Naiwan akong mag isa lang dito sa bahay nila Tatay Caloy.Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay nila.Maliit lang pero malinis pati sa kusina.Parang kanta lang ng eheads.Nag alangan akong lumabas dahil baka may makakilala sa akin kaya minabuti ko na lang na magstay.
Maghapon akong natulog lang.Pag tapos kasi naming sabay mananghalian ni Sassy,pumasok na sya ng school."Natulog ka lang dito maghapon,hindi ka man lang naghugas ng pinggan?
_Sally.Mula sa kusina,lumabas ang naka uniporme pang si Sally at galit na nakatingin sa akin."Ahhh,Pasensya na kasi nakatulog ako ng mahaba haba.Wala naman kasing magawa dito sa bahay nyo.Sandali,maghuhugas ako._AKO.Akmang tatayo na ako ng bigla nya akong awatin at senyasang umupo.
"Nahugasan ko na po ang pinagkainan nyo mahal na prinsesa.Maupo ka nga muna at ng makapag usap tayo ng masinsinan._Sally.Ramdam ko yung pagtitimpi nya ng galit sa akin.
"Ganun ba.Ano naman ang pag uusapan natin?_AKO.Sa totoo lang,aliw na aliw ako sa kanya kapag nakikita ko ang itsura nyang nagpipigil sa inis sa akin.Ang kyut nya tignan.Kagabi kasi,yun ang unang napansin ko sa kanya.
"Magkaliwanagan lang tayo ha,Kasi sa totoo lang hindi ako sang ayon na patirahin ka dito.Maganda na yung malinaw.Hindi ko alam kung anong agenda mo kung bakit nagpapanggap kang walang maalala sa pagkatao mo pero hindi ka nakakatuwa alam mo yun?_Sally.Medyo kinakabahan ako dahil baka kapag nalaman nyang nagpapanggap lang ako,paalisin nya ako kaagad.
"Pero totoo naman talagang wala akong maalala.Just give me sometime para maka recover,i dont know when but if ever na makaalala na ako, aalis kaagad ako dito sa inyo,i promise._AKO.itsurang nakaka awa.
I need to convince her at galingan ang acting ko para makatagal ako dito. Kung kokontakin ko kasi sila Terry at TOP siguradong mamomonitor ako nila mom and dad,considering na magkakaibigan ang mga parents naming tatlo.
"Hindi pa din ako naniniwala sayo.Siguro,may atraso ka sa batas kaya ka nagtatago.Kung si tatay,napapaniwala mo dyan sa drama mo ako hindi,kaya umayos ka dahil hindi ako magdadalawang isip na isuko ka sa mga pulis kapag may ginawa kang kalokohan sa amin ng pamilya ko_Sally.
This time seryoso na talaga sya sa sinasabi nya.Kaya naman yumuko na lang ako dahil hindi ko kayang tignan sya sa mga mata."Sally!Bakit mo naman sinisigawan ang bisita natin?Hindi naman yata tama na maging marahas ka sa kanya.Alam mo namang wala pa sya sa tamang kundisyon hindi ba?_Tatay Caloy.Kadarating lang galing sa trabaho.
"Tay,Hindi naman po sa ganun.Sinasabihan ko lang na sana maghugas manlang sya ng pinagkainan nya dahil maghapon lang naman syang nakahiga._Sally.Agad syang nagmano sa tatay nya pag dating.Tumingin sya sa akin ng masama pagkatapos.
"Ahhh,Okey lang naman po yun Tatay.Kasalanan ko naman po talaga.
Wag kang mag alala Sally,next time ako na maghuhugas ng pinggan ko.
_AKO."GD,Hindi ka obligadong gumawa dito sa bahay.Bisita ka namin.Ang kailangan mo ay magpahinga ka lang para mas mabilis kang gumaling at ng makabalik kana sa inyo.Siguradong alalang alala na sayo ang mga magulang mo._Tatay Caloy.
"Opo tatay,Magpapagaling po ako agad agad.Ayoko din naman pong makadagdag pasanin sa inyo.Salamat po talaga tay sa pagpapatuloy sa akin dito,Hinding hindi ko po kayo makakalimutan._AKO.Salamat dahil mabait na tao ang nakatagpo ko kaya maswerte pa din ako.
"Naku,wala yun.Ang importante,gumaling ka.Wag kang mahiya sa amin,ituring mo na din kaming parang hindi iba sayo.Pansamantala,kami na muna ang pamilya mo habang hindi kapa nakaka recover._Tatay Caloy
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...