"Ikaw nga Sally magtapat sa akin,Bakit sobra kayo makapagyakapan ni GD sa bar kagabi ha?Akala mo di ko napapansin,Kapag magkakasama tayo para kayong magjowa.
Baka kung ano ang isipin sa inyo ng mga tao nyan._Dess.
Kundi sa canteen nasa likod kami ng mall.May mga kainan din kasing maliliit dito sa kabilang street,sa likod ng mall."Ano namang masama sa pag yayakapan ng parehong babae ha Dess?
Kapag ba magkayakap kami ni Sally,Pag iisipan mo din kami ng masamang dalawa?_Joyce. Seryoso sya this time kaya hindi na muna ako nakisabat."Sympre hindi.Kaya lang para lang kasing may something eh.
Magtapat ka nga sa akin Sally,Inlove kaba kay GD ha?_Dess."Alam mo Dess,hindi ko alam kung immature ka lang talaga or talagang tsismosa.Pero kung sakaling totoo man na nagkaka inlaban sila,Anong magiging reaksyon mo?_Joyce.Pati ako gustong malaman ang saloobin ni Dess.
"Aba sympre tutol ako.Ang ganda ganda nitong kaibigan natin tapos sa kapwa nya pala babae sya ma iinlove?Hindi yata maganda tignan._Dess.
"See,Di lumabas din yung totoo.Na kapag pala magkaroon ang kahit sino sa amin ng chance na main love sa same gender hindi mo kami matatanggap kahit na kaibigan mo kami._Joyce.Nagconcentrate na muna sa pagkain nya.
"Hindi naman sa ganun,Sympre tatanggapin ko din kayo.Kaya lang mas prefer ko pa din na sa guy kayo mapunta para magkaroon ng mga anak at bumuo ng pamilya._Dess.Hindi ko nga naman din masisisi si Dess sa pananaw nya.
"Dess,Wag kang mag alala.Super close lang kami ni GD talaga.
Wala naman sigurong ibang kahulugan yun sa amin.Sa itsura at kilos naman,parehong pareho kaming babae._AKO.Wala naman kasi kaming aaminin dahil wala namang kami talaga."Mabuti na yung malinaw.Pero hindi naman ako against sa mga nasa ganung relasyon ha,Lilinawin ko lang.Ang sa akin lang,Kung gusto nyo ng masaya at di kumplikadong relasyon,dun sympre tayo sa alam nating wala tayong magiging problema pagdating ng araw_Dess.
Hindi na din nagsalita pa si Joyce.Pero natutuwa akong malaman sa kanya na kung sakaling dumating yung time na magkaaminan na talaga kami ni GD sa mga nararamdaman namin,May isang tao akong mapagsasabihan at hindi ako huhusgahan.
●●●●●
Nadatnan ko sa sala si Sammy na nakaupo at nanunuod ng tv.Dahil regular na sya sa trabaho,mas mapapadalas na ang pag uwi uwi nya dito ngayon sa amin.
"Ate,Wala bang naiku kwento si Ate GD sayo tungkol sa pamilya nya?_Sam
Tumabi ako sa kanya sa sofa pagkatapos kong makapagpalit ng damit pang bahay."Tungkol naman saan?Madalas kami magkwentuhan pero tungkol lang naman sa trabaho namin at mga ginagawa sa araw araw.
Bakit,may dapat ba syang ikwento?_AKO. Pero dumating na agad si tatay kaya nagmadali na akong nagsalang ng ulam pati na sinaing."Tumawag nga pala ang Tiya Cora nyo,Ayos naman daw sya duon.Masaya at hindi mahirap ang trabaho nya.Pinakakamusta kayong lahat._Tatay.
Nasa kusina na kami at kumakain ng hapunan ng magsimulang mag kwento si tatay.Good mood sya ngayon dahil kumpleto kaming lahat."Eh tay,sinabi nyo bang gusto ko ding dun magtrabaho pagka graduate ko?_Sassy.
"Oo anak,sinabi ko.Payag na payag sya at tuwang tuwa ng sabihin ko na dun mo gusto mag work.Ang sabi nya,pagbutihin mo daw sa pag aaral para madali kang makatapos._Tatay.
