62.GD POV'S

1.6K 70 6
                                    

Sa wakas,natapos na din ang problema ng unyon.Bago pa natapos ang taon,Pinirmahan na ni Dad ang dokumento na naglalaman ng approval sa pagre regular ng mga empleyadong contractual lamang.Isa sa mga naka abot ng magandang balita ay si Sammy na nakalampas na ng anim na buwan sa pagiging empleyado sa kumpanya.

"Mga kasama,Alam kong masayang masaya kayo ngayon sa natanggap nating magandang balita mula sa VAL.Hindi naman lingid sa inyong lahat na madami ang nagtulong tulong para maparating natin sa itaas ang ating mba naging hinaing.Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa masigasig nyong pagtutulong tulong para makamit natin ang ating minimithi._Sir Manuel.Saka naman nagsipalakpakan ang lahat.

"Presidente,Sa lahat ng mga nangyari at tagumpay ng samahan,Kayo ang syang dapat naming pasalamatan.Dahil kundi sa tulong nyo at matapang na pakikipaglaban,hindi diringgin ang aming mga hinaing._Secretary Jim.Isa kasi sa mga anak nya ang hindi maregular sa kumpanya kahit matagal na syang nagtatrabaho sa opisina.

"Alam nyo mga kasama,Hindi naman talaga ako ang dapat nyong pasalamatan.Mayroong isang tao tayo na dapat na pasalamatan na dahil kundi sa matyaga nyang pakikipag usap sa CEO at pagmamakaawa,Baka hanggang ngayon patuloy pa din tayo sa pakikibaka._Sir Manuel.Bigla naman akong kinabahan sa speech na yun ni Ninong.Bakit parang bigla namang gusto yata akong ipakilala ni ninong bilang anak ng CEO.

"Talaga Pres?Sya din ba yung nag mungkahi na wala ng batas na nagbabawal sa pagsasabay at pagsasama kumain ng mga opisyales at matataas na kawani ng kumpanya at ng mga karaniwang empleyado lamang?_Kuya Jun.

"Aba,Kung ganun.Bayani ang dapat itawag sa kanya!Napakalaking bagay iyun sa ating lahat.Wala ng Endo at contractual,Nawala pa yung pang iinsulto at pagmamaliit sa atin ng mga nasa itaas.Isipin mong pare pareho lang naman tayong may pambili ng pagkain,pero iba ang kainan nila kaysa sa atin.
_Ate Flora.

"Alam kong gusto nyo ng makilala ang taong may malaking puso para sa ating lahat.Natutuwa ako at ikinararangal kong naging mabuti ang paghubog at pagpapalaki ng kanyang mga magulang sa kanya kaya naman lumaki syang mabuting bata.Alam ko din na mabibigla sya sa pagpapakilala ko sa kanya pero KARAPAT DAPAT lang na malaman ng lahat ang kanyang nagawa para sa atin.Pinakikilala ko sa inyo,Ang tagapagmana ng VILLAREAL AIRLINES,Glaiza Dane Villareal.GD halika dito anak._Ninong.

Lahat ng mga tao duon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin.
Maging si Sammy ay hindi makapaniwala na ako si GD na anak ng may ari ng VAL...Saka ko nakita si daddy na nakangiti ding pumapalakpak sa akin sa harapan kasama ng ilan sa mga staff nya.

"Pasensya kana iha,Ayun kasi ang napagkasunduan namin ng daddy mo.Gusto nya na ipakilala kita sa lahat bilang anak nya at tagapagmana.Kaya naman kahit alam ko na ayaw mong ipaalam sa lahat,wala akong choice kundi sumunod sa nakatataas._Ninong Manuel.
Nasa opisina kami ng daddy para sa mahalagang meeting with the board.

"Hahahha.Sinadya ko talaga yun anak.Para hindi kana makapalag.Gusto ko lang naman na makilala ka nila bilang anak ko.Syanga pala mamaya sa meeting,lahat ng shareholder ay tyak na magrereklamo.Pero since ako na ang nagpasya,wala na silang magagawa._Daddy.

"Mag aapila kami sa korte bilang protesta sa pagpayag mo sa hiling ng mga mang gagawa.Alam naman namin na nasayo pa din ang huling desisiyon pero hindi mo nire consider ang aming mga desisyon at basta mo na lang itong pinahuntulutan._Mr.Mondragon(byenang hilaw ni Symon)

"Sa ganang akin naman,dapat hindi lahat pinayagan maging regular kaagad.Yung mga matatagal na lang talaga sana muna sa serbisyo ang pinayagan._Tito Joeven.

