ONE YEAR LATER:
"Dane,pwede bang dalian mo nga dyan sa pagluluto.Ang hirap hirap mag bantay dito sa makukulit na batang to aba!_TOP. Binisita nya ako dito sa Hawaii.Wala akong yaya dahil off nila ngayon kaya ako lang mag isa ang tao dito sa bahay.Bumili na din ako ng sariling bahay malapit sa bahay ni TOP.
"Hahahha.Wala pang kalahating oras kang nagbabantay nagrereklamo kana.Parang hindi kapa din daddy nyan ah!_AKO. Buntis ang wifey nya ngayon sa ikalawa nilang baby.
"I have ten yaya's for her para kahit dayoff nung lima,may limang reserba.Grabe naman,ang lilikot nitong mga inaanak ko.Pahabol ng pahabol eh._TOP.While carrying MAUI na isang taon na mahigit dahil magdadalawang taon na ngayong taon na ito.Habang si ALOHA naman ay nakahawak sa suot nyang pants.
"Eh di ikaw na ang mayaman.Ang hirap kaya ng madaming kasambahay dito,bukod sa mahal na ang pasweldo,ang hirap pang ipagkatiwala sa ibang tao ang mga anak ko sympre._AKO.Kambal na babae ang naging mga anak ko,Nagkataon kasing may lahing kambal sa pamilya nung guy donor ko.Isa syang Spanish American.
"Bakit kasi di ka na lang umuwi ng Pilipinas.Ang daming mag aalaga sa mga anak mo duon.Isa pa,hindi mo ba namimiss yung trabaho mo duon saka ang pamilya mo?_TOP.Since kasi ng magdesisyon ako na gawin ito,pinandigan ko ng magfocus nalang sa pagpapalaki sa kanila.
"Para kasing hindi ko pa kayang humarap sa mga tao duon.Although mas masarap ang buhay kasama ang buong pamilya,Medyo nasanay na din ako na kami kami lang ng mga anak ko._AKO.Sa totoo lang,matagal ko ng gustong umuwi..May isang tao lang akong kinatatakutang makaharap...
Isang tao na alam kong labis kong nasaktan.Hindi ko alam kung papano ko haharap at titingin sa mga mata nya na hindi ako bibigay at aaming mahal na mahal ko pa din sya."Alam ko naman kung ano yang pumipigil sayo sa pag babalik sa atin.
Kasi natatakot kang makaharap muli si SALLY...Natatakot ka na baka sa pagbabalik mo,Hindi kana nya MAHAL._TOP.Saka ako napatingin sa labas ng bahay.Kita mula dito ang beach.Kaya din nawili akong dito manirahan."I told you not to mention or say anything about her did I? Mabuti pa,kumain na lang tayo at pag usapan natin ang tungkol sa proposal na binabalak mo.Sigurado ka na ba dyan?_AKO.Mas nauna silang nag undergo ng IVF procedure at nagkaanak kaysa magpakasal.Balak nya daw kasi na dito na din sa Hawaii magpropose at magpakasal sila ng live in partner nya bago pa ito makapanganak sa ikalawa nilang baby.
"Yes ofcourse.Ang tagal ko kaya nitong pinag isipan.hahahha.
Kaya nga nauna na ako dito para iayos ang lahat ng gagawin at kakailanganin ko eh.Mabuti na lang,may makakasabay pagbyahe si wifey kaya hindi ako nag aalala_TOP.Susunod din kasi sila Terry and Joyce dito with their daughter KATIE at dun nga sasabay ang gf ni TOP."Sa wakas...Magiging tahimik na din ang buhay ng nag iisang playboy.
Im happy for you dude...Pasalamat ka dyan sa gf mo na kahit ilang beses mo ng niloko,tinanggap at minahal kapa din._AKO.
Madami dami ding pasakit at hirap na pinagdaaanan ang relasyon nilang dalawa.Hirap kasi si TOP umiwas sa temptation nuon pero later on,nagbago din sya lalo na nung magka baby sila.Natakot na din kasi syang mawala pa ng tuluyan sa kanya ang soon to be wife nya."Thanks dude.hahahaha.Your absolutely right...Super Thankful talaga ako sa wifey ko sa pag accept nya sa akin kahit ang daming beses ko na syang sinaktan at niloko.Hindi ko din kasi maimagine ang sarili ko na wala na sya sa tabi ko pag gigising ako.Kaya talagang pinush kong makuha ko ulit sya talaga._TOP. Masaya ako para sa kanya.Gaya ni Terry...Pareho na silang masaya sa piling ng taong mahal nila at nagmamahal sa kanila.
Nasa beach kami ng mga anak ko kasama ng mga yaya nila.Naisipan ko kasing ipasyal yung dalawang bata para naman malibang.
Naka upo kami sa buhanginan habang masayang naglalaro sila with their yaya's.Hanggang mapadako ang tingin ko sa babaeng naglalakad sa shore kasabay ng paghampas ng alon."Ay yung babae nakakatuwa,Napatalon sa gulat nung matamaan ng alon.
Hahahaha_Yaya Debbie(Maui's yaya)Akala ko ako lang ang nakapansin kaya natawa din ako sa babae."Parang pinay din sya Ate,Saka infairness ang ganda ng katawan ha.
Parang model._Jessie.(Lesbian na yaya naman ni Aloha)Both if them are kamag anak din ng mga YAYA nila Sydney and Symon na pinadala sa akin ng mommy."At talagang sa sexy body ka talaga nakatingin noh?Kahit kelan ka din eh noh!_Yaya Debbie.Sa palagay ko,may something dito sa dalawang yaya ng mga anak ko.Natawa na lang ako ng lihim.Ayos lang naman sa akin kung may relasyon sila basta hindi lang nila napapabayaan ang mga anak ko.
So far naman kasi,mabait at maaasahan silang kasambahay kaya wala akong problema sa kanila."Nagbibiro lang naman ako.Eto naman selos kaa.._Jessie.Agad kasing tinakpan ni Debbie ng kamay nya ang bibig ni Jessie at saka nahihiyang tumingin sa akin.Na gets naman ni Jessie kaagad at saka bahagyang namula.
"Let's go na guys at padilim na din naman maya maya.
Baka dumaan na naman si TOP sa bahay at hanapin ako.
Alam nyo naman yun,excited masyado sa proposal na gagawin nya.
Hahahha._AKO. Saka kami nagsimula ng maglakad pabalik sa sasakyan.
Iisang sasakyan lang ang binili ko.Hindi luxiurious ang buhay ko dito sa Hawaii.Mas pinili kong maging simple lang.Ayoko din namang dito lumaki ang mga anak ko.Iba pa din sa sarili mong bayan."Ang daya nyo,bakit di kayo nag yaya!Alam nyo namang wala akong mapaglibangan dito eh_TOP.Hindi nga ako nagkamali,Nandito nga sa bahay si TOP na kanina pa nag aantay sa amin.Agad nyang kinarga si Maui at saka pinang gigilang halikan.
"Malay ko bang wala kang ginagawa sa bahay mo.Ang laki laki nung pinagawa mong bahay hindi mo naman titirahan.hahahha._AKO.This time si Aloha naman ang kinarga nya at hinalikan.
"Speaking of bahay ko.Dun tayo matutulog tonight.Wala akong kasama kaya dapat lang na samahan moko.Magpa practice na din ako sa pag aalaga ng baby.hahahaha._TOP.Pansin ko na kakaiba ang saya nya ngayon.
"At bakit naman dun mo kami patutulugin sa bahay mo aber?Maguguluhuhan ka lang sa mga anak ko,lalo na kapag sabay sabay nag iyakan yan sa gabi._AKO.Matik kasi na kapag nasa ibang bahay kami, hindi ako nagsasama ng yaya sympre.
"Okey lang na mag ingay sila dun at mang gulo.Masaya nga yun eh.
Saka isa pa,sasamahan naman kita sa pag aalaga at pagbabantay dito sa dalawang cute na cute na mga batang ito._TOP. Nakakatuwa naman kasi talaga pagmasdan ang mga anak ko na Kahit galing sa pasyal, hyper pa din silang dalawa at hindi nakakaramdamn ng antok."O sya sige na nga at dun na kami mag i stay ng dalawang bata.
Isang gabi lang ha...Alam mo namang mahirap kapag walang yaya na kasama sa bahay,Ang hirap kumilos._AKO.Saka ko inutusan sina Debbie at Jessie na mag pack ng mga damit at mga gagamitin nung mga anak ko."Don't worry Dane...For sure naman hindi sila maiinip dun sa bahay ko.
Saka para naman magkaroon ng ingay at sigla yung bahay ko kahit papano.Ang boring mag isa dun._TOP.Saka muling nilaro yung dalawang bata habang pati ako naghanda na din ng mga gamit at damit para sa isang araw nanpag i stay ko sa bahay ni TOP.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomansaComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...