Mula ng umalis si GD sa bahay,hindi na kami ulit nagkita o nagkausap manlang.Ayokong isipin na sa sandaling panahon lang,nakalimutan nya na ako kaagad.Alam kong hindi ganun si GD,Alam kong may dahilan sya.
"Ate,Nakakamiss din si ate GD noh?Kahit naman sandali lang natin sya nakasama,namimiss ko yung kwentuhan namin pagdating ko galing sa eskwela.Saka ang galing nya magturo,lalo na sa math._Sassy.Magkatabi kami sa sala at nanunuod ng tv.
"Aysus,namimiss daw yung pagtuturo sa kanya.Hindi ka naman nagpapaturo,sya mismo ang pinasasagot mo sa mga assignment mo_AKO.
Pareho kami ni Sassy na nasa average lang sa eskwela.Hindi kagaya ni Sammy na bukod sa masipag mag aral,talagang maalam na."Kayong dalawa,magsipag tulog na.May mga pasok pa kayo bukas.Wag nyo ng alalahanin si GD,sigurado akong masayang masaya yun ngayon sa piling ng kanyang pamilya.Malay nyo,bigla na lang dumalaw yun sa atin kapag hindi na sya busy._Tatay.
"Sana nga tay,Nag aalala ako dito kay ate eh.Parang hihimatayin na nung paalis na si ate GD dito sa bahay.hahaha._Sassy.
Saka ako bahagyang namula sa sinabi ni Sassy.Ganun ba talaga ako ka obvious nuon?Haaaaist.Yung paghalik ko kaya sa lips ni GD nakita din nila?Pero imposible,Sa likod bahay ko yung plinanong gawin kaya walang tao duon maliban sa aming dalawa.
"Hahahha.Inaasar mo naman yang ate mo,namumula tuloy.Mas naging close kasi silang dalawa kaya sobrang naapektuhan ang ate mo sa pag alis ni GD.Hala,magsipagtulog na kayo at ng pati ako ay makatulog na din.
_Tatay.Saka kami sabay sabay ng nagsipasok sa mga kwarto namin.Hindi ko itinapon ang toothbrush na ginamit ni GD.Remembrance ko yun sa kanya.Pati yung mga damit na mga ginamit nya na pinahiram ko,hindi ko na din ginalaw dun sa drawer nya.Tapos yung bedfoam nya at ginamit na punda at kumot,yun na din ang ginamit ko.Feeling ko kasi,katabi ko lang sya dahil sa naiwan na amoy dun sa mga ginamit nya.
.........
"Ay iba ka din sa BFF mo iha,Tinalo mo pa ang jowa!Imaginin mong pati yung mga kumot at unang nagamit na nya,ayaw mo pang labhan at yun ang gamit mo para naaamoy mo pa din sya?Hahahhaa.Kakaloka!_Joyce.
Nasa canteen kaming tatlo at nagla lunch."Alam mo bru,Kundi lang kilala ka naming babaeng babae...Magdududa na kami dyan sa pagkababae mo eh!Baka naman totoong lesbian ka nga iha?Aminin mo na._Dess.Mahina lang ang pagkakasabi nya dahil madaming chismosa sa paligid.
"Ano ba kayo,hindi nga sabi ako lesbian.Babae ako.Promise yan.
Pero hindi ko lang nga kasi maintindihan kung bakit ganun na lang ako ka obssess sa kanya pati sa mga bagay na nagpapa alala sa kanya.Sa palagay nyo,may problema nga ba sa akin?_AKO.Kinwento ko kasi sa kanila yung mga pinag gagawa ko nung bago umalis si GD sa bahay."Pero sa totoo lang ha,hindi ko naman masisisi itong si Sally if magkagusto sya dun kay girl.Kung sya nga yung girl na di sinasadyang nakabuhos ng coke sayo nuon...Ang ganda nga nilang tatlo guys!_Dess.Saka ko biglang naalala,posible na sya nga kaya yun?Ibig sabihin,kaibigan nila yung cashier dun saHappybee.Ibig din sabihin,posible na magkita pa kami ulit ni GD.
"Ohhhh,that three pretty girls before?Sabagay,magaganda nga silang tatlo.Nakaka insecure sa ganda at kinis.Parang mga artista.Teka... diba yung isa dun,nanlibre pa nga sa atin nun bday mo Dess?Yung cashier na short hair pero maganda?_Joyce.
