Sa wakas,naka graduate na din si Sammy.Kasama namin si Tiya Cora habang kumakain kami sa Terry's Grill.Treat ni Tiya para sa pagtatapos ni Sam.Masayang masaya kami sa muling pagkikita nila ni tatay.
"Ang gaganda at gwapo naman ng mga pamangkin ko Caloy.Hindi kaba nahihirapan sa mga manliligaw nyang mga yan?Siguradong pila ang mga nagkakagusto sa mga yan ano?_Tiya Cora.Bukod sa tsinita kong mata,halos ang kilay labi at ilong nga ay nahahawig sa kanya.
"Naku,tama ka dyan.Lalo na yang si Sally.Lahat yata ng mga binata sa lugar namin nanligaw sa kanya pero ni isa,wala syang natipuhan manlang.At iyang si Sammy,mga babae pa ang nagpupunta sa bahay._Tatay.Nasa himig ni tatay ang pagmamalaki sa aming magkakapatid.Pero sa ate nya lang sya ganun.Pag sa ibang tao namang hindi sya mapagyabang.
"Ahahahha.Grabeh naman yung buong barangay may gusto kay ate tay.
Yung iba naman sa akin tay._Sassy.Natawa naman kaming lahat.Naku sya nga naman pala.Itong bunso naman namin ay iba din ang ganda.
Kahit masyadong magaslaw kumilos at makulit,hindi naman pahuhuli._Tatay.Saka umapir si Sassy sa kanya.Ganun si tatay sa aming tatlo,wala syang pinapaboran.Pantay pantay sya sa pagmamahal sa amin.Natutuwa akong makita na masaya kayo at unti unti nyo ng nakakamit ang mga pangarap nyo.Kahit walang tulong mula sa iba,naitaguyod mo ng maayos ang pamilya mo Caloy.Proud ako sayo._Tiya Cora.Saka hinawakan sa kamay si tatay at tinapik sa balikat.
"Syanga pala Sammy,balita ko natanggap kana sa VAL para magtrabaho.
Pagbutihin mo lang at siguradong makakamit mo ang pangarap mo.
Ang sabi sa akin ng tatay mo,gustong gusto mo daw talaga na dun ka magtrabaho._Tiya Cora."Opo Tiya Cora,Pangarap ko po talagang dun magtrabaho.Excited na nga po akong magsimula.Tatlo po kami ng mga kaklase ko na dun magta trabaho._Sammy.
"Congratulations iho.You deserve that.Matalino ka at masipag kaya naman bagay na bagay ka sa VILLAREAL AIRLINES magtrabaho._Tiya Cora.
●●●●●
"Ang galing naman ni Sammy,may trabaho kaagad.Iba talaga kapag matalino anoh,tapos ang gwapo pa.Hindi nakaka alangan sa pinag applyan nya.Pero balita ko,medyo mahigpit daw ang patakaran dun sa VAL ah?_Dess.
Nagkataong sabay sabay kami ng RD kaya pinilit namin si Joyce na sumama sa amin mamasyal.Mabuti nalang at ang ate nya ang kasama ng nanay nya sa bahay nila kaya hindi sya nag aalala masyado.
"Lahat naman ng kilalang kumpanya,mahigpit talaga.Lalo na kapag nalaman nilang kasali ka sa unyon,madali ka nilang mapapatalsik.
Kaya paalalahanan mo si Sammy wag magsasali sa mga unyon,mahirap na baka matanggal sya kaagad ng di oras._Joyce.Nasa Park kami at masayang nakatingin lang sa mga rides."Hindi naman siguro gagawin yun ni Sam.Madami ngang nag yaya dun sa Unibersidad nila nuon para sumali sya sa mga rally rally na yan pero ayaw nya.Ang katwiran nya,yung oras daw ng pagrarally nila,ilaan nya na lang sa pagbabasa ng libro may matututunan pa sya._AKO.Kaya naman kampante ako na hindi sya sasama kapag ganyang samahan ang pinag uusapan.
"Oi tignan natin,madaming tao dun oh.Baka may mga artista.Malay nyo madiscover pa ang mga beauty natin.Tara na girls bilisss!_Dess.Hinatak nya kaming dalawa ni Joyce papunta sa mga taong nagkukumpulan.
"Ay bakit naman ganun.Mas maganda pa yung babaeng nakaupo dun sa likod nung camera kesa dun sa commercial model na babae?hahahh._Estudyanteng nanunuod sa tabi namin.Napalingon naman kaming tatlo sa sinasabi nyang maganda pa daw sa model.
"Hey!Hindi ba si Terry yun?Yung tropa ni TOP na cashier sa Happybee?
