Totoo ba yang sinasabi mo Dess,Anak ni Madam CK si GD? Pero papaanong nangyari?_AKO.Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko pero bakit ba ako biglang kinabahan.
"Kaya naman pala ganun na lang ang mga tingin sayo ni Madam,Kasi nalaman nya siguro na may something sa inyo ni GD._Joyce.
"Sinabi mo pa Joyce.Mabuti na lang pala at nadinig ko mula mismo sa bibig ni Madam habang magkausap sila ni Miss Aimee.
Sino ba naman ang mag aakala diba,Na yung humble na yun ni GD at kasimplehan...Sya pala ng tagapagmana ng CK mall._Dess."Anong balak mo ngayon nyan Sally,Kokomprontahin mo ba kaagad si GD o hahayaan mo pa din sya na maunang magkwento sayo?
Ang hirap naman kasi sa relasyon nyo,walang label.Kaya wala kang karapatan manumbat o magreklamo._Joyce."Pero kahit na,Panloloko pa din yun.Bakit ayaw nyang ipagtapat kay Sally ang pagkatao nya?Dahil ba sa natatakot syang baka pag nalaman ni Sally na mayaman sya mas lalo syang magustuhan sya ni Sally dahil lang sa pera nya?_Dess.
"Pwedeng ganun, Pero pwede ding dahil hindi nya lang ugaling ipagmayabang sa lahat na anak mayaman sya._Joyce.
May katwiran si Joyce.Pero may point din si Dess.Kung ano man ang nasa isip ni GD sa pagtatago sa pagkatao nya,Sya lang ang makakasagot nun."Ikaw ba Joyce,Kung saka sakali ba na malaman mong mayaman pala yung kasintahan mo,Mamahalin mo pa din sya?As in LOVE talaga ha,tapos di mo din alam na mayaman pala._Dess.
"Kahit pa mahal na mahal ko basta mayaman hindi ko sya gugustuhin pang makasama at makita.Malalaman ko din naman kaagad kung mayaman sya o hindi eh._Joyce.
"Talagang hindi pa din nagbabago yang panuntunan mo sa buhay noh?
Pero wag ka din magpaka siguro,Dahil kapag ang LOVE talaga ang nasok sa puso ninuman,hahamakin lahat masunod ka lamang.Diba Sally?
_Dess."Haaaaist.Hindi ko nga alam kung papano ko haharapin ngayon si GD neto eh.Imagine,Mayamang tagapagmana pala sya tapos isang hamak na saleslady lang ako.Kaya naman pala ganun na lang ang galit sa mga mata ng nanay nya sa akin eh.Kahit naman ako,hindi ako papayag na yung anak ko magkaroon ng kaugnayan sa isang saleslady lang._AKO.
"Masyado mo namang minamaliit ang pagkatao mo.Kahit hindi ka mayaman,Nagustuhan ka pa din at minahal ni GD.Isa pa,maganda ka at mabuting tao kaya hindi nakakapagtakang mahalin ang isang tulad mo.
Pero isyu dito...Kung alam ba ng parents ni GD na Lesbian pala ang anak nila?_Joyce."Tama.Yan ang malaking katanungan.Sa ganda naman kasi ng anak nya,Parang hindi katanggap tanggap na babae din pala ang napupusuan.
Baka kaya masama ang tingin sayo ni Madam,Kasi Dahil sayo...
Naging lesbian yung anak nya._Dess."Kahit kelan ka talaga Dess oo!Puro ka kalokohan.Seryoso tayo sa topic tapos lagi mong sasamahan ng kalokohan.Alam mo kasi ang pagiging lesbian,Inborn yan.Hindi yan dahil lang sa may ginayahan kaya naging ganun na din sya.Maaaring may mga lesbian na late lang nya natanggap na ganun pala sya,or di kaya naman lesbian at heart na talaga pero hindi lang naglaladlad._Joyce.
"May kilala ka pa bang lesbian na di naglaladlad ha Joyce kaya mo alam na alam yang mga ganyan?Bakit ako,ang hina ko sa mga ganyang pakiramdaman na yan.Gaya nalang ni GD,Kundi ko pa sila nahuling magkayakap nuon,di ko mahahalatang sila na eh._Dess.
"Alam mo,Hindi ka mahina makaramdam.INSENSITIVE ka lang!
