Bayaran kayo dito,paswelduhan.Kami ang mga amo nyo pati mga costumer.Kaya wala kang karapatang mangatwiran at sumagot sagot sa akin ng ganyan!_Camilla.
"At bakit naman hindi kami pwedeng mangatwiran?Kapag hindi na tama at sobra na,dapat alam din namin kung ano ang karapatan naming mga empleyado._Ako.Saka naman dumating si Madam CK na masama ang tingin sa aming lahat.
"Kayong dalawa,sumunod kayo sa opisina at wag kayo dito mag away sa loob ng mall.Gusto nyo bang masira ang kredibilidad ng mall ko sa mga pinag gagagawa nyo ha?_Madam CK.Agad nya kaming tinalikuran at nagmamadaling naglakad papunta sa opisina nya.
Malaki at maaliwalas ang loob ng opisina ni Madam CK.Ngayon pa lang ang unang beses kong nakatungtong dito kaya halos malula ako sa ganda ng interior design ng kabuuan ng room nya.Para syang hotel room sa ganda.
"Hindi ba talaga pwedeng madaan sa magandamg pag uusap ang lahat kaya kailangan nyong dalawang magsigawan?Camilla,Ano na naman ba ito,Araw araw na lang ba may balita sa pang aaway mo sa mga tauhan ko?Alam mo hindi ka dapat dito magtrabaho kung ganyan ka._Madam CK.Saka sya tumayo at lumipat sa mesa nya.Tinawagan nya sa fone yung assistant nya.
"Pero Tita kasalanan naman po talaga nila.Ang sa akin lang,dapat palaging sundin ang gusto ng mga costumer para palagi tayong babalik balikan._Camilla.Ang amo ng mukha nya kapag si Madam ang kaharap.
"Andun na tayo.Tama naman na mas i prioritize ang gusto ng mga costumer,Pero hindi din dapat ipagsawalang bahala ang karapatan ng mga empleyado ng mall.Hindi sila kailangang ipahiya._Madam CK.Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya habang nadidinig ko ang pagsasalita ni Madam.Hindi naman pala sya totoong matapobre at mataray gaya ng sabi ng iba.
"Pinangangaralan ko lang naman tita.Sorry kung ako pa pala yung masama kahit para naman sa mall yung concern ko._Camilla.
"At ikaw naman iha,Tama namang ipaglaban ang karapatan nyong mga empleyado,pero sana sa susunod sana ay ilagay mo sa lugar.
Pwede kang tumakbo sa supervisor mo o sa manager mo kung meron kang reklamo at hindi nagustuhan.Pwde nyong pag usapan yun ng hindi nakaka agaw pansin sa mga mamimili._Madam CK.Tama naman sya dun.Mali din talaga ako sa pagsagot sagot lalo na sa mataas ang tungkulin."Sorry po Madam.Hindi na po mauulit._AKO.Yun lang talaga ang nasabi ko.At saka ako napayuko.Pumasok si Miss Aimee na may hawak na cheke at inabot kay Camilla.
"Ayan na nga pala yung kabuuang bayad sa pagkakautang ni Sydney sayo.Pwede ka pa din namang magtrabaho dito kung gusto mo.Sa ngayon,nagpapahinga lang muna ang anak ko,pero babalik din sya ulit dito.Salamat din pala sa pagpapa utang mo sa kanya.Kasama na din pala dyan ang interes._Madam CK. Agad namang kinuha ni Camilla ang cheke at walang paalam na umalis.
"Miss Magtanggol,Pagpasensyahan mo na lang yang si Camilla ha.Alam mo naman kapag asal bundok kahit nasa kapatagan lumalabas pa din ang tunay na anyo._Miss Aimee.Saka tumawa sa akin kaya napangiti na din ako.
"Sige na Miss,Makakabalik kana sa pwesto mo.Sigurado namang hindi na nya kayo mapagsasalitaan ng masasakit.Pasensya na din kamo dun sa iba pang mga kasama mo na nakaranas ng kamalditan nya.Kapag naulit pa yan,Sa akin ka na dumiretso at ako ang bahala sa kanya._Madam CK.Saka naman ako tumayo na pagtapos nyang magsalita.
"Salamat po Madam.Pati po sa inyo Miss Aimee.Salamat po talaga at pasensya na sa abala._Ako.
"Wag ka sa amin magpasalamat.Dun sa taong nagpaliwanag at nagsabi ng lahat ng kawalanghiyaan nyang si Camilla.hahahha.
Wag kang mag alala,hindi na yun makakapag maldita ngayon kasi bayad na sya._Miss Aimee.Umalis ako sa opisina ni Madam na parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.Hindi lang para sa akin,kundi para na din sa iba ko pang mga kapwa empleyado na nakatikim ng mga panglalait at pang iinsulto mula kay Camilla.
"Good job Sally! Ang galing ng ginawa mo kanina ah...Akala siguro ng Camilla na yan walang magkakalakas ng loob lumaban sa kanya._Bert.Kasamahan kong salesman.
"Oo nga Sally,Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina ha.Baka kung di moko binack upan kanina,bumigay na ako talaga._Cathy.
"Iba din talaga tong beshie ko eh,Maganda na matulungin pa sa kapwa empleyada nya diba?hahahha.Pasalamat si Camilla nahuli ako ng dating baka nanghiram na sya ng mukha sa aso._Dess.
Alam kong nagbibiro lang sya pero alam ko din namang hindi nya ako pababayaan kung sakaling mapahamak ako."Ikwento mo sa amin mamaya yung nangyari sa opisina ha.Balita ko,Nagtapos na ang maliligayang araw ni Camilla ngayong araw eh._Joyce.Na kumindat sa akin.Malamang na alam nya na din ang nangyari pero hindi lahat.
Saka ko biglang naalala yung huling sinabi ni Misa Aimee na dapat ko daw pasalamatan talaga.May taong nagpaliwanag at nagsumbong kay Madam CK sa mga ginagawa ni Camilla sa mga empleyado kaya hindi na nagulat si Madam CK ng madatnan nya kaming nagtatalo ni Camilla kanina.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...