Sabagay,may katwiran si ineng.Mas maganda nga sya sa lahat._Dess
Saka ko naalala,Kaibigan din sya ni GD.Baka alam nya kung kamusta na yung babaeng yun."Siya nga.Infairness ha,totoo ngang sa advertising company sya nag wowork.Akala ko yabang nya lang yun dati eh._Joyce.
Maingay kasi ang mga estudyanteng katabi namin kaya pati ang crew nila ay napalingon sa amin.Agad naman kaming namukhaan ni Terry kaya ngumiti sya sa aming tatlo.Habang dedma naman si Joyce sa kanya.
"Hahahha.Ang arte mo talaga Joyce.May pairap irap ka pang nalalaman,masaya kaba kasi nakita mo na naman yung crush mo?hahaha_AKO.
Niloloko namin sya na crush nya lang si Terry kaya kunwari galit sya."Hindi noh.Mas maganda kaya ko dyan.Mas maputi lang sya.Baka sya ang may crush sa akin,kita mo ayan na lalapit na._Joyce.After kasi nung nag offer si Terry sa kanya ng tulong para sa nanay nya na ni reject nya,hindi na sila nakapag usap pang muli ng maayos.
"Hello there pretty ladies.Andito din pala kayo ha.RD nyo?Buti pa kayo papasyal pasyal na lang._Terry.Saka tumingin kay Joyce ng nakangiti.
"Paminsan minsan lang kami magkasabay sabay ng restday,kaya sinamantala na naming mamasyal.Baka nakaka abala na kami sa trabaho mo,balik kana dun._Joyce.Nakangiti naman kaming nagkatinginan ni Dess
"Ohhh No,tapos na ako sa trabaho ko.Actually,hindi talaga ako sa location shoot naka assign,sa opisina lang.May pinadala lang yung boss ko kaya ako dito nagpunta.In short utusan lang ako sa trabaho ko.hehehhe._Terry.
May dala syang backpack na kulay black at saka naka fitted jeans at shirt."Yun na man pala eh,pauwi na sya.Ang mabuti pa,samahan mo na muna kami mamasyal para makasakay kami sa mga rides.Wala kasing kapartner tong si joyce na malakas ang loob eh.Hahaha._Dess
"Sure.Dont worey Joyce,kapag nasa tuktok na tayo nung roller coaster saka kita ipupush.hahahah.Just kidding._Terry.
"Sira ka,Ayaw kitang kasabay,baka nga itulak moko dun sa taas eh!_Joyce
"Hahahha,Biro nga lang.Dont worry,akong bahala sayo._Terry.Saka kumindat pa sa kanya.Iniwan naman namin silang dalawa na nagpipilitan at nag aasaran pa din at nauna na kaming sumakay sa roller coaster.
"Hapon na Terry,Hindi ka naman ba hahanapin sa inyo?Kung gusto mong mauna na.Inaantay pa kasi namin yung parade of stars mamaya maya eh._AKO.
"Dont worry,okey lang naman kahit gabihin ako.Kay Top na muna kasi ako nag i stay sa ngayon kasi mas malapit sa office ko.Btw,okey lang ba na pinasunod ko dito si TOP?Sabi ko kasi kasama ko kayo eh._Terry.
"Okey lang naman,mas okey nga pag madami.Mas masaya.Diba Joyce?_Ako.
"Hah?Okey lang naman sa akin...Walang problema._Joyce.Nakikita ko kasi na nag eenjoy din si Joyce sa lakad namin ngayon.
Maya maya pa,dumating na nga si TOP na may isa pang kasama..
This time,nakumpirma ko na.Si GD at yung babaeng nakatapon sa akin ng drinks sa Happybee ay iisa.Hindi ko inaasahan ang muli naming pagkikita ni GD ngayon...At mas lalong di ko inaasahan ang mas malakas na pagkabog ng dibdib ko sa pag sasalubong ng mga mata naming dalawa."Hi Sally...It's nice to see you again._GD.Mas lalong gumanda at kuminis si GD ngayon.Kahit sa simpleng puting tshirt lang at butas na pantalon,hindi mapagkakailang dyosa talaga sya.Parang nahiya naman ako sa itsura ko.
Bukod sa pawisan at oily ang face ko,short at blouse lang ang suot ko."Guys,Kumain na muna tayo bago mag umpisa yung parade.Im sure lahat tayo gutom na.From work pa galing yang sina GD at Top kaya im sure gutom na gutom na yang dalawa.hahaha_Terry.
Tahimik lang kaming naglakad ni GD kasunod nila.Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanya.Madami akong tanong pero wala akong lakas ng loob magsalita
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...