Bakit sa palagay mo,Si TOP ba hindi din lesbian ha?Nuong una pa lang na ilibre nya tayo sa Happybee ng spaghetti,ramdam ko na na atrracted sya sayo eh.Kaya lang manhid ka kaya siguro hindi na lang nya pinush.
Saka sabi mo diba ayaw mo sa lesbian._Joyce."Talaga,Si TOP attracted sa akin nuon pa?Hindi ko talaga napapansin.
Malay ko naman dun.Bukod sa mas maganda pa sa sya akin,wala naman siyang ginawa kundi asarin lang ako ng asarin._Dess.
Saka sya biglang napaisip at biglang namula."Kaya pala namumula ka kapag naaalala mo yung paghalik mo sa kanya sa bar.hahahaha.Pero Joyce maiba ako,Sa palagay mo ba si TERRY kagaya din nila GD at TOP?_AKO.
"OO naman.Infact yun ang isa sa mga dahilan nuon sa pag iwas ko sa kanya.Naaalala nyo nung nag Japan sya?Sa pagkaka alam ko hindi lang naman talaga about sa work lang ang paglayo nyaPara na din makalimot.Alam kong nasaktan sya sa pagsasabi ko sa kanya na Hindi pwedeng maging kami kahit na kelan._Joyce.
"Grabe naman.May mga ganun na pala kayong usapan pero wala kaming kaalam alam ni Sally.Kaya pala nagpaputol nuon ng buhok si Terry.
Pero Joyce,Sa lahat ng magandang nagawa at kabutihang pinadama sayo ni Terry,Never mo talaga syang nagustuhan?_Dess."Well,Aaminin ko sa inyo.Baka bago pa lang nya ako nagustuhan,mas nauna na akong nakaramdam ng kakaiba para sa kanya.Hindi mahirap mahalin ang kagaya ni Terry.Napakabuti ng puso nya.Kaya lang may isang bagay tungkol sa kanya ang pumigil sa akin para mahalin sya._Joyce.
Natapos ang pag uusap naming magkakaibigan na hindi na sinabi sa amin ni Joyce ang dahilan nya.Umuwi ako sa bahay na dala dala ang isipin tungkol sa pagkatao ni GD.
"Tay,Alam nyo ba na mayaman ang pamilya nila GD,Na sila ang may ari ng CK Mall?_AKO.Parang di na naman nagulat si tatay sa narinig nya
"Kelan ko lang din nalaman yan anak.Kundi pa tumawag ang Tiya Cora mo hindi ko malalaman ang lahat._Tatay.Saka ako biglang naging interesado ng banggitin nya si Tiya Cora.Anong kinalaman ni Tiya Cora sa pagiging mayaman nila GD?
"Tay,Bakit po nasali sa usapan si Tiya Cora?Nagka usap na po pala kayo from Canada?_AKO.
"OO anak,Nakapag usap na kami.Ipinaliwanag din nya ang totoong dahilan kung bakit sa atin napadpad si GD nuon.May mga gusto palang kumidnap kay GD nuon kaya napagkasunduan nila nung amo nyang babae na sa akin na muna dalhin yung bata at itago._Tatay.
Ibig sabihin tay,Kilala ni Tiya Cora si GD at si Madam CK nuon pa?At hindi talaga totoong aksidente na kayo ang nakakuha kay GD nung hinimatay sya sa daan kundi talagang sinadya yun?_AKO.
"Yaya ni GD ang tiya Cora mo anak.At dahil alam nilang imposibleng maisip ng mga kidnapers na dito sa estero matatagpuan si GD kaya sa akin nila sinadyang dalhin si GD ng wala akong kaalam alam._Tatay.
"Pero tay,delikado pala ang buhay ni GD.May mga nagtatangka pala sa kanyang kidnapin sya.Papanong nagagawa ni GD na umaktong para lang syang normal na tao kahit may mga banta pala sa buhay nya?_Ako.
"Wag kang mag alala.Nahuli na yung mga gustong magpadukot sa kanya.
Ang sabi ng Tiya Cora mo,Ligtas na sa kapahamakan si GD.
At saka sila naman palang mayayaman,May mga bodyguard na nakabantay sa mga yan.Bawat kilos nila,naka report sa kanilang magulang._Tatay.Saka ko ngayon mas naunawaan kung bakit kilala ako ng nanay ni GD na si Madam CK.Kasi naman pala naka report na din ako sa kanila panigurado.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantizmComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...