Sa totoo lang,bukod sa pagkalaki laking bahay nila GD na parang mall ang design at pagkakagawa,nakadagdag pa sa nerbyos ko ang paghaharap namin finally ng buong family nya.Kung sa labas ng bahay,mistulang nasa mall kana sa laki at taas nito,Mas mamamangha ka sa mismong pagpasok mo pa lang sa loob.Open space sya mula sa fifth floor na may malaking chandlier sa pinaka taas ng kisame.Sa kabilang side naman mula sa entrance ay may escalator paakyat.
"Let go upstair hon,Kanina pa tayo inaantay nila daddy sa itaas._GD. Naglakad kami sa kabilang side ng bahay kung saan naandun pala yung elevator.
"Para pala talagang mall itong bahay nyo Hon,Akala ko nagbibiro ka lang nung sinabi mong para din akong nasa CK mall lang kapag nasa bahay nyo ako._AKO
"Hahahaha.I told you.Kaya nga never akong nagpupunta sa mga mall dito sa Pinas eh,para lang kasi akong nasa bahay din.Lets go,Dito sa 3rd floor ang room nila mommy.Yung sa 2nd floor naman kila Sydney with her family.Mamaya i tu tour kita sa 4th floor,dun sa room ko naman._GD.Magkahawak kami ng kamay papasok sa loob ng room na sinasabi ni GD
Sa main door kami pumasok ni GD.Pagbukas pa lang ng pinto,mga nakangiting kasambahay na ang sumalubong sa amin.Nasa anim silang pare pareho ng uniporme.
"Good evening senyorita Dane,Pati na din sayo Miss Sally._Medyo may edad ng kasambahay.Sya siguro yung mayordoma.
"Hello yaya Helen,Magandang gabi din sa inyo.Wow ha,may pagsalubong pa kayong nalalaman.Wala bang sampagita?hahahah._GD.
Pati mga katulong na nakapila tuloy nagsitawanan."Hay naku,Si Sydney ang naka isip nito.Para daw yung napanuod nyang teleserye nuon.Halika na kayo at kanina pa nag aantay ang mommy at daddy mo sa inyo._Yaya.Helen.
"Yaya sya ni Sydney...na eventually yaya na din nadin ng mga anak nya.
Mamaya makikilala mo din si Yaya Fe,Yaya yun ni Symon.
Wag kang kakabahan kapag kaharap mo na si Dad,mabait yun saka mahilig sa magaganda kaya im sure bet ka nun pagnakita ka._GD."Ikaw talaga,pag maganda bet kaagad?Alam ko na kung saan ka nagmana, kaya pala ang bilis ng mga mata mo sa magaganda eh._AKO.Biro ko lang yun kasi hindi naman talaga ugali ni GD ang tumingin sa magaganda.Mas tinginin pa nga sya dahil sya ang totoong dyosa.
Hindi mo iisipin na mukhang bahay talaga ang buong 3rd floor.Para ka kasing pumapasok lang sa isang mall na sa labas aakalain mong may mga paninda sa loob.Sa reception hall naka abang na sa aking ang buong pamilya ni GD.Malalaking sofa na halatang sa ibang bansa pa inorder ang bubungad sayo at mga iba't ibang painting ang nakasabit sa paligid.
"Hello everyone,I would like you to meet my very special someone...
The gorgeous and the most kindhearted girl i've ever met,SALLY.
_GD.Namula naman ako sa sobrang pagkakadescribe ni GD sa akin.Nahiya ako at nanliit lalo."Naks naman sweety,Ang lupet ng mga banat ah.Sabagay, may katwiran namang ipagmalaki,maganda nga naman talaga diba Dad?_Symon.
Nakita ko lang sya sa pics na pinapakita sa akin ni GD kaya alam kong sya yun."Your absolutely right anak.Maganda nga at mukhang mabait itong si Sally.Hindi na ako nagtataka kung bakit wala ng bukambibig itong si Dane kundi ikaw lang.
Welcome dito sa pamilya namin iha._Daddy ni GD.Dahil hindi ko alam ang gagawin,nagmano na lang ako sa kanya."Mukhang may mga biglang nainsecure sa ganda ni Sally dad,kaya tahimik lang yung dalawa.hahahha._GD.Na kila Madam CK at Miss V nakatingin.Palihim ko tuloy kinurot si GD sa sinabi nya.
