Naisipan kong maglakad lakad na muna sa tabing dagat habang abala ang lahat sa paghahanda para sa sorpresang marriage proposal para kay DESS.Sa wakas,sa hinaba haba at sa dinami daming luha na naubos ng kaibigan ko,Magkakaroon na din ng katuparan ang pina pangarap nya...Pakasalan ng taong Pinaka mamahal nya.
Nagulat ako sa malakas na along humapas sa paanan ko kaya napa urong ako ng bahagya."Saaaallllyyyy! Let's go na...Diretso na muna tayo sa hotel._Sigaw ni JOYCE sa akin.Dito na muna kasi kami tumuloy habang nag aayos pa sa bahay ng mapapangasawa ni Dess.Dun kasi gaganapin ang proposal.Habang dito sa hotel naman ang kasalan sa linggo.
"Oo nandyan na!_AKO.Nagmamadali akong lumapit sa kanya at saka ko hinawakan sa kamay ang inaanak kong si Katie paglapit ko.
"Walang ka aydi idea ang bruha na may magaganap na proposal mamayang gabi.Ang akala nya,bakasyon lang talaga ang ipinunta natin dito.hhhahaha._Joyce.Saka kami nagtawanan at sabay ng pumasok sa loob ng hotel.
"Saan ba kayo nagsususuot na dalawa ha?Naiinip na ako dito sa hotel.
Bakit ba ang tagal tagal naman ni Hubbie dumating.San na naman kaya nagsuot yun at isinama pa yang asawa mo Joyce._Dess.Ang usapan kasi namin,sa hotel lang mag i stay si Dess at kapag ready na sa bahay nung mapapangasawa nya saka kami susunduin ni Terry dito sa hotel."Maglibot libot na muna tayo dito sa loob ng hotel kung gusto mo.May mga restobar naman sa baba eh.Pwede din naman sa pool area para makapag relax relax._Joyce.Saka tumingin sa akin.
"Mamaya na lang siguro kapag kasama na natin sila hubby at yang asawa mo.Sabay sabay naman siguro tayo magdidiner._Dess.
Medyo maselan kasi ang pagbubuntis din ni Dess sa ikalawa nilang baby kaya hindi sya pwedeng maglakad lakad ng matagal at mahaba."Ayun naman pala eh,Ang mabuti pa magpahinga kana muna dyan sa kwarto mo.Mamaya ka na lang namin gigisingin pag andyan na yang hubbie mo.Dito na muna kami sa kabilang room ni Joyce._AKO.
Actually,tatlong room ang meron dito sa suite na ito...Mas prepared kasi naming mag sama sama na lang sa isang room pero magkakaiba ng kwarto."Tama!Saka magulo itong inaanak mo,hindi ka din makakapag pahinga sa ingay nito.hahahha.Kita na lang tayo over dinner later._Joyce.Saka kami magkasunod na lumabas sa kwarto nya.
Mga 8pm na kami sinundo ni Terry sakay ng kotse ng hotel.
Semi formal ang damit na suot namin lahat habang naka pink na semi gown si Dess.Nagtataka man sya na ganun ang damit na pinasuot amin sa kanya,wala na syang nagawa at saka kami bumyahe na papalabas ng hotel."Saan ba tayo pupunta guys?Akala ko sa hotel tayo magdidiner,bakit may pa damit pa ako at pati kayo mga nakabihis din?Anong okasyon meron?
_Dess.Kahit kasi si Katie ay naka bihis din ng magandang damit."May pupuntahan nga kasi tayo.Kanina pa nga nag aantay yung hubbie mo dun,Ang tagal daw natin.Hahahaha._Terry.
Hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay.
Maliwanag ang buong paligid dahil sa naglalakihang mga ilaw,at may mga iba't ibang klase ng mga bulaklak sa buong paligid.Nauna kaming bumaba sa sasakyan at huli ng bumaba si Dess.
Habang nag lalakad sya sa red carpet,Isa isa ding naglalabasan sa gilid ang mga tumutugtog sa violin.