"Seryoso ka ba dyan Sas?Baka hindi mo alam ang hirap ng malayo sa pamilya.Pag isipan mo na muna kung han ba talaga ang gusto mo.May apat na taon kapa para mag isip._Sam.Alam nya ang pakiramdam ng malayo sa pamilya kaya nakakapag salita sya ng ganun.
"Sympre kuya,Alam ko namang mahirap.Tama ka,may apat na taon pa ako para makapag isip.Pero gusto ko talagang magtrabaho sa ibang bansa,Gusto ko din namang maiba ang buhay natin._Sassy.Saka ako napatingin sa kanya,Iba din naman mag isip itong bunso namin.May ambisyon.
"Masaya akong madinig yan mula sayo Anak.Pero tama ang kuya mo, may ilang taon kapa para makapag pasya.Hindi natin masasabi ang mangyayari sa bukas,ganun pa man naka suporta ako palagi sa kahit na anong gusto nyo sa buhay._Tatay.Yun ang maganda kay tatay,Never nya kaming pinagkaitan maging malaya at masaya.
"Syanga pala kuya Sam,Yun nga palang may ari ng VAL na meet mo na?
Matanda na bang kalbuhin tapos matapang ang itsura?_Sassy.
Sa pagkaka describe nya,ganun kasi ang mga CEO sa mga pelikula."Hahahha.Grabe ka naman maka describe sa CEO namin.
Alam mo kabaliktaran yang lahat ng sinasabi mo.Kasi ka edaran lang sya halos ni tatay at saka gwapo din nung kabataan.Mestiso at matangos ang ilong na matangkad sya tapos hindi naman mukhang masunget kapag nagsasalita._Sam.Sa pagkaka describe nya,parang mala Zobel de Ayala ang itsura ng CEO nila."Ohhhh,talaga? Baka naman may mga anak yung mga gwapo din pwede ba ko dun mag apply din?hahahha.Tay joke lang._Sassy.Saka ko sya pinandilatan ng mata.
"Hahahha.Sira ka talaga Sassy! Oo meron syang anak,at gwapo din naman pero may asawa na.Hindi sila magka mukhang mag ama pero pareho naman silang mukhang mabait._Sam.
"Mga anak,Ako naman ay hindi makikialam sa kung sino ang magustuhan at mahalin nyo,Basta ang mahalaga sa akin yung hindi kayo sasaktan.
Hindi ako makapapayag na may kahit na sinong manakit at manapak sa inyong tatlo._Tatay.Minsan lang magsalita si tatay ng ganun pero ramdam naming tagos sa puso ang bawat salitang binibigkas nya."Opo tay.Wag po kayong mag alala,Hindi po ako magbo boyfriend ng hindi approve sa inyo.Don't worry tay,Malayo pa yan sa isip ko._Sassy.
"Wala namang problema kung may mga manliligaw at nililigawan na kayo,basta dapat dito sa bahay sila pupunta at hindi sa kung saan saan lang.Ikaw din Sammy,Kung sakaling may liligawan kana,Sa bahay mo pupuntahan at hindi sa kung saan saan lang kayo magkikita._Tatay.
Saka ako parang nahiya.Kami kasi ni GD sa labas lang madalas magkita."Hala si ate Sally namula!hahahha.Ate ha,May mini meet ka siguro sa labas noh kaya apektado ka sa sinabi ni tatay?_Sassy.
"Oi wala ah!Ikaw talaga Sassy gumagawa ka ng isyu.Wala ngang manliligaw tapos makikipag meet pa._AKO.Pambihira,Halata nama kasi akong apektado dahil sa pamumula ko.
"Sila Ate Dess at ate Joyce lang naman ang kasama palagi ni ate.
Kung meron mang manliligaw yan si ate sasabihin naman nyan sa atin.
Saka nasa marrying age na kaya sya kaya pwede ng mag jowa,diba tay?_Sam.Oo naman.Pero nasa ate nyo naman kung handa na syang makipag relasyon.Basta ang mahalaga,maging masaya sya.Alam ko naman na mabubuti kayong mga bata lalo na ang ate nyo,Alam nya na ang mga responsibilidad ng isang dalagang tulad nya._Tatay.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.Hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang babae din ang gusto ko?
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...