"Bingo!Tama...I know right?So,pwede nating makontak yang obessession mo tru that service crew.Pero papano naman natin sya mapapa amin.What if i deny nyang magkakilala sila?_Dess.
"Imposible naman yun.Kaibigan nga nila,isinakay kapa sa kotse nyang bulok diba?hahahaha.Pero sure kaba na sya nga yun,baka kamukha lang.
Btw,tara ng bumalik sa pwesto.Medyo mainit sa akin si manager ngayon eh._Joyce.Saka kami nagtoothbrush at nag retouch sa CR."Bakit naman mainit si Manager sayo ngayon?May ginawa ka ba?Hindi naman dating ganun si Ma'm ah?_AKO.Bibihira kasing mapagalitan si Joyce dahil alerto sya at mabait na visor namin.
"Simula nung bumalik yung bunsong anak ni madam chairman,Naging okey na yung pamamalakad ni madam CK.Pero kabaliktaran naman sya ni Miss Manager.Sya naman ngayon ang palaging nakasinghal sa amin.
_Joyce.Nagkatinginan nalang kami ni Dess.Para namang may mali sa pag uugali ni manager,pati mga tauhan nya idadamay."Ang tanga tanga mo naman miss Mercado,ilang beses mo ng ginagawa yang report na yan,hindi mo pa din magawa ng tama!_Manager.
Nadinig namin ni Dess na pinapagalitan si Joyce ng manager sa loob ng opisina."Ma'm,Tama naman po yang report na ginawa ko.Si Ms. Dizon po ang nagkamali at hindi ako._Joyce.Dinig namin sa labas ng pinto ang pag uusap nila.
"Thats exactly my point!Mali ang kapwa mo bisor,then dapat kinorek mo!
Bakit pababayaan mong mali ang ipapasa nilang form gayung ikaw ang pinag papasa ko nito sa main office?Ang hirap sayo,masyado kang kampante sa ginagawa mo.Hindi ka dapat nag supervisor,dapat sayo saleslady lang!_Manager.Nadinig namin ang tunog ng takong ng sapatos na papalapit na sa pinto kaya agad kaming nagtago sa kabilang room."Joyce,ayos ka lang ba?Wag ka ng umiyak.Magiging okey din ang lahat.
Hahatid ka na namin sa pag uwi_Ako."Wag na,ayos lang naman ako.Wala naman yun.Sanay na ako kay manager.Saka tama naman sya,kasalanan ko talaga.Dapat chineck ko muna bago ko ipinasa._Joyce.
"Pero kahit na.Pare parehas lang naman kayong mga bisor.Dapat alam din ng kapwa bisor mo na mali sya at sya ang humingi ng paumanhin.
Masyado ka kasing mabait kaya ka inaabuso._Dess."Okey lang.Hindi naman ako maaapektuhan ng mga ganun ganun lang.
Saka kailangan ko talagang maging matatag,Sinugod na naman kasi namin si mama sa Hospital kagabi.Kaya siguro ako naiyak ng sobra kanina,nadamay na lang din yung galit ni manager._Joyce."Gusto mo bang samahan ka na muna namin?Sa hospital kana ba nyan didiretso?Ihahatid ka na namin duon?Joyce naman,kaibigan mo kami.Kahit na anong mangyari,andito kami para makinig at tumulong sayo._Ako.
Tumango tango naman si Joyce sa amin at saka kami sabay sabay ng naglakad papalabas ng CK mall.Hindi na namin napilit si Joyce na ihatid namin sya dahil kaya naman daw nya.Pinauna nya pa kaming makasakay at saka sya naman ang nag abang ng masasakyan.
Madalas,kung hindi mas mataas sa amin sa posisyon o di kaya naman ay mga mapangmatang mga costumer ang namamahiya sa aming mga saleslady.Ganun ang senaryo namin sa araw araw.Pero kailangang nakangiti pa din kami.Kahit may mga problemang dinadala,dapat naka smile pa din.Alam kong mabigat ang dinadalang problema ni Joyce ngayon,pero naniniwala akong magiging okey din ang lahat.Kailangan nya lang magpakatatag at magdasal.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantiekComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...