Hanggang sa lumabas na din si TOP mula sa gilid at abangan sya papalapit.Oh my gosssh,Nakakaiyak naman!Im so touch and so happy for both of them._Joyce.Habang nagpapahid ng luha sa mata nya.Nasa kabilang side kami kasi ng mesa.
"Look at Dess,Shock na shock sa surprise ni TOP sa kanya...Halos ayaw ng maglakad sa pagka gulat.hahahaha._Terry. Agad namang inalalayan at iniupo ni TOP si Dess pagdating nya sa harap.Isa ding halik sa labi ang isinalubong nya.
Hanggang mapadako ang mga mata ko sa kabilang side ng mesa at hindi ko akalain na makikita ko pang muli ang taong iyon pagkatapos ng mahigit isang taon.May karga syang bata na halos lagpas ng isang taon na siguro ang edad.Mamula mula ang pisngi nung bata kahit sa malayo ay mapapansin mo sa ka kyutan.
"Guys,sandali lang ha...May pupuntahan lang ako saglit.Dyan na muna kayo._Terry.Agad syang tumayo at saka naglakad papunta sa kabilang side kung saan andun si GD.Pagbalik nya,dala dala nya na yung batang karga kanina ni GD.
"Ang ganda ganda naman talaga ni MAUI...Super kyut.Bakit wala yata si Aloha?_Joyce.Saka kinarga yung bata habang tuwang tuwa namang nakatingin din si Katie sa baby.
"Nakatulog yata sa room kaya si Maui lang ang naisama nya.Syanga pala dito din mag iistay ngayon gabi yung mag iina kasama natin._Terry.
Napalingon silang dalawa sa akin na nag aalangan.Ngumiti ako ng bahagya sa kanila."Sally,Sorry ha...Di namin nasabi sayo na andito din si GD kasama yung mga anak nya.Ayaw din kasi ni GD na pinag uusapan ang tungkol sa inyo.
_Joyce.Nasa mukha nya ang pag aalala."Wag kayong mag alala,naiintindihan ko.Inaasahan ko na din naman na magkikita din kami dito kahit pa anong iwas ang gawin nya.
Don't worry,Hindi ako magiging alalahanin sa kanya._AKO. Napasulyap ako sa anak nya.Bakit ba ganun na lang kagaan ng loob ko dun sa bata. Nakangiti din sa akin yung baby."Look at Katie here,Tuwang tuwa kay MAUI,She's pretty din like you anak.
Anak,alagaan mo si Maui ha.Wag mong paiiyakin._Terry. Napalingon ako sa side kung saan nakapwesto si GD pero wala na sya sa pwesto nya.Matapos ang masayang proposal na prinipare ni TOP para kay Dess,Nagsimula na kaming kumain.Karga na din ni GD ang isa pa nyang anak na kinuha nya pala kanina kaya sya nawala.
"Sana naging kambal din ang anak natin hubbie!Look at GD'S babies, ang kyut kyut pareho.Mestisa din like KATIE,namumula yung mga pisngi._Dess.Iisang table na kami lahat at sabay sabay kumakain.
"Sigurado namang mestisa din ang magiging bunsong anak natin wifey,Sa akin kasi sya magmamana for sure._TOP.Puro foreign din ang donor na kinuha nila kaya for sure na mga mapuputi ang mga anak at magiging anak nila.
"Mabuti na lang at hindi sa akin nagmana itong si KATIE namin.Hahahaha.
_Joyce.tatlong taon na ang anak nilang si Katie pero hindi na nasundan.Nagka problema kasi nuon si Joyce matapos syang aksidenteng masaksak.After that,Hindi na din nila binalak ng magpa IVF ulit."Ang ganda ganda kaya ng kulay mo sweetie...Pinay na pinay.Dyan nga ako nahumaling ng husto sayo nuon eh.hahahah._Terry. Mula nuon,hanggang ngayon dead na dead pa din kasi si Terry kay Joyce.
Tahimik lang akong nakikitawa sa kanila habang nag uusap usap.Kahit si GD ay bihira ding magsalita at pangiti ngiti lang din.Ni hindi nya ako sinusulyapan man lang at sa mga anak nya lang sya palagi naka focus at sa mga kaibigan lang namin na parang hindi ako nag i exist sa harapan nya.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...