"Gayong ipinakilala mo na sa lahat si Dane bilang anak mo,Sya na din ba ang balak mong ipalit sa pwesto mo ngayon?_Tito Ronnie.Napalingon naman sila lahat kay Symon na tahimik lang

"Well,pinakilala ko si Dane sa lahat para naman malaman nila kung gano ako ka proud sa kanya bilang tatay nya.
Regarding dun sa papalitan ako sa pwesto,Malakas pa ako at bata pa naman para palitan.At saka madami pang kailangang malaman at pag aralan si Dane bago sya iluklok sa tamang pwesto nya._Daddy.

"Pero kung sakali ba,Si Dane ang ipapalit mo sa iyo kahit andyan naman si Symon na malaki na din naman ang nalalaman sa pasikot sikot nitong business?_Tito Ronnie.

"Sa ngayon malayo pa yan sa iniisip ko.Saka ko na kayo iinform kapag malapit na ko sa pagreretire.Isa pa,magkaka edad lang naman tayo dito halos lahat,Siguro naman kapag nagretired na ako bilang CEO,ganun din kayo?_Daddy.Natawa maman si Ninong kaya pati ako nakitawa na din.

"Nawawala na tayo sa totoong topic.Ang mabuti pa,ilatag na ngayon ang agenda para pare pareho na tayong magsibalik sa mga pwesto natin._Mr.Mondragon.Parang pamilyar ang boses ni Mr.Mondragon kapag galit ang tono nya.Parang nadinig ko na sya sa kung saan pero di ko lang maalala.

Matapos ang meeting tungkol sa pagrereconsider na mag apila sila tungkol sa pagreregular sa mga employees,Tinalakay din ang buwanang kita at expenses ng negosyo.Maging ang maliliit na problema at mga reklamo ng mga pasahero ay tinalakay din.
Bawat usapin ay may kanya kanyang opinyon at pananaw,pero sa huli...Nasa CEO pa din ang huling pasya.

Saka ko lang ngayon naiintindihan kung bakit ganun ganun na lang ang paghahangad ng iba na makuha ang pagpapatakbo ng VAL.Hindi birong pera ang pinag uusapan dito.Hindi din birong humawak sa ganito kalaking negosyo na sayo nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga taong umaasa sa kumpanya.

"Ngayon nararamdaman mo na din ang pressure hindi ba?
Mabuti ka nga,si Daddy lang ang iisipin mo at kung papano makakatulong sa kanya sa trabaho.Samantalang ako,bukod kay dad,meron pa akong iniiisip na inlaws na kailangan ko ding
pakinggan.Idagdag mo pa ang mga shareholder na palagi ako ang isinasangkalan sa ibang investor kapag ayaw ni dad pumayag sa mga gusto nila._Symon.Nag uusap kami sa opisina nya.

"Kaya nga andito na ako eh,Para may kasama ka na.
Magtulungan tayo nila Daddy.Wag kang mag alala kasi palagi na akong andito para sa pamilya at sa negosyo.
Maalala ko nga pala,Alam mo na ba yung tungkol sa pagpapatalo sa sugal ni Sydney sa casino?_AKO.

"Yeah.Sinabi nga sa akin ni Dad.Hiyang hiya na nga ako sa kanila ni mommy eh.Hindi na nga kami mga tunay na anak,kami pa yung mga pasaway.Kinausap ko na din si Sydney about dun at sising sisi naman na daw sya sa nagawa nya._Symon.

"Let me handle the situation.Mag focus ka na lang dito kasama ni dad.Tutal tapos na ako sa misyon ko dito sa VAL,Saka ko naman babalikan itong si CAMILLA.Nakakarami na sya eh,gusto ko lang naman malaman nya kung saan lang sya nararapat at gusto ko din syang maturuan ng leksyon_AKO.

Saka ko na iisipin yung tungkol sa gustong magtangka sa akin.
Habang nandito ako sa Val,hindi nya ako malalapitan o magagawan ng masama.
Lalo pa ngayon alam na ng mga tao kung sino ako.May access na ako sa lahat.Uunahin ko na munang turuan ng leksyon si Camilla saka ako ulit magpo focus sa STALKER ko.










"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon