Sa totoo lang,medyo malaki laki din ang perang nainvest ko sa pagbili ng private jetplane na yun.Halos masimot ang buong savings ko dahil sa dami ng binayaran ko bukod sa milyong halaga ng jet.Pasalamat na lang ako at may sariling airport ang VAL at sakop din ang labor at maintenance kung sakaling magka aberya.
"Kamusta naman ang first date nyo in the air ni Sally dude?
Heaven din ba sa pakiramdam ha?_TOP. Madalang na din kaming magkita kitang magkakaibigan dahil sa kanya kanya naming mga trabaho."Oo naman dude,Masarap na masaya.Why dont you try din,Available next month yung jet ko.I'll give you a great discount para naman ma experience mo din._AKO.Next month na kasi ang sked ng kasal nila nung girl na ipinakakasal sa kanya ng mga magulang nya.
"Pwede ba wag mo ng ipinagdididinan pa.Bigla na naman tuloy nasira ang mood ko.Kung pwede lang wag ng mag JUNE para lang wag ng matuloy yung wedding na yun eh!_TOP.Sa LA gaganapin ang kasal at invited kami ni TERRY.
"Hahahaha.Bakit ka naman kasi magpapakasal kung ayaw mo naman pala in the first place?Ano bang ayaw mo sa fiancee mo,mayaman naman at saka maganda ah?_Terry.
"Ayaw nya kasi nga flat chested! Pwede namang ipa vulcanize yun i mean ipagawa pala.hehehehe._AKO.Birong may halong pang aalaska yung sinabi ko at saka kami sabay na nagkatinginan ni Terry.
"Kayong dalawa,kung wala kayong maasar na iba wag akong gawin nyong pulutan!Sa totoo lang,gustong gusto ko na talagang umalis ng bansa nuon pa pero naka hold ang visa ko until the wedding day._TOP.
Saglit akong natigilan.Ganun talaga ka seryoso ang parents ni TOP sa kasalan na yun."Ganun kaseryoso ang parents mo na ipakasal ka nga talaga?
Bakit daw?Naghihirap na kayo kaya need nila na ipakasal ka sa ka business partner nila para may support?_Terry.Yun din ang naiisip ko."Imposibleng maghirap kami.Sa dami ng branches ng KWINTOP,Kahit pa apo ng kaapu apuhan ng mga anak ni TOM magbubuhay milyonaryo pa din sa laki ng kita ng Supermarket.Yun na nga lang kinikita ng Happybee hindi ko na alam kung papano ko gagastusin eh._TOP.Saka kumuha ng beer in can sa ref at inabutan kami ni Terry.
"May point ka naman dun.For sure kayang kaya mo ding bumili kahit ngayon ng sariling private yatch.May kilala kong pwede mong makuhanan.Pag usapan natin later on yan.Dun tayo sa pagpapakasal mo muna mag focus.May naiisip ka bang pwedeng gawin?_Terry. Sa dami ng kilalang businessman ni Terry, madami na din syang na i close deal na business.Sya din kasi ang nag pakilala sa akin sa may ari ng pagawaan ng costumized Jetplane ko.
"Wala pa akong naiisip sa ngayon,pero for sure hinding hindi ko papayagang matuloy ang kasalan na yan._TOP.Nagkatingin lang kami ni Terry.Kilala namin si TOP na madaling makadiskarte at makaisip ng paraan kaya alam naming madali nyang masosolusyunan ang problema nya.
"Hahahha.Kaya nga hindi ko na muna pinatawagan sa secretary ko yung GUCCI shop sa Paris,Sayang naman yung oorderin kong gown kung di naman matutuloy yung kasal._AKO.Kapag special na okasyon,may iisang brand kaming inoorderang magkakaibigan.Nagkakaiba iba lang kami sa kulay at design.
"Buti na lang di ka pa tumawag!CK ang sponsor ko ngayon dude.Pati kayo ipina register ko as a member.Discounted tayo kapag may mga latest silang collection na ilalabas.Balak ko din kasi silang kuning sponsor kapag ikinasal ako._Terry.Napataas ang kilay ni TOP sa kanya.
