91.GD POV'S

1.8K 67 3
                                    


Mula sa headress hanggang sa sapatos,stunning sa karamihan ang napakaganda kong girlfriend na si Sally.Hindi ko maiwasang titigan sya kahit nasa malayo dahil sa talaga namang napakaganda nya.

"Hey!Pwede bang lubayan mo na muna ng tingin yang gf mo at mag focus ka dyan sa ginagawa mo?Hindi ka nakakatulong dude,nakakasira ka._TOP.
Habang busy kami sa pag aayos ng bridal bouquet na gagamitin ni TERRY.

"Pambira naman kasi,bakit kelangan pang personal touch ang gagamiting bulaklak eh pwede namang sa flower arranger na lang ipagawa. Dami mo din kasing alam noh?_AKO.Napag usapan kasi namin nuon na kami kami mismo ang gagawa ng bridal bouquet kapag ikakasal kami.

"Ako ba ang nakaisip o kayo ni Terry?Kayong dalawa ang may idea nito ah!
Malay ko ba sa personal touch at sa kasal?_TOP.Isang buwan makalipas ang di na tuloy na kasal sana ni TOP,Nagulat kami sa ibinalita ni TERRY na magpapakasal na sya.

Matapos ang pagbuo namin sa bridal bouquet,Iniabot na iyun kaagad kay Terry na kasalukuyang nakaabang na sa pintuan ng hotel
Agad na syang pumasok ng dahan dahan sa loob kaya lahat kami ay nasa kanya ang tingin.Todo ngiti at napakaganda ni Terry sa suot nyang CK creation na kulay puting gown.Pati ang sapatos at underwear na suot nya,mula din sa CK.

"Ngayon ko lang napansin,Maganda nga pala talaga si Joyce lalo na kapag naka gown at naayusan.Hindi na ko magtataka kung bakit hindi na pinakawalan ni Terry yang bride nya._TOP. Kahit naman ako ay umagree sa sinabi nya.Kahit hindi naka todong ngiti si Joyce sa lahat,Kita sa mga mata nya ang kaligayahan habang naglalakad papalapit sa altar.

"Sabi nga nila,Pinaka maganda ang babae sa araw ng kasal nya...Kaya naman sa tingin ko,pareho sila ni Terry na napaka ganda ngayong araw na ito._Sally.Magkakatabi kami sa isang upuang apat.Kami kasi ang bridesmaid nung dalawa.

"Ang bongga ng kasal nila...Sana ako din pag kinasal ganito.
Mula ulo hanggang paa,puro branded ang suot._Dess.
Na kinikilig habang kinakasal yung dalawa.
Simple lang pero elegante ang kasal nila Terry at Joyce.Malalapit na kaibigan at pamilya lang nila ang imbitado dahil dito sa Oslo Norway sila ikinasal.
Ang nanay at ang ate Zen lang ni Joyce ang nakadalo dahil mga bata pa yung mga pamangkin nya.Habang ang mommy at daddy naman ni Terry lang ang umattend para sa kanya.

"Bongga na to sayo?Ang simple simple nga lang eh.Kapag ako ikinasal,umattend ka ha para malaman mo ang kaibahan ng bongga sa simple lang._TOP.Nagsisimula na namn silang mag asaran. Napailing na lang kami ni Sally sa kanila.

"As if naman may magtityagang magpakasal sayo noh?Saka alam mo pala yung word na kasal,Akala ko kasi forever babaero na lang yang panuntunan mo sa buhay._Dess.Saka umirap sa kanya.

"Kayong dalawa ha,Nasa gitna tayo ng ceremony..Pwede bang palampasin nyo na muna yang pag aaway nyo?_Sally.Agad namang nanahimik yung dalawa pero nag iirapan pa din.

"Hahahha.Ang galing mo din mamintang na babaero ako ha.Bakit may proof kaba ha?Isa ka ba sa niloko ko ha?_TOP. Natapos na lahat ang kasal kaya nagsimula na naman silang magtalo ni Dess.Agad kong hinila si Sally sa kamay papalayo sa kanila para makapagsolo naman kaming dalawa.

