18.SALLY POV'S

2.8K 110 5
                                    

Pigil ang mga luha ko sa pagpatak.Nagkunwari na lang akong maghihilamos na muna bago matulog.
Bumuhos ang emosyong kanina ko pang pilit na pinipigil.Ngayon palang,naiiyak na ako sa sinabi nyang pamamalam
Tama ako sa nararamdaman ko,malapit na nga syang umalis at bumalik sa pinang galingan nya.

"Ang tagal mo naman sa banyo,kala ko nakatulog kana eh.__GD.Pinatay nya na ang ilaw at tv sa salas at sabay na kaming pumasok sa kwarto.

"Sa isang araw,Restday ko na.Gusto mo bang mamasyal?_AKO.Naisip ko kasing since malapit na syang umuwi,samantalahin na namin yung time.

"Seryoso ka ba dyan?Sympre naman gusto ko.Saan mo naman ako dadalhin,dun sa madaming gwapo ha.hahaha_GD.Natawa naman ako sa huling sinabi nya.

"Naks ha,sa may mga gwapo talaga?Sympre hindi,sa madaming panget kita dadalhin.Para ikaw ang pinaka leader nila dun.
Sa Manila zoo tayo para mas astig.hahahaha._AKO.Nasa kama ako kaya nakayuko ako sa kanya sa ibaba.Minsan kasi,panget ang tawag ko sa kanya,kabaligtaran sa itsura nyang mala dyosa sa ganda.Nakaka insecure kasi masyado kaya pag gusto ko syang asarin,panget ang tawag ko sa kanya.

"Dito kana muna kaya mahiga para hindi tayo nagsisigawan.Baka magising sila tatay Caloy sa ingay natin eh._GD.Halos di nya pa natatapos yung sasabihin nya,bumaba na kaagad ako at tumabi sa kanya.Chance ko na din na makatabi sya ng matagal tagal,Kapag kasi di na sya dito nakatira,hindi na kami siguro makakapag tabi ng gaya nito.

"Hahahha.Di ka naman excited tumabi nyan?Here...dito ka umunan sa braso ko.Pagpasensyahan mo na muna,buto pa ang unan mo sa ngayon.
Pero sa susunod,magkakalaman na din yan.Pero di ako sure ha._GD.

"Sira ka talaga.Ang tamad tamad mo kaya,kaya imposibleng magka laman ka nyan.Di kapa kumakain ng gulay masyado.Tignan mo nga yang balat mo,buti nga at di kana maputla ngayon eh..Kapag nakauwi kana sa inyo,
Wag ka ng tatamad tamad ha._AKO.This time di ko na napigilang mapahikbi.Siguro naman di nya mahahalatang umiiyak ako dahil ayoko syang mawala sa akin.

"Shhhhhhhh...Tahan na.Hindi pa naman ako kaagad mawawala eh.At saka promise ko sayo,kahit na makabalik na ako sa amin,palagi pa din akong dadalaw sa inyo dito._GD.Hinahaplos haplos nya ang buhok ko.Masarap sa feeling ang ganun.

"Sorry na.Alam ko namang di ako naging mabait sayo habang nandito ka eh.Palagi kitang inaaway.Pero hindi totoong di kita mamimiss.Kahit ganyan ka,sympre napalapit kana din sa akin.Saka mamimiss ko yung pag aabang mo sa akin palagi dun sa gate kapag uuwi ako._AKO.Wala na,talagang bibigay na yata ako sa kanya.

"Same here...Lahat lahat sayo mamimiss ko.Pati na din ang magandang pakikitungo sa akin nila Tatay Caloy at Sassy.I will never forget that for the rest of my life.Lalo kana._GD.This time,hinalikan nya naman ako sa buhok ko.Napayakap naman ako bigla dahil sa gesture nyang yun.

"Pwede bang dito na ko matulog kahit ngayon lang?Inaantok na ko eh.
Tulog na tayo._AKO.Saka ako nagpanggap na tulog na talaga.Naramdaman ko ang paglagay nya ng kumot sa akin.At saka ako bumaling paharap sa kanya at yumakap.Sasamantalahin ko na ang buong gabi na ito para iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.Napangiti naman ako ng maramdaman kong yumakap din sya pabalik sa akin.

Sa Manila zoo nga kami totoong nagpunta.Naaliw kaming panuodin yung mga hayop na nakakulong sa mga hawla.Madami din kaming photos together na naka save sa fone ko.Mga ala alang hindi ko kahit kelan makakalimutan.