"Hahahha.Mukha nga..Mommy,Why don't you greet our new kapamilya here,pati na din ikaw Sydney,Hindi nyo man lang ba babatiin si Sally at ibebeso?_Daddy ni GD.
"Medyo awkward lang dad kasi kilala na namin ni Mom si Sally.
Anyways,Welcome to the family Sally.Pasensya kana kung hindi naging maganda ang mga nangyari sa atin nuon._Miss V.Saka sya lumapit at bumeso sa akin."Wala pong kaso sa akin yun Miss V.At saka natural lang naman na napagsasabihan at napapagalitan kapag nagkakamali,lalo na pagdating sa trabaho.Salamat din po pala sa pag welcome._AKO.
"Hahahha.So,natarayan ka na pala nitong si Sydney kaya may ilangan kayo sa isat isa.Hindi na ako magugulat dun.Mataray talaga yang mag ina ko lalo na kapag natatalbugan sila sa kagandahan.Mabuti nga at hindi ka pina alis kaagad eh._Daddy ni GD.
"Kung mataray si Sydney,mas matapang si Mom.Ano naman ang ginawa sayo ni Mommy nuon sa mall ha Sally?Nakatikim kaba ng mag asawang sampal?Oppppss...Im just kidding mom.hahaha._Symon.
"Wag nga kayong ganyan kay mommy.Mabait naman yan noh.
Maganda na mapagpasensya pa.Tumityempo lang yan si Mom,pero iwewelcome din nyan si Sally,right mommy?._GD.Saka lumapit kay madam at saka humalik sa pisngi nya."Welcome to the family Sally...Hangad ko ang masayang pag iibigan nyo ng anak kong si Dane.Pasensya kana at hindi kaagad ako nakapag salita.
Hindi pa din kasi nagsi sink in sa utak ko na may ibang babae ng nagpapa kilig dito sa bunso ko._Madam CK.Saka nya ibinuka ang mga kamay nya sa akin ng nakangiti.Napatingin muna ako kay GD na tumango sa akin at saka ako lumapit kay Madam at yumakap."Ayun naman pala eh,Ayos na ang buto buto.Pwede na siguro tayong kumain diba,Kanina pa ko nagugutom eh!_Symon.Saka nauna ng tumayo at naglakad papunta sa isa na namang room.Nagsitayuan na din ang lahat at saka kami pumasok sa isa pang room.
Mahabang dinning table na may eleganteng mga upuan na parang sa mga hari at reyna,at saka magandang arrangement ng table with mamahaling chandelier ang tumambad sa amin.Na sa kanila ay karaniwan na lang na tanawin sa araw araw samantalang parang gusto kong picturan ang bawat putahe at ipost sa instagram.
"You should try this one Honey,Paborito kong luto ito ni chef Pol. Tapos ito namang steak,paborito ni Daddy yan._GD.Nilagyan nya ako sa plato ng ulam na hindi ko alam kung ano ang pangalan.Nasarapan naman ako sa ulam na pinatikim nya.
"So kailan nyo namang dalawa balak na magpakasal ha Dane? Ang balita ko,next year na daw yata naka skedule sila Terry at yung asawa nya mag anak ayon sa Uncle ni Terry._Daddy ni GD.
"Nag aaral pa si Sally Dad,Saka di pa namin napag uusapan.
Regarding sa pag aanak,Alam kong gusto nyo ng magka apo at magka baby na ulit dito sa bahay,pero mas maganda sigurong si Symon na muna ang kausapin nyo tungkol dyan._GD."Gusto ko ng magkaroon ng apo sayo Dane...Kailangan ng pamilya ng seguridad para sa hinaharap.Kailangang may magmana sa lahat ng pinaghirapan namin ng Daddy mo,At kailangan namin ng dugong Villareal at hindi yung basta ininject lang._Madam CK.
Saka kami nagkatinginan ni GD.Anong ibig sabihin ng mommy ni GD na ayaw nya ng tru IVF lang ang magiging apo nya?Ibig bang sabihin nun,Dapat mabuntis si GD na may lalaking involve talaga?
AUTHOR'S NOTE: 100 CHAPTERS PO ANG "THE LAZY BILLIONAIRE"
Mangyari lamang po na paki hanap na lang ang 93 hanggang 100 chapter sa itaas dahil nagka rumble rumble po kasi ang chapter dito sa list.
Paumanhin po sa lahat at sana'y maibigan nyo anb aking mga kwento.Gangstahgirl

BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...