"Kung hindi lang ako nakapangako sa tatay mo na magtatapos ka na muna ng pag aaral,sasabay na sana tayo magpakasal kina Joyce at Terry eh.
Hindi na yata ako makapag hintay na maging Mrs.Villareal kana._AKO.
After ng wedding at reception,nagpaalam na muna ko kina Terry at Joyce na mamamasyal muna bago kami bumalik sa hotel room na tinutuluyan naming lahat.
May after party pa din kasi mamayang gabi kaya sinamantala na muna naming dalawa ni Sally ang mamasyal kahit sandali lang.

"Mabilis na lang naman ang dalawang taon Hon,Darating din tayo dyan.
Mas maganda na yung pareho tayong prepared at hindi magpadalos dalos para wala namang masabi ang mga magulang natin._Sally.Itinuloy na din kasi ni Sally ang pag aaral nya ng business Ad habang ako naman ay naka focus na din sa paghahanda para sa pag sabak sa mas mataas na posisyon sa kumpanya.

"Sabagay,Para na din sa future natin.Maiba nga ako,Ano sa palagay mo ang dahilan ng biglaang pagpapakasal nila Terry at Joyce?Hindi ba todo iwas si Joyce kay Terry nuon pa man?_AKO.

"Sa totoo lang kahit ako nagulat eh.Wala naman akong nababalitaan o napapansin na kakaiba sa kanila nuon.Hindi ko nga alam kung nag kikita pa sila o nag uusap.Wala namang kinukwento si Joyce sa amin._Sally.

"Well,Sila lang dalawa ang nakaka alam ng dahilan.Pero sa nakikita ko naman,both of them are happy.Kahit hindi ipahalata ni Joyce,nakikita sa mga mata nya yung glow.Masaya ako para sa kanila._AKO.Nagkape lang kaming dalawa sa coffee shop at saka kami lumabas na din kaagad na magkahawak kamay.

"Napansin mo din pala,Akala ko ako lang.Akalain ba naman nating sa dami ng pinagdaanan nung dalawa,sa huli pala sila din ang magkakatuluyan.
Sa dami ng mayayamang umaali aligid dyan kay Joyce,Si Terry na mayaman din pala ang makakabihag sa puso nya._Sally.

Naglakad lakad lang kami sa lugar na malapit dito sa hotel.Malayo layo din kasi ang byahe kung pupunta pa kami sa ibang places na sikat dito sa Oslo.Isa pa,hindi naman namin need pang lumayo dahil may after party pa mamaya para sa bagong kasal.

"Ang dami palang bahay ni Top sa ibang bansa ano?Bukod sa bahay nya sa Canada,meron pa sya sa Melbourne at saka sa Miami.Baka naman mamaya pati dito sa Oslo magustuhan nya din bumili_Sally.

"Mahilig lang kasi maglagalag si TOP nuon pa.Nung pinag aral sya sa Canada ng parents nya,Madami syang naging mga kaibigan from different country na iniinvite syang pumasyal sa kani kanilang mga bansa kaya bawat puntahan nyang lugar,gusto nya may sarili syang place.
Ang akala nga ng parents nya sa Pilipinas lang sya madaming apartment eh.Hahahah._AKO.

"Ngayon ko lang nalalaman na iba iba din pala talaga ang trip ng mayayamang tulad nyo,nakakalula.
Akala ko sa pelikula at mga kwentong wattpad lang merong mayayaman talaga,Pero nung makilala kita saka ko napatunayang totoo palang ganun kagarbo ang buhay ng mga kagaya nyo._Sally.

"Hahahha.Hindi naman lahat.Ako nga walang sariling bahay eh.
Hanggang ngayon sa bahay pa din ng parents ko ako nakikitira.
Si TOP lang ang mahilig talaga sa bahay.Si Terry naman,Charity works ang trip nyan.Pero wag ka,ang daming business nyan._AKO.

Magdidilim na kami nakabalik ni Sally sa hotel.Dahil iisa na naman ang room naming dalawa,Sabay na din kaming naligo at saka bumaba para mag dinner muna.Nadatnan na namin silang nag uumpisa na kumain kaya nakisalo na kami sa kanila.Iisang lamesa lang kaming lahat kasama sila TOP at DESS.


Authors note: after po ng chapter 91 mangyari po lamang na pakihanap na lang sa ibaba ang chapter 92 hanggang chapter 100 ayun sa pagkakasunod sunod ng mga istorya.

Salamat sa pang unawa.

_gangstahgirl

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon