53.GD POV'S

2K 74 3
                                    

Bahagya akong namutla ng magkasalubong kami sa lobby ni SAMMY.Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming ito.Ang buong akala ko,hindi sya kasama sa mga nalipat dito sa head office ng VAL.

"Ate GD?...Ikaw nga ba yan ate?_Samm.Kahit yung mga kasama nyang engineers din napatingin sa akin habang may hawak akong kape na inutos sa akin ng boss ko.

"Samm! Kamusta?...Oo ako nga toh.Andito ka din pala?_Ako.Todo ngiti ako sa kanilang tatlo.

"Dito ka pala nagwowork?Akalain mo yun.Madalas na tayo magkikita nyan ate!_Samm.Nasa mukha nya yung excitement na nakita nya ako habang ako naman ay kinabahan.Mahirap na yatang makalusot kapag nagkabukuhan.

"Ahh,ehhh OO nga.Magkikita tayo ng madalas nyan for sure._AKO.Saka ako kunwaring umaarte na naiinitan na sa hawak kong kape.

"Ate,Ito nga pala yung mga ka work ko dito.Sila Allan at Dexter.Guys,Si ate GD nga pala.Ang ganda nya diba?Friend yan ng ate ko._Samm.Saka silang dalawa nag hi sa akin.

"Nice meeting you guys,Ikaw din Samm.Goodluck sa work at saka welcome dito sa main._AKO.Napakamot na lang ako sa ulo.

"Thanks ate GD.So ,Papano ate mauuna na kami ha.Alam mo na kapag mga bago pa lang ang daming trabaho.Seeyou around na lang._Samm.
Saka kami naghiwalay na ng pupuntahan.Saka lang ako nakahinga ng maluwang nung nawala na sya sa paningin ko.

●●●●●

"Ay grabeh naman,Sa dinami dami ng Airlines sa buong bansa dun pa pala sya nagta trabaho sa kumpanya nyo.Ayos din.hehehhe._Terry.Nasa HOLLYCAFE kaming dalawa habang inaantay namin si TOP na on the way na daw from CK Mall.

"Wala naman akong magagawa eh.Mabuti na lang errand girl lang ang papel ko dun sa opisina kaya hindi nya mahahalata na sa amin yun.
Sana lang hindi na nga kami magkasalubong pa ulit para hindi ako kinakabahan.Ang hirap pala ng pakiramdam na may tinatago noh,Parang di ka makahinga._AKO.Ganun kasi yung feeling ko kaninang kaharap ko si Sam.

"So ngayon alam mo na ang pakiramdam ko kapag kaharap ko ang parents ko?Mas malala pa dyan yung takot ko.Dude,parang sasabog na nga yung dibdib ko minsan eh,Gusto ko ng aminin kila mom and dad pero wala akong lakas ng loob._Terry

"Sa laki ba naman kasi nyang dibdib mo,talagang sasabog yan!_TOP.Na kadarating lang at kaagad inalaska si Terry.Napangiti tuloy ako.

"Ulol! If i know tagal mo ng pinag nanasahan toh!Manyak!_Terry.
Ganyan silang dalawa mag asaran.Pareho kasi silang baliw kapag magkasama.

"Umayos ka nga.Nasa Hollycafe tayo oh,Banal na lugar.Bawal ang bastos dito!_TOP.Saka ininum yung frapp ni Terry kaya inagaw ni Terry sa kanya.

"Akin yan adik!Pumila ka dun.Samahan mo na din ng blueberrycake, nakakagutom maghintay sayo ah!_Terry.Agad namang tumayo si TOP at umorder sa counter.

"Kamusta naman si Joyce?Hindi na ba kayo nag usap o ayaw mo lang talaga?_AKO.Saka sya biglang sumeryoso pagkarinig nya sa pangalan ni Joyce.

"Hindi na kami nagkikita.Ako na din ang umiiwas na muna.Ayoko lang naman magkaroon ng problema habang nasa bahay ako nakatira.
Si Mommy kasi,Sobrang higpit pa din.Lahat ng kaibigan at katrabaho ko pinapa survey pa kung sino at kaninong anak.Ganun sya kahigpit._Terry.

"Kasi nga nag iisa kang anak.Kaya takot lang sila na mapahamak ka.
Saka alam nilang Miss CHARITY ka.Madaling maawa sa mga humihingi ng tulong kaya ayaw ka lang nilang masaktan._TOP.Nakabalik na mula sa pag order.Bigla ko tuloy naalala sila mom and dad...Mahirap talaga kapag solo kang anak,mabigat ang naka atang na responsibilidad sa balikat.

"Kahit na.Mag isang anak nga ako pero wala naman akong kalayaang mabuhay ayon sa gusto ko.Para na din akong nakakulong.Ang tanda ko na pero bantay sarado pa din ako._Terry.Nagkatinginan na lang kami ni TOP.

"Bakit kasi di mo subukang pag aralan yung business nyo?Kung sinusunod mo na lang kasi ang gusto nila,baka sakaling pagbigyan ka din nila sa gusto mo,malay mo kapag inamin mong babae din ang gusto mo,hayaan ka lang nila basta ituloy mo lang ang legacy ng Terry's._TOP.

"Bakit naman ikaw,Ayaw mong pag aralan yung KWINTOP nyo?
Makapag advice ka kala mo ikaw hindi din ganun!hahahhaa._AKO.
Saka ako napahinto sa pagtawa dahil pareho na silang seryoso ang itsura.

"Kaya nga bilib kami sayo Dane eh.Kung tutuusin mas malaki ang problema mo kumpara sa amin.Mas malaking responsibilidad ang naka atang sayo eh.Malaking kumpanya,mas madaming tao ang umaasa.
Tapos may mga kapatid ka pa na hindi mo alam kung kakampi mo o sya pang gustong manakit sayo._Terry.Saka ako natahimik din bigla.
Totoo naman yun.Mabigat at mahirap ang problema ko sa ngayon,kaya naman wala na muna akong panahon para sa pansarili kong kaligayahan.

"Speaking of disasters,Mukhang may namumuong tensyon daw ngayon sa CK MALL dahil sa pagpasok ng kapatid mo ah?Panay daw ang patanggal sa mga tindera duon tapos from CAMILLA nang gagaling yung mga command._TOP.Napakunot ang nuo ko,Si Camilla ang kinuha ni Sydney bilang adviser sa CKG?Parang may naaamoy na naman akong panibagong problema.

"Uhmmm,Kaya pala andun sya nung party.Kasi sya ang bagong adviser ni Syd.Well,malay naman natin mas mapaganda ang pamamalakad ng CK kapag sila ni Camilla ang nagpartner diba?_Terry.Isang FD si Camilla,Ang gawain nya ay makipagkaibigan sa mga anak ng mayayaman at saka nya ito pini perahan.(According to source)

"Another problem for you Miss Villareal.Parang ayaw kang tantanan ng mga problema ngayon ah.Gusto mo na bang bumalik nalang ulit sa pagiging LAZY BILLIONAIRE mo at wag ng makialam sa mga negosyo nyo?
_TOP.Napa smirk na lang ako at wala ng nasabi pa.

"Btw guys,Nag apply nga pala ako this sem for masteral degree._Terry
Advertising and fashion ang tinapos ni Terry.

"Para saan naman yan?Malayo yan sa negosyo nyong pagkain.Dapat nag enroll ka sa Business Management._TOP.

"Ayoko naman kasi talaga mag manage ng resto.Gusto ko mag direk at mag focus into advertising.Mas mapalawak ko pa yung nalalaman ko.
Ayoko namang habambuhay na lang akong assistant staff sympre._Terry.

"Im planning to study abroad din.Pero pinag iisipan ko pang mabuti.Mahirap magpadalos dalos.Depende sa kalalabasan ng pinaglalaban ng unyon.Kapag dininig kami sa itaas,well and good.
Pero kapag hindi pa din kami pinakinggan,wala akong magagawa kundi ilaban na ito sa kinauukulan._AKO.

"Seryoso na masyado ang isyu na yan brad.Sarili mo ng pamilya ang makakalaban mo pag nagkataon.Sabi nga ng ninong Manuel mo,Dapat full gear ka pag lumaban sa gyera.Kaya hindi pwede yang nasa mababang posisyon ka lang.Handa ka na bang IPAKILALA SA LAHAT KUNG SINO ka?
_Terry.

Kapag nagpakilala ako bilang anak ni Mandy Villareal at Karmela Chua,
Magkakaroon na ako ng kapangyarihan sa kumpanya.Magkakaroon na din ako ng boses para sa mga taong nasa ibaba.Ang dating tahimik kong buhay ay magkakaroon na ng ingay at kinang.Pero nawawalan na ako ng pribadong buhay at wala na akong sariling kalayaan at pagkakakilanlan.
Mananatili na ako sa anino ng mga magulang ko bilang taga pagmana.

At lalayuan na din ako ng mga taong tinanggap at minahal ako sa pagiging karaniwang tao ko lang,lalong lalo na ang babaeng nagturo sa akin para lumaban sa buhay...si SALLY.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon