Ilang araw na din akong namamalagi dito kila tatay Caloy.At aaminin ko, nag eenjoy ako na kasama sila lalo na si Sally na unti unti na ding lumalambot ang puso sa akin.Nakilala ko na din ang lalaki nilang anak na si Sammy.Gaya ni tatay Caloy,madali ding pakibagayan at maka gaanan ng loob si Sammy tulad ng tatay nya.Kung maingay at makulit si Sassy,at matalino at palangiti naman si Sammy...Si Sally naman ay masipag at matulungin sa kapwa.
"Aling Sita,pabili nga po ng vetsin at saka magic sarap.Saka tig isang bote na din po ng toyo at suka._Sally.Andito kami ngayon sa malaking sari sari store bago pumasok sa looban.Bago dumaan ng tulay papasok sa looban.
"Aba Sally,Mukhang may bisita kayo kaya madami kang pinamili ah.
Syanga pala,nagluto ako ng laing para sa tatay mo.Mabuti at dumaan ka kaagad.Tamang tama at kaluluto ko lang nito._Aling Sita.Nadinig ko lang na tawag ni Sally dun sa ale na may katabaan ng bahagya."Naku naman aling Sita,Nag abala pa kayo.Salamat ho dito ha.Wag kayong mag alala,makakarating to kay tatay.Hindi namin sya uubusan._Sally.
Saka kami naglakad na pabalik na madaming bitbit na pinamili."Ang bait naman nung ale sa tindahan,may libreng paulam pa sa inyo.
Ganito ba lagi dito sa inyo,palaging nagbibigayan ng ulam?_GD.Natawa ko sa itsura nya habang may mga bitbit na plastic bag.Halata kasing hindi sya sanay na may bitbit dahil nakasabit yun sa braso nya na parang bag."Hindi naman,paminsan minsan lang yun.Alam mo kasi yang si Aling Sita, may gusto yan kay tatay,pero ayaw naman ni tatay sa kanya.Ang sabi ng tatay,One and only nya lang si Nanay at hindi na sya muling iibig pa._Sally
"Wooow!Greatest love ba ang tawag dun?Uhmmmm...Ang sweet pala ni tatay Caloy sa nanay nyo noh.Sabagay,sa itsura naman kasi ni tatay Caloy, halatang stick to one lang eh._AKO.Saka ako napaisip.Para yatang ang OA naman ng reaksyon ko.Hindi na cute.
"Ay grabeh sya maka react oh!Alam mo,ang OA mo.Pero tama ka naman talaga dun sa sinabi mo,kasi talaga namang mabait na asawa si tatay kay nanay.Kaya nga sila ang peg namin pag dating sa LOVE._Sally.Saka sya biglang natigilan.Tapos nagmadali na kami sa paglalakad pauwi.
Gustuhin ko mang tumulong sa paglalaba ni Sally,pero wala talaga akong alam sa pagkusot.Kaya umupo na lang ako sa harap nya at pinanuod sya habang naglalaba.Bakit ba kasi wala manlang silang washing machine...
Ang hirap hirap kasi ng ginagawa nyang pagkukusot."Mabuti pa siguro dun ka na lang sa loob maupo.Naiilang ako na may nakatingin sa akin habang naglalaba eh._Sally.Nasa likod bahay nila ang labahan.Meron silang gripo duon at may sampayan na alambre.
"Hindi naman ako nakaka abala ah.Andito lang naman ako sa isang tabi.
Hindi ba masakit sa kamay yang pagkuskus mo sa mga damit,Bakit di ka nalang bumili ng washing machine?_AKO.Ang alam ko kasi,meron namang mura lang na washing machine sa mga mall."Nasa isang tabi ka nga pero hindi ako makapag concentrate sa pagkukusot dahil sa nakatingin ka.And speaking of washing machine,mura mo nga lang mabibili pero mahal naman ang singil sa kuryente,kaya di bale na lang,sanay na akong magkusot._Sally.Saka ko naalala,yung mga panties ko pala kasama nung marurumi kong labada.
Huli na para makuha ko dahil kasalukuyan ng kinukusot ni Sally yung black na panty ko."Ano,saka kapa nahiya kung kelan andito na?Sa susunod kasi,matuto kang mag kusot ng sarili mong under wear habang naliligo ka.Papano na lang kung ibang tao ang nakakuha sayo,tapos wala kang kaalam alam sa kahit pagkukusot lang nitong under wear mo,hindi kana mag papalit ng pangloob?_Sally.Pati kasi bra at panty,kasama nyang binili kanina sa palengke kaya nilabhan nya muna bago ko daw isuot.
"Pwede mo ba akong turuan maglaba?Kasi hindi ko alam kung ano bang una kong gagawin,tapos hindi ako sure sa detergent.Baka may allergy ako sa mga ganyan._AKO.Naalala ko kasi nuon,nag laro ako ng bubbles habang naglalaba si yaya ng mga under wear ko,after ko magbanlaw nagkaroon na ng mga rushes yung mga kamay ko.Ang sabi ni yaya,sa sabon daw yun.
"Aysus,Wag kang aarte arte noh.Dapat matutunan mo din kahit na basic lang sa mga gawaing bahay.Papano kapag nag asawa kana,tapos hindi naman ganun kayaman yung napangasawa mo,natural ikaw ang gagawa lahat ng mga gawing bahay sa inyo.Halika dito,tuturuan kita magkusot.
_Sally.Agad naman akong tumabi sa kanya.Medyo mainit sa lugar nya kaya pinag pawisan kaagad ako."So ganito pala maglaba,kuskos piga.Tapos after nito,babanlawan na sa planggana na may madaming tubig._AKO.Agad kong ihinagis yung damit na tapos ng sabunin sa planggana pero tumalsik ang tubig kay Sally na ikinagulat ko.
"Ayyy anu ba,Bakit mo ba hinagis.Nabasa tuloy ako.Ikaw talaga,hindi ka na nga nakatulong,naka perwisyo kapa!_Sally.Agad nya akong winisikan ng tubig galing dun sa planggana nyang may sabon kaya napatayo ako.
"Heeey!That was dirty water.ieeeeewww!_AKO.Saka ko sya ginantihan mula naman sa tubig dun sa gagamiting pang banlaw ng mga damit.
"Aba,Ikaw pa ang maarte ha!Sino bang nagsimula ha?Binasa mo nga ako oh!_Sally.Itinaas pa nya yung laylayan nung damit nyang nabasa.Saka kami naghabulan sa labahan habang nagsasabuyan ng tubig.
"Hahahahha!Sorrry naman.It was an accident.Ohhh myyyy gooosshhh.
Waaait!_AKO.napatili ako ng malakas dahil kumuha sya ng tabo at saka nya ako sinabuyan ng tubig.Basang basa kami pareho habang tawa kami ng tawang dalawa.Sa totoo lang,hindi ko na matandaan kung kelan pa ako huling tumawa ng ganun kalakas."Para tayong mga batang naligo sa ulan nito ah!Sige na GD,mauna ka ng pumasok sa loob at maligo kana.Baka magkasakit kapa nyan,lagot ako kay tatay pag nagkataon._Sally.Saka sya nagsimula na sa pagsasampay nung mga damit.
Tapos na akong maligo at nakapagbihis na at saka naman sumunod si Sally sa akin sa banyo at sya naman ang naligo.Umupo lang ako sa sofa at saka ko sya inantay lang duon.Wala kasi silang television kaya nakaupo lang ako duon at nag aantay sa kanya matapos.
"Halika dun sa kusina,magluluto ako ng maruya para may miryenda tayo.
Nakakain ka na naman siguro nun noh?_Sally.Saka ako tumango.
Nilulutuan kasi ako ni yaya Cora ng maruya at turon nuon kaya alam ko kung anu yung pagkain na yun."I think i know that.Pero hindi ako sure sa pangalan.Basta saging na saba sya at matamis right?_AKO.Ayoko namang tumatak sa isip nya na mayaman talaga ako kaya kahit papano kilala ko yung maruya na sinasabi nya.
"Ohhh nooo!Bakit namumula yang mga braso mo?At saka yang mga kamay mo,may mga rashes._Sally.Agad syang naalarma sa nakita nyang pamumula sa braso ko.Im sure,sa detergent ko nakuha yun.
"Ohhhh!Hindi ko sya napansin kaagad.But its okey,hindi naman sya makati or something kaya dont panic._AKO.Gusto ko lang pakalmahin sya pero sa totoo lang,kinabahan din ako sa allergy ko.
"Hindi yan pwede,dapat ipatingin natin yan sa doktor.Halika,sasamahan kita sa private clinic dun sa labasan,para hindi na yan lumala pa._Sally.
Hawak nya na naman ako sa kamay habang naglalakad kami papalabas sa looban.Hindi ko alam kung bakit,pero sa tuwing magdidikit kami ni Sally, meron akong kakaibang kuryenteng nararamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...