Gabi na ako nakauwi dahil sa dami ng ginawa ko sa trabaho.Panay kasi ang utos sa akin ng mga matatandang boss ko duon.Wala naman akong magawa kaya kahit hindi ko alam yung gagawin,pinipilit ko pa ding tapusin.Papakyat na sana ako sa room ko ng may madinig akong mahinang pagtatalo sa isa sa mga room sa ibaba.Dahan dahan akong lumapit sa pinto para sana tignan kung sino ang nag uusap pero agad kong nabosesan ang nag tatalo.Si mommy at si yaya Cora.
"Hindi ka aalis dito Cora,hindi kita papayagan.At lalong hindi ka papayagan ni Dane na umalis._Mommy.Mahina pero madiin ang tono ni mommy na parang galit talaga.
"I can't take it anymore CK,let me live on my own.Pakiusap naman,hayaan mo na ko._Yaya Cora.Na impit sa pag iyak habang nagsasalita.
"Pero ayokong umalis ka dito.Kailangan kita,kailangan ka namin.Dito ka lang,hanggang gusto ko na nandito ka lang._Mommy.Agad kong binuksan ang pinto at sabay silang nagulat sa pagpasok ko.
"Mom,What are you doing to yaya Cora?Matagal na pala nyang gustong umalis pero pinipigilan mo sya.Your so selfish._AKO.Isa yun sa ugali ng mommy na pinaka ayaw ko.Gusto nya palagi na sya ang masusunod.
"Dane you stay out of this.Hindi mo alam ang pinag uusapan namin kaya mas mabuting iwan mo na muna kami._Mommy.Saka naman biglang nakarecover si yaya Cora at ngumiti sa akin.
"Anak,Nag uusap lang kami ng mommy mo.Wag kang mag alala,Hindi naman ako aalis ng hindi nakakapagpaalam sayo.Sa susunod tayo naman ang mag uusap_Yaya Cora.
"Are you sure your okey yaya?Wag kang mag alala sa akin,Kung gusto mo namang umalis,hindi kita pipigilan.Karapatan mo ding lumigaya Yaya at magkaroon ng sariling buhay._AKO.Tumango tango naman sya at saka ngumiti sa akin.Habang si mommy naman ay bakas pa din ang pagtutol sa mukha.
.......
"Dad,Aattend ka ba sa Anniversary ng CK sa sunday,Para kasing di ka naman nagpahanda ng isusuot mo kay Devine?_Sydney.Since may event sa sunday,ngayong gabi kami nag salo salo sa dinner.Isa pa,need din naming pag usapan ang pag alis ni yaya Cora sa bahay.
"Sasaglit ako sympre.Baka awayin ako ng mommy nyo kapag hindi ko sya sinipot duon.Pero babalik din ako ng opisina after.Mahalaga kasi yung bagong project na nilalamay namin this month,mahirap ng pumalpak.
_Daddy.Na sa akin nakatingin.Ilang linggo na kasi pero wala pa din akong naibabalita sa kanya about sa unyon."Napag usapan na namin ng daddy nyo yan,basta ang importante kayong dalawang babae nandun.Baka mamaya,may tumakas na naman at biglang mawala sa kalagitnaan ng party._Mommy.Mula ng magpaalam si yaya Cora na aalis,palaging mainit ang ulo ni mommy sa lahat.
"Hahahha.Basta siguraduhin nyo lang mom na wala ng surprised proposal na magaganap,siguradong wala ng tatakas nyan!_Symon.Sa akin nakatingin.
"Symon,Tawa ka ng tawa dyan hindi mo pa din ba nakakausap si Manuel?
Baka mamaya,bigla na lang magsipag rally yang mga yan sa araw ng pagdating ng mga investors natin,ikaw ang mananagot duon kung sakali_Daddy.Kay Symon nya sinasabi pero ako talaga ang gusto nyang sabihan."Dad naman,hindi ko na problema si Tito Manuel.Si Dane ang in charge dyan hindi ba?Kung ako ang pinatrabaho mo sa bagay na yan,malamang matagal na ding wala ang mga taong kasapi nung unyon na yun._Symon.
Saka ako napatingin kay Sab na bahagyang ngumisi ng palihim."Symon,Dad...Pwede bang wag na nating pag usapan yang tungkol sa trabaho nyo over dinner?Hindi maka relate tong mga anak ko eh.
Once a week na nga lang tayo magkita kita,puro pa tayo negosyo ang pinag uusapan._Sydney.May katwiran.Mula ng maging mommy si Sydney,saka nya narealize ang kahalagahan ng pagiging magulang.Nung dalaga din kasi sya,masyado syang workaholic like mom and dad."Speaking of dinner,Bakit hindi sumalo sa atin si Cora?Tutal,papa alis na din naman sya,mas okey na kahit minsan man lang makasabay natin sya kumain._Daddy.Saka naman ipinatawag sa isang kasamabahay si Yaya.
"Good evening Sir Mandy,Saka sa inyo din Madam._Yaya Cora.Hindi sya tinitignan ng mommy.
"Yaya Cora,ang sabi sa amin ni mommy aalis ka na nga daw.Napapagod ka na ba sa kakaasikaso dito sa bunso natin?_Symon.Saka ko naman sya inirapan.
"Hahahaha.Kasi naman yang si Dane,masyado mong bineybi yaya.Ayan tuloy,pagkatamad tamad.Pero sigurado ka na ba talaga sa pag alis mo?_Sydney.
"Cora,Umupo ka na din at sumalo sa amin.Bibihirang pagkakataon ka lang namin makasalo kahit na halos kalahati na ng buhay mo ang inilagi mo dito sa amin.Malaki ang PASASALAMAT naming mag aswa sa iyo,Sapagkat ikaw ang nagpuno sa pagkukulang namin dito sa aming bunsong anak._Daddy.Sa akin sya tumingin at saka kay mommy.
"Ayaw ko nga syang payagan dahil nag aalala ako para kay Dane.Sino na ang mag aalaga sa kanya.Papano na lang kapag nagbalak ng mag sarili ni Dane,sino ang makakasama nya._Mommy.Na nagsimula na naman sa pag iyak.
"Mommy naman!Ang laki laki ko na para bantayan pa ni yaya.Let her live in peace.Alam ko kung gaano sya naghirap sa akin,kaya this time kailangan nya namang mabuhay para sa sarili nya._AKO.Hindi ko maintindihan si mommy kung bakit ayaw nyang pakawalan si yaya.
"Syanga naman mom,Ang laki laki na ni bunso eh.Pwede na nga yang mag asawa eh.Pakawalan nyo na si yaya Cora okey?_Symon.
"Hindi naman kasi basta basta yaya lang ni Dane si yaya Cora.BFF din kasi sya ni mom kaya mahirap i let go.Tama diba mommy?_Sab.Sa tono ng pananalita nya parang meron syang ibig sabihin.
"Sabagay,tama ka naman dun Sab.Malaking kawalan talaga si Yaya Cora dito kapag nagkataon.Wala ng shock absorber ang mommy.Wala ng shoulder to cry on kapag stress sya sa work nya._Sydney.Napaisip ako bigla,ganun ba talaga ka close sila mom at yaya?As in,sya ang confidant ng mommy?Pero hindi ko naman yun napapansin nuon pa man.
"Well,wala talagang forever sabi nga ng mga kabataan ngayon.Dont worry Cora,bukas pa din naman ang bahay namin kung sakaling gusto mo pa ding bumalik dito.Nakahanda na din pala yung mga papers mo para sa pag alis._Daddy.Saka ako napatingin kay daddy.Papers sa pag alis?
"Bakit may papers si yaya dad,Saan ba sya pupunta?Akala ko sa kapatid nya sya mag i stay?Yaya,Hindi ba sa Manila lang nakatira sabi mo ang kaisa isa mong kapatid?_AKO.
"Sa Canada ako pupunta nak,Sa kaibigan kong nakapag asawa ng Canadian.May maliit kasi syang negosyo duon at gusto nyang ako ang maging assistant nya._Yaya Cora.Saka naman biglang tumayo si mommy at umakyat na sa kwarto nila ng daddy sa 3rd floor.
Kaya naman pala ganun na lang ang pagpipigil ng mommy sa pag alis ni yaya,kasi sa ibang bansa na pala sya titira.Mas malayo,mas matagal ang chance na magkita pa.Kahit ako,bigla ding nalungkot sa pangingibang bansa ni yaya Cora pero gusto ko din naman syang maging malaya at maligaya...
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...