Umagang umaga pa lang,nasermunan na kaagad ako ng manager namin na si Ms.Miranda dahil sa luma ko pa ding uniporme.Kung bakit naman kasi nasabay pa na wala akong sobrang pera dahil ipinabaon ko lahat kay Sammy yung inipon ko.
"Sally,Gusto mo bang pahiramin na muna kita ng pera para matubos mo na yung uniporme mo?_Dess.Nasa canteen kami ulit.Dito lang naman kasi kami nakakapag usap ng husto kapag lunch break.
"Wag na Dess,Ako na ang bahala.Meron pa naman akong naitatagong emergency fund.Hindi ko lang talaga yun binabawasan dahil nga para lang yun sa biglaang pangangailangan pero ngayon,wala na akong choice kundi bawasan talaga._AKO.
"Okey lang yan Sally,Importante naman kasi yung bibilhin mo.Tapos rumampa ka dun sa opisina ni Ms.Miranda bukas,Ipamukha mo sa kanya na mas maganda kang lalo sa bagong uniporme mo._Joyce.Kahit nagbibiro si Joyce,alam mong may dinaramdam sya.
"Hahahha.Pak na pak yun!Ewan ko lang kung di lalong ma insecure yung FD na yun sayo.Maiba nga pala ako,Speaking of ganda,Si Camilla daw pala ang itinanghal na star of the night last night eh.Ang bongga daw nung damit eh._Dess.
"Ahhh,Sya pala yung sinasabi mo Sally na tumawag sayo sa harapan para ihalimbawa sa lahat na dapat may class at confidence?
Well,pasalamat na lang sya at nag uwian na tayo ng mas maaga nung gabing yun,baka lalo syang ma insecure kapag isa sa atin ang itinanghal na Star of the night._Joyce."Hahahaha.May point ka dun Joyce.Kahit nga nung reunion namin,lahat ng mga ka klase kong lalaki gusto akong isayaw.Kaya lang dedma ang beauty ko sympre,pagod na nga ko sa pagsusuot ng heels tapos pasasayawin pa ako._Dess.
"Aba,Kayong dalawa para yatang ang tataas ng level ng mga confidence nyo ngayon ah!Anong meron guys?Yung totoo,nilamon na kayo ng sistema?I mean,panay papuri naman kasi ang natanggap natin sa lahat nung gabi na yun kaya nagkaganyan kayo?hahah_AKO.
"Hindi naman sa ganun,Kaya lang saka ko biglang naisip na sayang nga din pala ang gandang meron tayo kung hanggang pagtitinda lang ang kababagsakan.Para tuloy gusto ko ng maghanap ng mas malaki ang sahod para makabawas sa mga utang namin._Joyce.Nagkatingin kami ni Dess.
Seryoso ba si Joyce.Para kasing hindi ganun ang pananaw nya dati sa pagiging saleslady namin.Parang ngayon kasi,naiba ang ihip ng hangin."Joyce,Alam namin yang pinagdadaanan mo at ng pamilya mo.Tama ka naman,hindi masama ang maghanap ng mas greener pasture.
Kung sakali man na maisipan mong umalis at maghanap ng ibang mapagkakakitaan,naka suporta kami sayo ni Sally ng 100%._Dess."Salamat guys,Pero sa ngayon wala pa naman akong naiisip na gusto kong applyan.Maybe callcenter agent siguro para mas malaki ang sweldo kaya lang pang gabi ang trabaho,walang magbabantay kay nanay kung sakali.
_Joyce.Sa tono ng pananalita ni Joyce,desidido nya talagang iwan ang pagiging bisor dito at maghanap ng may mas mataas na sweldo."Wag kang mag alala Joyce,Kapag meron kaming nabalitaang pwede mong aplyan sasabihan ka namin.Sa ngayon,mag focus na muna tayo sa pagtitinda at pagsusupervise._AKO.
●●●●●
Umuwi ako ng bahay na dala na yung uniform na sa wakas natubos ko na din.Hindi ko inaasahan na madadatnan si GD duon na kausap nila Tatay at Sassy.Isang tipid na ngiti naman ang bungad sa akin ni GD na nagpakabog sa dibdib ko.
"Ayan na pala si Ate eh.Ate,kanina pa sana uuwi si Ate GD kaso inaantay ka nya eh.Ginabi ka yata?_Sassy.Agad akong nagmano kay tatay at saka umupo sa tabi nya.Paharap kay GD at Sassy na magkatabi naman.
"May pasok pa kasi ng maaga bukas si GD kaya nagmamadaling umuwi na.Akala nya kasi maaga ka daw darating.Ako din nga ay papasok na sa kwarto at ng makapag pahinga,Ikaw na ang bahala kay GD anak._Tatay.
Saka sya tumayo na at pumasok sa kwarto nila ni Sammy."Ate GD,Salamat ulit dito sa gift mo ha.Hindi na talaga ako mahihirapan sa pagri research neto.Ang ganda mo na ambait mo pa,Ikaw na talaga ate!
Hihihi._Sassy.Isang mamahaling tab ang regalo ni GD sa kanya."Ikaw talaga,Ang mahal mahal naman nyang tab na hiniling mo.Pwede ka namang magrent ng computer dyan sa labasan ah._AKO.Alam ko kasi na nasa sampung libo ang halaga ng presyo ng tab na yun.
"Hahahha.Mura lang yang tab na yan dont worry.Actually,binenta lang yan sa akin nung kawork ko.Need nya daw kasi ng pang gatas ng baby nya kaya binili ko na lang._GD.Saka tumingin kay Sassy at umapir.
"Tignan mo na ate,Nakatulong pa si Ate GD dun sa ka work nya.
Thanks ulit ha ate GD.Ingat ka sa pag uwi.Mauuna na din ako sa kwarto ko._Sassy.Na alam kong excited ng gamitin yung tab nya."Salamat pala dun ha.Kahit sinasabi mong mura lang yun,malaking kabawasan pa din yun sa sinweldo mo._Ako.Napatingin ako sa kanya at saka ko narealize na hindi pala ko dapat nakipag titigan sa kanya.
"Its nothing compared sa pagtanggap at pagpapatuloy nyo sa akin dito nuon.Like I said,Malaking utang na loob ang tatanawin ko sa pamilya nyo habambuhay._GD.She looks more dashing tonight.Yung pagod na mga mata,na parang gusto mong isandal sa balikat mo at ihele.
Idagdag pa yung labi nya na kahit wala namang lipstick ay parang pulang mansanas na masarap kagatin."Hah!Ahh ehh..Wala na yun,kalimutan mo na.Kahit naman sino siguro ang nangangailangan ng tulong sa amin,gagawin naman talaga ni tatay yun.
Masyado kasi syang mabait sa kapwa._AKO.Anu ba naman kasi ako,kung ano anu ang iniisip ko."Sabagay,Nasa pamilya nyo na kasi talaga ang pagiging matulungin.
Btw,Hindi na nga pala ako magtatagal...Gabi na din kasi.Maaga ako bukas.
Mauuna na din ako.Sa susunod na lang ulit.Dinaaan ko lang din talaga yun para kay Sassy._GD.Tumayo na sya at saka ko sya inihatid sa gate."Dito na lang,Kaya ko namang maglakad na palabas.Baka mapagod kapa ng husto.Alam ko namang pagod ka na din.Iniwan ko na nga din pala kay Sassy yung number ko incase may maging problema kayo,pwede nyo akong tawagan.Sige,aalis na ko._GD.Saka sya naglakad na papalabas.
"GD!_Sigaw ko.Saka ako mabilis na tumakbo papalapit sa kanya.
Niyakap ko sya ng mahigpit.Bahala na kung anong isipin ng mga tao sa amin basta gusto ko syang yakapin ng mga oras na yun."Sally,Don't cry.Madaming nakatingin sa atin.Baka kung ano ang isipin nila.Pumasok kana sa loob.Don't worry,mas dadalasan ko ang pagdalaw sa inyo para naman mas matagal tayong makapag usap._GD.Saka sya kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.
Hindi ko sya matignan.Nahihiya ako sa kanya,pati na din sa sarili ko.Bakit ba pagdating kay GD,hindi ko mapigilan maging emotional.Bakit ba parang sya naman parang wala lang.Bakit ba hindi kami pareho ng nararamdaman.Ang daming bakit pero wala akong mahanap na sagot.
Hanggang sa makapasok na ko sa bahay na hindi na sya nilingon.Dumiretso ako sa banyo para dun umiyak ng umiyak.Mahina,pigil at tahimik lang dahil ayokong madinig ako ni tatay.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...