8.SALLY POV'S

3.1K 105 4
                                    

Kinulot na buhok,makapal na make up na medyo hulas na at naka gown na magandang babae ang nasa harapan namin ngayon.Kasama sya ni tatay na hindi naman nya siguro itinanan sa tingin ko.

"Tay,Sino po yang kasama nyo?Bakit po sya naka gown at make up?_Sassy
Pareho kaming nakatingin sa babaeng maganda.Actually,familiar sya sa akin pero hindi ko lang matandaan kong san ko sya nakita.

"Mga anak,sya nga pala si GD.Pero hindi ako sigurado,nakita ko lang sa pendant ng kwintas nyang suot na GD ang nakalagay kaya yun na lang ang itinawag ko sa kanya.GD,sila naman ang mga anak ko..Sila SALLY at Sassy.
Yung binata ko namang si Sammy,nagbo board sa bahay nung kaklase nya
_Tatay.Agad nyang pinaupo yung babae sa sofa.

"Tay,Bakit hindi po ba nya alam ang pangalan nya?Ano po bang nangyari at kasama nyo sya ngayon,at bakit po masyado na kayong ginabi sa pag uwi?_AKO.Para naman kasing hindi ako naniniwalang hindi nya kilala ang sarili nya.Mukha namang normal sya tignan.

"Ganito kasi yun mga anak.Papauwi na kami ng boss ko at pinasakay nya ako sa sasakyan nya ng masalubong namin itong si ineng at biglang natumba sa harapan ng kotse nya.Kaya naman agad naming dinala sa pinaka malapit na hospital.Kaya lang,nung malaman ng boss ko na wala namang pinsala itong si GD,Ako na lang muna ang pinaiwan para magbantay.Kaya lang nung magising sya,hindi nya nga daw maalala kung saan sya uuwi at pati pangalan nya hindi nya maalala._Tatay.
Napatingin naman ako sa babae.Old stories na ang plot ng kwento nya.
Siguradong gusto lang nyang magkapera at nagpapanggap syang may amnesia para kaawaan.

"Ate,nakaka awa naman pala si Ate GD.Parang nagka Amnesia sya.
Akala ko sa teleserye lang yun nangyayari,meron pala in real life.
Mukha namang magkasukat kayo ng damit,pahiramin mo na muna sya.
_Sassy.

"Sassy anu ba,Hindi naman natin sya kilala.Bakit natin sya patutuluyin dito sa bahay.Tay,sa Baranggay nyo na lang muna sya dalhin tutal hindi naman talaga kayo ang may kasalanan sa kanya eh._AKO.

"Sally wag ganun.Hindi ka ba naaawa sa kanya?Wala syang matutuluyan kaya dito na muna sya hanggat maka recover sya.Tama si Sassy,pahiramin mo na muna ng damit tong bisita natin para makapag palit.Ikaw na ang bahala sa kanya at ako din ay magpapahinga na.Maaga pa ang pasok ko bukas._Tatay.Pati si Sassy ay pumasok na din sa kwarto nya.Maliit lang ang bahay namin pero kanya kanya kami ng kwarto magkakapatid.

"Miss,eto na yung pamalit mo.Siguraduhin mo lang na bukas na bukas din aalis kana ha._AKO.Sabay irap sa kanya pagka abot ko sa duster na pinahiram ko sa kanya.Agad naman syang pumasok sa CR at naligo.

"Miss,meron ka bang toothbrush?Hindi kasi ako sanay matulog ng di nakakapag toothbrush eh._GD.Sumilip sa banyo.

"Aba,may pa toothbrush pa si mayor.Sosyal ka din noh.Sandali po,titignan ko lang kung may extra toothbrush akong naitago ha._AKO.Kaka imbyerna si girl.Masyadong bossy.Kumatok ako sa banyo para iabot sa kanya yung toothbrush.Buti na lang hindi ko pa nagamit yun sa trabaho at luma pa din ang ginamit ko.

"Thanks ha.Pahanda na din sana ng milk kung okey lang.Di kasi ako makatulog ng di nag gagatas eh._GD.Na bumalik na ulit sa loob para magtoothbrush.

"Gatas?Ayos din tong babaita na it ah!Lakas mantrip.Gatas talaga?
Uhmmm...Gatas na may lason kaya gusto nya?_Ako.Hindi ko sya susundin at isa pa,wala din kaming gatas kaya sori na lang sya.Sarili ko lang naman ang kausap ko pero sinadya kong lakasan para madinig nya.

"Miss,medyo nahihilo pa kasi ako.Kung wala kayong gatas,kahit water na lang sana._GD.Na humawak sa ulo nya pagkalabas ng banyo.Para naman akong kinabahan kaya inalalayan ko syang maupo muna saka ako kumuha ng tubig.

"Sandali at ikukuha kita ng unan at kumot para makapag pahinga kana.
Pasensya na kasi wala kaming gatas dito sa bahay._AKO.Pinahiram ko sa kanya yung isang unan ko.pinalitan ko lang ng punda at saka yung kumot kong bagong laba.

"Salamat miss.Pasensya na sa abala ha.Dont worry,kapag naalala ko na kung taga saan ako at kung anong pangalan ko,aalis na din ako kaagad dito sa inyo._GD.Saka sya naghanda na para mahiga kaya napatayo na ako sa upuan ko.

"Sally nalang ang itawag mo sa akin.Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad sa tingin ko.Sige matulog kana.Papasok na din ako sa kwarto ko.
Kapag may kailangan ka,katukin mo lang ako sa kwarto ko._AKO.Pinatay ko na din ang ilaw sa sala at saka ako pumasok na sa kwarto ko.

Hindi ako makatulog dahil bukod sa hindi ako sanay na may ibang taong nakikitulog dito sa bahay,iniisip ko din kung saan ko ba sya nakita.After nyang maka ligo at mawala yung make up nya sa mukha,saka ko sya napagmasdan kung gaano sya kaganda.Bukod sa matangos na ilong at singkit na mga mata,napansin ko din yung mapupula nyang lips.
Nakita ko na sya talaga nuon.Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ano kamo Sally,May inuwing magandang dalaga yung tatay mo kagabi?
Aba,akala ko ba one and only na ng tatay mo yung nanay mo?Bakit pinalitan kaagad ang nanay mo?_Dess.

Nasa canteen kami sa likod ng mall kung saan kaming mga empleyado kumakain.Bukod kasi sa mura dito ang pagkain,hindi mo na kailangang pumila pa ng mahaba para maka order.

"One and only nga.Nagdala lang ng babae sa bahay,pinalitan agad?
Sinabi ko na nga,walang maalala yung babae kaya naawa si tatay at sa amin na muna pinatira pansamantala._AKO.

"My Amnesia girl lang ang peg day?Pero malay mo naman totoong nawala nga ang memory nya hindi ba?So,anong gagawin mo ngayon nyan may bago pala kayong boarder?_Dess.

"Wala naman akong choice kundi patirahin sya sa bahay pansamantala.
Si tatay ang nag insist na dun na muna sya pansamantala kaya hindi na muna aalis si girl for the meantime._AKO.Saka naman patamad na tumabi sa akin sa upuan si Joyce na kadarating lang.

"Haaay grabeh,Ang toxic ngayon sa taas.Mainit ang ulo ni Madam.Kaya lahat ng manager at kaming mga visor ang pinagbubuntunan._Joyce.
Late na syang nakapag lunch dahil may meeting pa silang mga staff.

"Bakit naman?Ano daw ang problema ni madam chairman?Hindi naman dating ganun yun ah..._AKO.Mula ng makaharap ko mismo ang chairman, hindi ko sya nakitaan na nagsunget gaya ng bali balita sa kanya nuon pa.
Kaya naman nagtataka ako sa balitang masunget at mataray daw ang chairman.

"Dahil yun sa anak nyang naglayas.Hindi pa daw kasi nakikita mula nung birthday party nung husband nya kaya mainit ang ulo._Joyce. Nagsimula na syang kumain ng lunch nya habang kami ay nakatapos na.

"Whaaat?Naglayas kamo yung anak ni Madam,yun ba yung ipakakasal sana kay Sir Andrew C?_Dess.

"Oo yun nga.Hindi pa daw pala kasi alam nung anak ni Madam chairman na ipakakasal sya ng mga magulang nya,nasurpresa sya sa balita kaya ayun,nagtatakbo daw yung kawawang dalaga hanggang sa nawalang parang bula.Ang dami kayang bodyguards at mga pulis na naghanap sa kanya pero hindi talaga sya nakita._Joyce.

"Grabeh naman!Parang eksena lang sa pelikula.Akalain mong may ganung eksena pala sa totoong buhay?Kasalanan naman kasi nila Madam yun, binigla nila ying anak nya.Natural tumakas talaga yun.hhahaha._Dess.

"Tama nga ang hinala ko.Im sure hindi papayag si girl sa set up na yun ng parents nya.Alam ko na yang mayayaman na yan eh...Mga spoiled brat yan.Kapag ayaw,ayaw.Kapag gusto,gusto.Sa palagay ko,matatagalan bago nila makumbinsi ang anak nilang magpakasal.or maybe hindi na yan matuloy pa._AKO.sayang naman yung pagbabasa ko ng wattpad bago matulog sa gabi.Ganun din ang plot ng kwento eh...Mayaman pero ayaw pakasal.Malamang,may ibang gusto si girl pero mahirap lang si guy.
Napangiti ako.Kung otor lang ako malamang dami ko ng followers sa wattpad.hehehhee.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon