"Hey,Whats goin on here? Parang may dini disscuss kayo na hindi ko pwedeng malaman ah! Tell me about it,Dane._Symon.
Naabutan nya kami sa pasilyo ng 5th floor ni Sabina na nag uusap."Ohh,Its nothing babe...May tinatanong lang sa akin si Dane tungkol sa bagong style ng minomodel kong damit.Alam mo na,latest fashion._Sab.
Saka sya biglang bumalik sa normal nyang kilos.Yun ang forte nya anyways.."Yeah,About the latest fashion nga.Balak ko kasing umorder sana online.
Anyways,Mauuna na ko...Inaantok na din kasi ako.Goodnyt Sy._AKO.
Kumaway lang ako sa kanya at hindi na tinignan si Sab.●●●●●
"Sayang naman yun brad.Nakorner mo na sana eh! Ibang klase din talaga sa pagpapanggap yang si Sabina noh?Kung maka arte akala mo di maka basag pinggan._TOP. After school na kami nagkita at hindi sa condo nya kundi sa HOLLY cafe.
"Hindi ko na sya bibigyan pa ng panahon para maka arte ng ganun sa harap ng family ko.Kapag nakahanap ako ng tyempo,humanda talaga sya sa akin._AKO.Sa totoo lang,nang gigigil na akong malaman ang tunay na motibo ni Sab kung bakit nya ako gustong ipakuha nuon.
Maya maya pa ay dumating na yung Private investigator na kinausap ng pinsan ni TOP para mag report sa akin.Kumamay sya sa aming dalawa ni Top at saka isa isang inilabas yung mga nakalap nyang info mula sa isang brown na envelop.
"Ma'm,Ito na po yung ilan sa mga kuhang larawan na naaktuhan kong naganap sa mismong secret meeting ni Mr.Mondragon sa iba nyong client.
Base sa nakalap kong information,Dalawa sa mga kliyente nyo ay kasosyo din ng Mondragon group.Ito po sila._Investigator.Saka ko pinagmasdan maige ang mga itsura nung nasa larawan.Pamilyar nga silang dalawa sa akin at nakita ko na sa mga meeting ng board."Wait a minute,Sigurado ka bang may masamang balak sayo yang si Mondragon?Para namang wala silang ginagawang masama base dito sa mga larawan eh.Look,normal transactions lang naman ang mga kuha sa larawan oh._TOP.Saka ko muling pinagmasdan yung mga pictures,wala naman din akong makitang kakaiba.
"Ang isa pa pong nakapag tataka Ma'm,Liban sa mga nabanggit nyong mga myembro ng board sa kumpanya nyo,Walang Mondragon na nasangkot sa kahit na anu pa mang anomalya sa kumpanya nyo.Malinis ang record nya pati na din ang mga papers ng sarili nyang kumpanya.
_Investigator."Haaaaist,Papanong nangyari yun.Ibig bang sabihin nyan magaling lang talaga syang magtago ng mga kalokohan nya?Pero baka din naman namali ka lang ng dinig at hindi naman talaga ikaw ang target ng mag ama?_TOP.
"Ma'm,Ganito na lang po ang gagawin natin.Magsisismula po ulit tayong i trace ang lahat ng mga posible na pwedeng gumawa ng masama laban sa inyo at sa kumpanya,Wag po tayong mag focus lang sa iisang tao.Baka mamaya,mali lang tayo ng kutob at ibang tao pala ang may balak talaga sa inyo at inililigaw lang kayo para di sila paghinalaan._Investigator.
Saka ako napatingin kay TOP.Posible nga naman...Like what ate Flora told me,pwede ding may iba ngang gagawa ng masamang balak sa kumpanya at hindi lang si Mondragon...Pero sino sino sila?Bumalik ako sa opisina kahit gabi na at wala ng mga tao.Tanging ang security guard lang na naka duty sa likuran ang nakakita sa akin na pumasok sa loob.Hindi na din ako nag abala pang magbukas ng mga ilaw sa daraanan ko papunta sa opisina dahil kabisado ko na naman yung lugar.
"Bilisan mo na dyan,baka may makakita sa atin!Dalian mo!_Boses mula sa opisina ni Daddy.Mahina pero dahil may kaunting echo kaya nadidinig ko.
"Baka naman pati ako madamay dito ha.Sabihin mo kay boss,kapag nagkabistuhan wag akong idamay ha.Mahirap ng mawalan ng trabaho.
Kung kelan pa naman regular na ako dito._Isa pang boses na mula sa loob na ng opisina ng dad.Dahan dahan akong sumilip at nagbabaka sakali na this time hindi lang boses ang madidinig ko kundi pati na din mga itsura nila.Saka ko naaninag mula sa pwesto ko na may lalaki ngang naka takip ang mukha na naghahalungkat sa loob pero hindi ko masyadong maaninag dito sa malayo.Hinintay ko silang maka alis at saka ko sila palihim na sinundan.
"TOP, i need your help.May sinusundan akong kotse na galing sa opisina ng daddy,Naka bonnet ang mukha nya kaya hindi ko sya namukhaan.
Nasa may kahabaan na kami ng edsa,at sa palagay ko papunta sya ng Cavite.Pwede mo ba akong abangan?_AKO.Tinawagan ko si TOP habang nagda drive ako ng kotse ko."What?Are you crazy,Dane?Alam mong mapanganib yang ginagawa mo.
Hindi ka pulis at lalong di ka superhero para mag isa kang sumunod sunod dyan sa target mo.I'll call my Tito Raul para may back up tayo.
_TOP.Saka nya ibinaba ang fone.Ilang saglit pa,natanaw ko na si TOP na nag aabang sa akin sa highway.
Actually,naitawag na ni TOP sa Tito nya ang plate number at kulay ng sasakyan na hinahabol namin kaya hindi na ako masyadong nag aalala na baka makawala pa sila sa paningin ko."Buti na lang naisipan kong bumalik sa opisina ng ganitong oras.Kung hindi,walang makaka alam kaagad kung sino ang kumuha ng mahahalagang documents ng daddy._AKO.Tahimik lang kasi si TOP mula pa kanina kaya ako na ang nagpasimula ng pag uusapan.
"Dane,Will you please stop on what you were doing?Hindi ka na nakakatawa.Alam kong para sa kumpanya nyo ang lahat ng ginagawa mo pero Its in a wrong way!Ikapapahamak mo yan!_TOP.Saka ko lang nalaman kung bakit sya walang kibo kanina pa,dahil sa ginawa ko.
"TOP,Hindi ko din naman sinasadya.Nagkakataon lang na palagi akong nalalagay sa alanganing sitwasyon.Pero hindi ko naman intensyong magpakabayani talaga,Wala nga lang talaga akong choice._AKO.
Natatanaw ko na ang presintong pinagdalhan sa dalawang nahuling magnanakaw."Tinawagan ko na ang Daddy mo at si Symon.Kung meron mang dapat na maka alam ng lahat ng ito,sila yun.Alam ko hindi ko na dapat isinali si Symon pero kailangan nyo ng maliwanagan ang lahat.Meron din kaming kumpanya,Alam kong mahirap magtiwala sa mga tauhan kaya ramdam ko ang hirap ng kalooban ng daddy mo sa malalaman nya._TOP.Huminto kami ng pag uusap ng pumarada kami sa di kalayuan.
"Kapag hindi kapa umamin kung sino ang nag utos sayo,tutuluyan na kita talaga.Pinahihirapan mo pa kami eh.Sino ang nag utos sayo na nakawin ang mahalagang dokumento ni Mr Villareal?Sagoot!_Pinsan ni TOP.
Actually,hindi naman totoong sinasaktan ng mga pulis yung isang magnanakaw,Tinatakot lang at pinaririnig dun sa isa pang kasamahan."Opo boss,Aamin na ko!Sasabihin ko na po kung sinong nag utos sa amin.
Wag nyo lang po akong papatayin,parang awa nyo na po!_Suspek.
Saka kami nagtinginan ni TOP.Nasa isang room sya,habang kami naman ay nakikita sya at nadidinig dito sa labas.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantizmComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...