"Sally,Lets buy sweet corn please?Gusto kong kumain ng mais na nilaga tapos may margarine._GD.Para syang bata na nagpapabili ng candy sa nanay sa itsura nya.Natatawa ako sa itsura nya,ang ganda ganda kasing babae pero parang batang isip.Sabagay,may matanda naman kasi ako talaga sa kanya.

"Alam mo para kang bata.Hahahha.Tignan mo yang lips mo,puro margarine._AKO.Pinunasan ko naman ng tissue yung lips nya.

"Ang sweet naman ng mommy ko.hehehehe.Maasikaso na,maganda pa sobra._GD.Bulong nya sa akin.Kinilig ako pero di ako nagpahalata.
Nakaupo kasi kami ngayon sa isang sementadong upuan tapos may payong.Nagsisiksikan kami pareho sa gilid.

"Alam mo para tayong sira.Ang laki laki ng space dun sa kabila,dito tayong dalawa nakasiksik.hahahhaa.Umusog ka nga dun._AKO.Gusto kasi nya palaging nakasandal sa akin.

"Okey naman dito ah,Ayoko ngang umurong dun mainit kaya.Saka di na kita masusubuan nitong sweetcorn kapag malayo ako sayo._GD.Bakit naman kung kelan paalis na si GD,saka naman sya nagiging mas malambing sa akin.Bakit feeling ko,Parehas kami ng nararamdaman.

"Uhmmm...What if pag uwi mo sa inyo,Meron ka na palang pamilya.I mean,asawa at anak.Anung gagawin mo?_AKO.Isa yun sa mga ikinakatakot kong mangyari pero itinanong ko pa din.

"Ikaw na nga ang nagsabi diba,mas matanda ka sa akin for sure.Kaya imposible namang may asawa at anak na ako.Look at me,mukha ba akong may asawa at anak na?_GD.Tumalikod sya sa akin na nagtatampo.

"What if nga lang?_AKO.Pilit kong ihinaharap ang mukha nya sa akin.

"Imposible yun.Sigurado akong im 100% single.Mararamdaman ko naman if inlove ako or hindi noh._GD.Saka muli syang humarap sa akin.Tapos hinawakan nya ko sa kamay at tumayo na kami papalabas ng Zoo.

"Ibig sabihin,wala kang special someone ngayon?As in wala talaga?_AKO.
Pilitin bang paaminin kahit wala nga daw.

"I admit,meron akong kakaibang nararamdaman ngayon na di ko ma explain,Pero hindi pa ako sure ha.Maybe kapag buo na ulit ako,saka na yang lovelife na yan._GD.So,ngayon alam ko na.Ako nga lang ang may nararamdaman para sa kanya.Hindi kaya ako Lesbian dahil may gusto ako sa babaeng tulad ko?Kasi naman,sino bang di maiinlove sa ganito kaganda tapos araw gabi mo pang kasa kasama.haaaist!

"Ano na naman yang ikinabubuntong hininga mo?Halika nga dito ka sa tabi ko.Ang hilig hilig mo talagang magpa araw.Ang init init._GD.At dahil malaki sya sa akin,sa buhok nya ako palagi hinahalikan.May mga ilan na napapatingin sa amin habang naglalakad pero wala akong pakialam.At kahit naman si GD,Wala ding pakialam kahit may mga tumitingin man sa aming dalawa.

"Nagugutom na kasi ako.Kanina pa tayo lakad ng lakad.Nagrerklamo na yung mga bulate ko sa tyan._AKO.Agad ko syang hinila  sa Terry's Grill Restaurant.Yun kasi ang pinaka malapit na kainang nadaanan namin.Bahagyang natigilan si GD sa tapat ng pinto ng resto.Parang may gusto syang iwasan sa loob.Hindi na ako nagtanong,agad ko syang hinila papalabas ng resto at saka kami naglakad sa kasunod na fastfood.

Ang ending,sa Happybee na naman kami kakain.At dahil sa Happybee din naman kami unang nagkita,memorable na sa amin ang fastfood na ito.

"Next time isama na din natin sila tatay at Sassy sa pamamasyal.

Mas masaya kapag madami,mas maingay at mas masaya._GD.Alam ko naman ang intensyon nya lang ay para kahit papaano ay makabawi sa amin.

"Ahh ganun,so hindi ka masaya na ako lang ang kasama  mo ganun?
Grabeh sya oh!_AKO.Nagkunwari akong nagtatampo.Way ko lang yun para lambingin nya ko.Sa ilang araw na magkasama kami ni GD sa iisang bubong,natural syang malambing.Pero over protective din at the same time.Kaya siguro nahulog ng husto ang loob ko sa kanya.

"Alam mo bang isa ito sa pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko?Kasi kasama ko ang pinaka magandang babaeng nakilala ko._GD.
Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis tamis.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon