Halo halong emosyon ang naramdaman ko pagkakita ko kay Sally ngayon.Sa tagal na hindi ko sya nakita,Parang gusto ko syang hilahin at ikulong sa mga bisig ko.Kahit sila TOP at TERRY ay hindi rin alam kung ano ba ang gagawin at sasabihin.Pare pareho kasi kaming hindi nagparamdam at nagpakita sa kanilang tatlo ng ilang buwan.
"Huwaw!Parang eksena lang sa pelikula ah!... Ano to,Nagkataon... Nagkatagpo lang ang peg?_Dess.Sa kanilang tatlo naman talaga,sya yung vocal at hypher magsalita.
"Hahahah.Kaloka talaga itong si Dess.Sympre hindi.Sinabi kay GD nung kapatid ni Sally na may piknik date nga daw kayong tatlo kaya naisipan naming maki join sana._Terry.Saka sumulyap kay Joyce na hindi naman sya pinansin.
"Hindi ko alam na kailangan palang pa seksihan ang labanan kapag nagpipiknik.Sana nagsuot din ako ng piknik dress like nung kay SALLY.
_TOP.Pero kay Dess naman sya nakatingin."Pasensya na guys kung naka istorbo kami sa inyo.Ni hindi din kami nakapagdala man lang ng kahit na ano.Pasensya na._AKO.Kay Sally ako nakatingin.Tumingin naman sya sa akin pero walang reaksyon sa mukha nya.
"Wala namang problema kung makiki kain kayo sa mga dala naming pagkain.Basta make sure na wag nyo kaming uubusan._Dess.Saka naman kami lahat natawa sa kanya.Medyo nawala na din yung tensyon at saka hindi naman sila nagtanong sa amin kung bakit ngayon lang kami nagparamdam.
"Gusto kong i try sana yung pangangabayo kaya lang natatakot ako.Kayo ba nakasakay na dyan?_Joyce.Out of nowhere,bigla nya yung nasabi habang nakatingin dun sa ranch.Kanya kanya kami ng upo dun sa piknik mat at nagtitimplahan pa ng mood sa kung ano ang pwedeng mapag usapan.
"Well,Ang alam ko...Si Terry ang marunong dyan.Madalas kasi yan sa Baguio nung bata pa kaya laging sumasakay sa kabayo._TOP.Syempre magaling talaga si Terry sa pangangabayo dahil sa kanila itong park na ito at sa kanya yung mga alagang kabayo.Hindi nga lang namin pwedeng sabihin yun.
"Ayun naman pala Joyce eh,Marunong si Terry.Magpaturo ka para masubukan mo._Sally.Saka sya tumayo at sumakay dun sa duyan na nakasabit sa puno.
"Wag na lang,Nakakatakot eh.Baka mahulog pa ako.Saka hindi naman ata nila yan pinarerentahan.Parang alaga sya nung may ari._Joyce.Natatanaw lang kasi namin mula dito yung mga kabayo na tini train at pina aarawan ng mga nag aalaga sa kanila.
"I think pwede naman yata syang i rent...I'll talk to the owner para malaman natin.Wag kayong matakot,hindi kayo ilalaglag ng kabayo basta wag nyo lang silang gugulatin o sasaktan._Terry.Saka sya naglakad papunta dun sa ranch.
"Ayan na Joyce,Tuturuan ka ni Terry sumakay.Buti na lang naka short ka.
Hindi ka mahihirapang gumalaw._ Sally.Saka ko napansin na dahil naka dress sya,hindi sya masyadong maka pag ayos ng upo.Agad kong hinubad ang jacket ko at ipinatong sa mga hita nya.Hindi naman na sya tumutol dahil ayaw din naman nyang makitaan sya."Bakit kasi nag fitted jeans at shirt kapa alam mong sa park ka pupunta?
Idoble mo na nga lang tong sweatshirt ko sa suot mo para maka kilos ka ng maayos._TOP.Saka inabot kay Dess yung sweatshirt nya.Kinuha naman ni Dess dahil gusto nya din sumakay sa kabayo.Naka blouse kasi sya na masikip na maiksi pa kaya kita ang pusod nya."Mag karera tayo ha,Ang matalo...manlilibre ng ice cream._ Terry.Saka nya inalalayan si Joyce na sumakay sa kabayo at saka sya sumampa din sa likod.Kahit takot,gusto talaga ni Joyce na ma experience sumakay sa kabayo.
"Oh my gosssh!Marunong kaba TOP?Baka ilaglag mo ko ha,patay ka sa akin._Dess.Sya naman yung nasa likuran ni TOP.Gusto lang naman kasi daw nyang sumakay pero ayaw nyang matuto.Lahat naman kaming tatlo sanay sa pangangabayo dahil since childhood tinuruan na kami.
Dahil naka palda si Sally,hindi na nya tinangka pang sumakay sa kabayo.
Magkatabi kaming nakasandal lang sa bakod habang nakatingin kila Joyce at Dess na takot na takot habang tumatakbo yung kabayong sinasakyan nila."Kamusta naman kayo nila tatay Caloy?Si Sammy ba,napapasyal ng madalas sa inyo?_AKO.Nagsimula na akong makipag usap sa kanya.Dalawa lang naman kami kaya hindi masyadong nakakailang makipag usap.
"Okey naman kami.Ganun pa din.Oo,madalas dumalaw si Sammy sa amin.
Ang sabi nya nga kapag naregular na sya duon,sa amin na ulit sya titira.
_Sally.Saka ako natigilan.Kapag di pa na aprub yung hinaing namin,isa si Sam sa hindi matatanggap na regular sa kumpanya."Sana nga maregular na sya para makasama nyo na sya palagi.
Mahirap din yung malayo sa pamilya,Nakakalungkot._AKO.Napangiti naman kami ni Sally sa itsura ni Dess habang mabilis na pinatatakbo ni TOP yung kabayo.Kapit na kapit kasi sya sa likuran ni TOP at napapasigaw pa kapag napapadaan sa lubak."Sana nga.Kaya lang ang kwento nya sa amin.Hindi daw pala kaaagad agad nagreregular ng mga baguhan yung kumpanya nyo.Kaya baka hindi pa sya kaagad makabalik sa bahay._Sally.Namimiss na din naman kasi nilang kasama si Samm sa bahay.
"Mahirap nga talaga.Ikaw,kamusta dun sa mall nyo?Balita ko kay TOP may bago daw kayong executive dun ah?_AKO.Medyo wala na din akong balita sa CKG dahil nga sa problema sa VAL.
"Actually,Si Madam CK na ulit yung incharge.Pinagpahinga na muna nya yung anak nya.Nagka problema daw kasi yata kaya hindi na muna pinapasok ni Madam._Sally.
"Naku,Speaking of Madam CK.Alam nyo ba guys na palaging napag iinitan nuon yang si Sally ni Camilla?Grabeh kaya kung insultuhin nya si Sally.
Kahit kami nga din ni Joyce,hindi nakalampas sa kamalditahan nung Camilla na yun eh!_Dess.Tapos na silang mag horseback riding at hindi namin namalayan an nasa likod na pala namin silang apat."What do you mean na pinag initan?Bakit si Camilla ang magagalit sa inyo kung si Sydney i mean si Miss V naman ang in charge sa Sales team?_TOP.
Buti na lang at maagap sya magtanong.Baka kasi pag ako,mahahalatang kakilala ko sila kahit hindi naman ako dun nagta trabaho."Mula nung mawala ka sa Happybee,Saka naman naging magulo na sa pamamalakad sila Miss V.Kahit nga kaming mga manager at supervisor hindi nakalusot sa papamahiya ni Camilla._Joyce.Saka tumingin kay Sally.
"Saka lang nagka alaman kung bakit mas parang bossy pa si Camilla kaysa kay Miss V gayung hired FD lang naman sya dun sa kumpanya.Yun naman pala,Naipatalo ni Miss V yung share nya sa casino kaya napunta lahat ng pera nya kay Camilla.Si Camilla kasi ang inutangan nya._Dess.
Bigla akong na shock sa nadinig ko.Nagpatalo si Sydney ng pera sa sugal?
Nagkatinginan kaming tatlo pero hindi ako nagpahalatang apektado."Papano naman yung mga minaltrato at inapi api kamo ni Camilla,ganun ganun na lang?Sabi mo pati itong si Sally,palagi ding napag iinitan?_Terry
Kay Dess nakatingin.Tahimik lang naman kasi sila Joyce at Sally."Wala naman magagawa eh,Hinayaan na lang namin.Saka okey lang naman ako,salita lang naman yun.Kapag lumaban ako at sumagot sagot lalaki lang lalo ang gulo.Pasalamat na nga lang kami at bumalik na si Madam,wala ng sakit ng ulo._Sally.Saka ako biglang nabwisit kay Camilla.
Sa dinami dami ng kakantiin,si Sally pa ang napili nyang banggain.This time siguro kailangan ko ding makialam sa pamamalakad sa CKMall paminsan minsan.Bakit ba naman kasi nagkasabay sabay pa na naging sugarol si Sydney at naging drug user naman si Symon...Malaki talaga ang epekto sa kanila nung nalaman nilang hindi sila mga tunay na anak nila mom and dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantikComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...