Bukod sa panganay na anak na babae ni Madam CK na si Sydney V,May mga kasama din silang mga foreign investors habang naglilibot sa buong Department store area ng mall.Kasama din nila ang isa sa pinaka sikat na fashion designer sa bansa ngayon na si Camilla Arellano.
Hindi naglalayo ang ganda ni Madam CK at ng anak nya.May pagka chinita kasi si Miss Sydney na nakasuot ng simple pero eleganteng floral dress na hanggang tuhod ang tabas.Habang ang FD naman na si Camilla ay naka animal print dress na lampas tuhod ang haba.
"This is the main area of this mall.Itong area na ito ang may pinaka malakas na sales sa araw araw dahil sa andito lahat ng mga mura at kumpletong mga basic needs ng mga shoppers"..._Miss Aimee. Dahil french ang mga kasamang investor,may kasama silang interpreter.
"Mostly filipino's are shopping addict.Pero mas gusto po nila palagi ng mas mura pero de kalidad na mga produkto.Thats why mas malakas ang sales dito kumpara sa mga branded boutique na nasa labas._Department store head namin na si Ma'm Miranda.
"Thats true,kahit saang mall talaga basta may sale palagi... dinudumog sya ng mga tao._Sydney V.Nagulat ako na tagalog pala sya magsalita at hindi englisera gaya ng ibang anak ng mayayaman.
"So what do you think Camilla,Maganda ba ang interior designing ng bagong bihis nitong mall ko?Meron ka bang maisa suggest kung sakali?_Madam CK.Gaya ng palagi nyang outfit,meron pa din syang malapad na hat na parang nasa beach.
"Well,the design was nice.Pero mas okey sana if kulay gold yung kulay nung wall pero okey na din ang light yellow.And napansin ko lang,yung mga sales personnel nyo dito,Hindi masyadong maayos yung mga suot nila.Like that girl,She's pretty sana pero luma at kupas na yung uniform nya at saka halatang hindi sya confident sa pagdadala._Miss Camilla.Na obviously,ako ang tinutukoy dahil sa akin sila lahat nakatingin.
"Ohhh,Napansin ko nga din.Come here Miss._Sydney V.Kinawayan ako na lumapit sa kanya.
"Good afternoon po ma'm._AKO.Nakayuko ako ng bahagya dahil bigla akong kinabahan.Sa dami namin saleslady naman kasi ako pa yung napansin talaga.
"Look at her,She's a bit shy. Siguro nga dahil luma ang suot nya.If mahiyain ka sa mga tao,papano ka magiging epektibong saleslady?How will you convince the costumer para bilhan ka ng produkto kung wala kang confidence sa sarili mo?Sinong maniniwala sayo?_Camilla.Hindi naman talaga ako mahiyain na tao,pero hindi ko alam bakit bigla akong tumiklop sa harapan nila ngayon.
"Yeah,Thats right.Miss,Anu nga bang name mo?Are you sure na dito ka nagta trabaho?Nasa area ka ng mga damit at sapatos hindi ba?Dapat pleasant ka ding tignan para maniwala ang mga costumer sayo._Miss Sydney.Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa,Napa angat ako ng mukha at kitang kita ko lahat ng mga kasamahan ko na sa akin nakatingin.
"Miss Miranda,Ikaw na ang bahalang kumausap dyan sa mga tauhan mo.
Kung kinakailangan na bigyan sila ng seminar about proper grooming at saka sa tamang pag aassist sa mga costumer,gawin mo.Ayoko ng maulit na makikitang ganyan ang mga tauhan mo naintindihan mo?_Madam CK."Yes po Madam.Ako na po ang bahalang kumausap sa kanila._Mrs.Miranda
Naglakad na silang lahat palabas ng department store at sa ibang area naman daw sila ng mall mag chi check.
"Grabe naman pala ang tabas ng dila nung anak ni madam,Manang mana sa kanya.Sabihan ka ba namang walang confident at luma na yang uniform mo!_Dess.Nabalitaan nya kasi na nagkaroon ng ganung eksena kanina sa DS.
"Haaaaist,Ganun naman talaga yang mayayaman.Kung makapag salita sa kapwa akala mo sila na ang magaling.Hindi iniisip ang magiging epekto sa taong sinasabihan nila._Joyce.Habang naglalaro ng straw sa iniinum nya
"Hayaan nyo na,may katwiran naman talaga sila.Luma na naman kasi talaga itong uniporme ko.Kasalanan ko din,pwede namang bumili pero nanghihinayang pa ko hanggang dipa sira._AKO.
"Sa palagay ko,hindi naman talaga sa kupas na uniporme naka focus yung si Camilla.Sa itsura mo Sally.Hindi lang sya makapaniwala na may magandang saleslady pala na mas maganda pa sa kanya._Joyce.
"Hahahha baka nga!Insecure lang sa beauty mo yun kaya ikaw ang napagdiskitahan.Buti na lang wala ako dun,baka di ako nakapagpigil at nasagot ko sila._Dess.
"Bukas na bukas din bumili ka na ng bagong uniporme mo Sally.Para kapag nakita ka nila,mas lalo silang ma insecure sa kagandahan mo.
Hahahaha._Joyce.Pasakay na kami sana ng jeep ng huminto sa tapat namin si Terry."Hello pretty ladies.Buti naabutan ko pa kayo.Ihahatid ko na kayo guys.
_Terry."Naku hindi na,Si Joyce na lang ang ihatid mo.Dito na kami sa jeep sasakay Salamat nga pala dun sa mga gown na pinahiram mo,Ang gaganda._Dess.
"Teka bakit ako na naman?Ayos lang naman ako,maaga pa naman at di ako masyadong nagmamadali.Salamat na lang Terry._Joyce at saka nagmamadaling naglakad papunta sa sakayan nya.
"Terry,Pasensya kana ha.Nahihiya lang sayo si Joyce.Palagi na lang daw syang nakaka abala sayo.Dito na din kami.Ingat na lang._AKO.
Wala namang nagawa si Terry kundi umalis na lang din.Saka lang kami nakasakay ni Dess ng jeep pagka alis nya."Ate,buti at dumating kana.Dumaan dito si Aling Gina kanina,Ang sabi nya baka daw nakakalimutan mo na yung bayad sa bigas na kinuha natin._Sassy.Naabutan ko syang nagbabasa ng libro sa may sala.
"Oo nga pala,muntik ko ng malimutan.Ako ng bahala dun.Babayaran ko mamaya pagtapos ko magluto ng hapunan._AKO.Kapag maaga nakakauwi si Sassy,sya ang nag sasaing kaya ulam na lang ang lulutuin ko.Buti na lang at may ref na kami kaya may stock kami palaging ulam na pwedeng maluto.Salamat sa kunwaring napanalunan ko sa raffle dun sa trabaho kahit binili yun ni GD sa amin.Yun nga lang,kapag bubuksan at isasara ko yung pinto ng ref,hindi pwedeng di sumagi sa isipan ko si GD.
Mahigit isang libo ang halaga ng bigas na binayaran ko kay Manang Gina kanina.Saka ko naalala na hindi ko pa nga pala nababayaran yung uniporme na pinatahi ko.Malamang na lumang uniporme na naman ang isuot ko bukas.Alanganin kasi sa sweldo ang biglaang pagpapatahi ko ng uniporme kaya hindi kasama sa budget.Saktong allowance ko na lang kasi ang natira sa wallet ko.
"Anak,Medyo tumaas pala ang bill ng kuryente natin ngayon,Wag nyong kalilimutang magpatay ng ilaw sa gabi bago matulog para hindi masyadong malakas sa kuryente._Tatay.Malaki kasi ang itinaas ng bill namin mula sa limang daang piso hanggang sa naging isang libo mahigit na ngayon dahil nga sa nagka ref na kami.
"Opo tay,Hayaan nyo po at ako ng bahala dun sa dagdag na bayarin.Hindi rin po ako masyadong bibili ng madaling masirang pagkain pwede nating i off paminsan minsan yung ref.
Balak ko nga din po sanang mag ipon kahit barya barya para sa pandagdag pambayad sa kuryente._AKO."Ikaw ang bahala anak.Sa susunod naman na buwan ay wala na tayong babayarang tuitionfee ng kapatid mo kaya pupwede mo ng bilhin ang mga kailangan mo para sa sarili mo.Abay kahit yata lipstick hindi ka makabili ng bago dahil sa pagtitipid mo eh._Tatay.
Iba talaga ang instinct ng mga magulang.Parang nahulaan talaga ni tatay na meron akong kailangang bilhin para sa sarili ko.Saka ko naalala yung sinabi sa akin nung anak ng may ari ng mall,Parang hindi daw ako empleyado duon dahil sa suot kong kupas at lumang uniporme.haaaist.
Ano bang masama sa lumang uniporme kung malinis ito at maayos?
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...