"Kasal? Bakit may balak ka na din bang pakasal?
Kanino at kelan naman yan ha?_AKO.Muli akong nagbukas ng beer at saka uminum habang nag aantay ng sagot from Terry."Uhmmm,Hindi pa naman sya naka set...For future reference lang.I want to make sure lang na hangga't maaga mas nakapaghanda para mas maka discount ako.
Alam nyo naman,daig ng maagap ang masipag.hehehe_Terry.
Na nuknukan ng kakuriputan pero mapagbigay naman sa mga nangangailangan."Ikaw talaga Terry,Akala ko naman uunahan mo pa itong dalawang lovey dovey na sina Dane at Sally eh!Kita mo naman,una muna honeymoon bago kasal.hahahhah._TOP.Bahagya naman akong namula sa sinabi ni TOP.
"Hahahaha.Yan si Dane,Tatahi tahimik pero malupet. Sa totoo lang,hindi ko aakalain na sa ating tatlo si Dane pa pala yung magsi seryoso.
Ang laki ng changes sa dating tatamad tamad na si DANE sa business minded na ngayong SI BOSS GD eh!_Terry."Iba kasi ang nagagawa ng LOVE.Nagiging Inspired ka para maaabot mo yung mga pangarap mo sa buhay.Nung di ko pa nakikilala si Sally,Wala naman akong pangarap sa buhay eh.Pero when i met her.Parang lahat na lang gusto kong magkaroon ako para ibigay sa kanya._AKO.
"Im so happy for you Bff.Masaya akong nakikita kayong masaya ni Sally sa relasyon nyo.Pati na din ang pamilya nyo,magkakasundo.
I wish that someday,magkaroon din ng katuparan ang mga pangarap ko gaya ng sa inyo._Terry.Ramdam sa boses ni Terry na para syang naiiyak pero pinipigilan nya.Mahirap talaga ang pinagdadaanan ni Terry sa ngayon pero alam kong magiging maligaya din sya balang araw gaya ko."Here we are again..Usapang Love na naman tayo.Kinikilabutan ako dyan sa mga pinagsasabi nyong dalawa.I have nothing against SALLY ha,Mabait na tao sya.Pero hindi natin masasabi ang bukas okey? Kaya kung ako sayo Terry,i enjoy mo lang yang pagiging single mo.Ang dami pang babae na darating,mas maganda at mas mayaman.Wag kang mag focus sa iisang babae lang._TOP. Si Joyce ang tinutukoy nya.Until now kasi hindi pa din sila nag uusap.
"Palibhasa kasi,hindi mo pa nahahanap yung katapat mo kaya mo nassabi yan eh! Alam mo kasi TOP,Hindi lang naman about SEX and LUST ang lahat ng relasyon.Iba din yung may natatakbuhan ka kapag malungkot ka.May nasasabihan ka ng problema mo,may nasi sharean ka ng tagumpay mo at higit sa lahat may pamilya kang matatawag mong sayo.
_AKO."Simple lang din naman yung pangarap ko.Magkaroon ng sarili kong pamilya.Sariling bahay na matatawag kong sa akin talaga.
Gusto ko ding maranasan yung uuwi ako sa bahay at sasalubungin ng mahal ko ng mainit na yakap at halik mula sa nakakapagod na maghapong pagta trabaho._Terry."Goodluck sa mga pangarap nyo guys.Ang sa akin lang naman,I enjoy natin ang buhay hanggang bata pa.Madaming isda sa dagat para mag focus ka lang sa iisa.Walang kahit na sino ang maaaring pumigil sa akin na gawin ang gusto ko kahit pa ang mga magulang ko.Kaya i'll make sure na hinding hindi matutuloy ang kasal na pinaplano nila para sa akin._TOP.
Hindi ko masisisi si TOP kung bakit ganun na lang sya ka mapaglaro sa mga babae.Naghahanap kasi sya ng taong magpaparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal.Bata pa lang kaming tatlo,mahilig na syang maghanap ng atensyon sa mga tao.Kahit sa parents nya,hindi man nya aminin,masaya sya kapag nasa kanya ang atensyon ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...