27.SALLY POV'S

2.5K 90 5
                                    

           

             Mula sa CEO,Chairman,vice chairman,Director,President hanggang sa mga managers,Supervisor at mga sales representative gaya ko...Dapat daw ay present sa gaganaping engrandeng selebrasyon ng Anibersaryo ng CK Mall.
Liban kay Madam Chairman at kay Directress,Hindi pa namin nakikita ang mga malalaking tao sa likod ng nangungunang Mall sa bansa ngayon.

Ang sabi nila,Mga anak daw at mga kamag anak ni Madam Chairman ang lahat ng nakaupo sa mga matataas na posisyon duon.Pero ni isa sa kanila,wala akong idea kung sino at ano ang mga itsura nila.

"Bakit naman kasi bawal ang di umattend dun sa Anniversary nila.Bukod sa gastos na,mas okey na yung naaalagaan ko na lang si nanay sa bahay nun._Joyce.Kundi kami nasa canteen at nagtatanghalian,andito kami sa Happybee paminsan minsan.

"Ang KJ mo naman.Minsan lang naman sila mag celebrate ng Anniversary na ganun kabongga ah.Pasasalamat daw nila sa ating mga employee nila.
Wag ka ng mamoblema sa susuotin,may mahihiraman ako._Dess.

"At san mo naman kami ihihiram ng mga gown,sa mga bakla mong kaibigan?Ayoko ngang magsuot nun,mamaya may mga buni pa yun at saka galis noh!_AKO.Natawa naman si Joyce sa sinabi ko.

"Gagah!Hindi kita sa bakla hihiraman noh.Sa tomboy!hahahha.Charot lang.Seryoso nga,may nag offer sa akin._Dess.Na kumindat pa kay Joyce

"Sino naman yan?Bakit may pakindat kindat kapang nalalaman._Joyce.
Parang alam ko na kung kanino nya kami hihiraman ng gown.

"Sister naman,Umattend na tayo please?Sige na naman.At saka wag kang magagalit ha,kasi kahapon pumunta na naman si Terry sa boutique.
Tapos ayun,kinakamusta ka.Tapos naikwento ko nga na may party tayong kailangang puntahan,tapos nag offer sya na pahihiramin nya tayong tatlo ng mga gown nya._Dess.Hindi nga ako nagkamali,si Terry nga.

"Hahahaha.Sabi ko na nga ba eh.Pero alam nyo,nababaitan ako dyan kay Terry ha.At saka ramdam mo na totoo sa kanya yung pagtulong.Hindi plastic.Kundi lang napaka ganda nyang babae,iisipin ko may gusto sya sayo Joyce._AKO.Saka ako biglang napaisip.Posible kaya,gaya ng pagkagusto ko kay GD kahit pareho naman kaming babae.

"Kaloka ka din Sally eh!Sa ganda at sexy nung tao,napagkamalan mo pang tomboy ha.hahahha.Malayong mangyari yun noh.Mas maarte at kikay pa sa atin yun pumorma eh._Dess.Tahimik lang si Joyce na nakikinig sa amin

"Tama naman si Dess Sally...Imposibleng lesbian si Terry.Babaeng babae sya sa itsura at pananamit.Ayoko ding bigyan ng masamang impresyon ang mga tulong na ino offer nya,kasi nararamdaman ko naman yung sincerity sa kanya.Pero ewan ko ba,Hindi pa din kaya ng pride ko na tumanggap ng tulong mula sa iba.Hindi hanggang kaya ko pa._Joyce.

"Excuse me po ma'm.On the house na daw po sabi ni TOP.Birthday po kasi nya._Service crew.Napalingon naman kaming tatlo sa counter at nakangiting TOP ang sumalubong sa amin.Agad namang tumayo si Dess at saka lumapit kay TOP.

"Ikaw ha,palagi mo na lang kaming nililibre.Anong akala mo sa amin mga walang pambili?Anung on the house ka dyan,Pare parehas lang tayong mga empleyado sa mall na toh,kaya hindi ka dapat gastos ng gastos!_Dess.
Napatingin naman sa kanila yung mga tao dun sa loob ng Happybee.Hindi sya galit pero this time seryoso sya habang nagsasalita.

"Ma'm dito na lang po tayo sa loob ng office magreklamo.Nakaka abala po kasi tayo sa mga costumer._Nakataas na kilay na sabi nung babaeng manager sa kanya.Malapit lang kasi kami sa counter nakapwesto kaya dinig namin at kita ang pag uusap nila.

"Miss pasensya na po.Birthday ko lang kasi kaya naisipan ko kayong i treat.Wag na kayong magalit._TOP.Saka sya sumenyas dun sa kasamahan nyang palitan na muna sya.

"TOP,pwede ba ayusin mo na lang yang trabaho mo.Nasa duty ka pero inuuna mo pa yang pakikipaglandian mo!_Manager.Nasa 30's na siguro yung manager.Suplada sya at hindi manlang ngumingiti habang nakikipag usap sa amin.

"Aba teka lang naman Miss,Landian kaagad?Miss hindi naman paglalandi yung ginawa nya ah.
Gusto ko lang na pagsabihan sya para hindi na nya ulitin yung ginawa nya pero wag mo namang sabihan ng ganun._Dess.

"So,kung hindi pakikipagladian ang tawag mo dun ano?Nasa oras sya ng trabaho,hindi tama yung basta na lang syang magpapa abot ng pagkain at hindi tama na nakikipag usap sya sa mga costumer sa oras ng trabaho.At saka isa pa,Hindi sya dapat sya nagpapakita ng ganun sa harap ng mga costumer._Manager.

"Gail will you stop it!Thats enough.Palabasin mo na sila Miss Dess dito at saka tayong dalawa ang mag usap._TOP.Nagulat naman kami ni Joyce sa bahagyang pagsigaw ni TOP.

"Hey!Bakit ba ang init ng mga ulo nyo?Kalma lang mga bes okey?Actually, ako talaga ang may kasalanan eh.Tama naman si Manager na dapat hindi ako gumawa ng eksena dun sa counter kanina.Sorry._Dess.

"See?Buti naman umamin ka din.Bakit ba naman kasi ikaw na ang nililibre,ikaw pa ang umaarte?Kundi ba namang talagang gusto mo lang magpapansin kay TOP._Manager.Napataas ang kilay ko,bakit parang hindi yata maganda ang tabas ng dila nung babae na yun.

"Hahahahha.Ay sorry naman miss Manager.Hindi ko ugaling magpapansin.Sadyang pansinin lang kasi talaga ako.Pero hindi ko lang gusto yang tabas ng dila mo eh,kung maka pagsalita ka akala mo inagawan kita ng boyfriend eh._Dess.Lumapit na kami ni Joyce sa kanya at saka namin sya inilabas na ng opisina.Naiwan dun sila TOp at yung manager.

"Luka luka yata yung babaeng yun ah.Naturingang manager,hindi marunong makipag usap sa costumer.Gusto mo samahan kita sa management,magreklamo tayo?_Joyce.

"Hayaan mo na,Abala lang yan sa trabaho eh.Hindi naman ako nasaktan.
At saka isa pa,Sila na ni Top ang bahalang mag usap.Pero teka,nadinig nyo ba kung pano sagot sagutin ni TOP ung manager?Parang close sila eh.
_Dess.Parang hindi lang manager at crew ang relasyon nilang dalawa sa way ng pag uusap nila.

"Alam nyo,Parang umaapoy yung mga titig nung manager sayo Dess eh.
Parang any moment gusto kang sunggaban.Feeling ko may relasyon silang dalawa.Kaya galit na galit sayo kasi nagsi selos sya._Joyce.Pareho pala kami ng feeling ni Joyce.

"Nagsiselos sa akin?Pero papano,eh babae naman si TOP?_Dess.

"Oo nga naman babae nga.Baka super close lang sila na parang mag bff kaya nung inaakala nyang inaaagaw na ni Des ang atensyon ni TOP nagalit sya._AKO.

"Haaay dapat kasi talaga hindi ko nalang sinita si TOP sa panlilibre nya sa atin eh.Baka mamaya,mawalan pa sya ng trabaho dahil sa akin.
Bakit naman kasi hindi ko mapigilan tong bibig ko sa pagka eskandalosa eh!_Dess.

"Siguro naman magtatanda kana dyan sa pagiging taklesa mo?Wala kasing preno yang bibig mo kapag sinumpong ka ng topak eh.hahahaha.
Mamaya na lang ulit tayo magkwentuhan pagkatapos ng trabaho._AKO.

"Mabuti pa nga.Haaay naku,palagi nalang tayong nagkakaroon ng aberya kapag nandun tayo sa Happybee na yun.Sa susunod nga,sa MK DO na lang tayo kumain para walang sakuna.hahahha._Joyce.Natutuwa ako at masaya na ulit at nakakatawa si Joyce.Sana palagi na lang kaming okey magkakaibigan.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon