25.SALLY POV'S

2.7K 93 2
                                    

        Tuloy tuloy lang ang buhay kahit paminsan minsan naaalala ko pa din si GD.Ilang buwan na din mula ng umalis sya,pero yung alala ng masasayang araw naming magkasama,parang hindi na yata mabubura.

"Naaalala mo na naman yung first love mo kaya hawak hawak mo yang panyo nya.Mag move on ka na nga inday.Ikaw nga,hindi nya na naalala eh.
Ni bisitahin kayo ng tatay at kapatid mo hindi nya man lang nagawa._Dess
RD naming dalawa ni Dess kaya napagkasunduan naming manuod ng sine para naman makapaglibang kahit papano.

"Ano kaba,hindi noh.Hindi ko alam na dala dala ko pala to dito sa loob ng bag ko.Ang tagal mo namang bumili ng popcorn,baka di na natin masimulan yung palabas nya eh._AKO.Mas mahal kasi at hindi masyadong masarap ang popcorn dun sa mismong sinehan kaya sa labas pa ng cinema kami bumibili.

"Ang dami kasing tao ngayon sa mall,ewan ko ba.Ang mga pinoy talaga, kapag araw ng akinse at katapusan palaging nasa mall.Oneday millionaire ang peg.Tapos kapag naubos na ang mga pera,nakanganga na._Dess.

"Hahahha.Parang tayo,Porke kakasweldo lang andito kaagad sa sinehan._AKO.
Medyo madilim na sa dinadaanan namin dahil nagsisimula na ang palabas.

Kahit papaano,nakaka alis din ng stress ang panunuod paminsan minsan.
Hindi na kami dumaan sa department store pagkatapos naming manuod at naghiwalay na kami ng sinakyan pauwi pagkalabas namin ng mall.

"Ate,Natanggap na ako sa inaapplyan ko.After ng graduation,Pupwede na daw akong magreport sa VAL.Ate,makakabawi na din ako sa inyo ni tatay.
Kapag may trabaho na ko,hindi ka na masyadong mahihirapan.Kayo ni tatay._Sammy.Bungad nya sa akin pagkapasok ko pa lang ng pinto.

"Akala ko naman kung napano kana.Well,Masaya ako para sayo Sam...Congrats.Alam ko namang matatanggap ka dun,over qualified ka pa nga eh!_AKO.Dream come true para sa kagaya nyang engineer ang makapasok sa isang kilalang kumpanya lalo pa at sa sikat na Airlines gaya ng VAL.

"Hahahaha.Salamat ate!Yan ang gusto ko sayo eh,sobrang laki ng bilib mo sa akin.Basta kapag nagta trabaho na ko,ako naman ang bahala kay Sassy.
Yung sweldo mo,ipambili mo naman ng mga kailangan mo.Para naman mas madami pang humanga at manligaw sayo.Magshopping ka,magpaparlor at saka magtravel._Sammy.

"Aba aba...At bakit naman napunta sa manliligaw?At bakit naman kailangang magpaparlor at magpaganda pa,Hindi naman kailangan yun dahil madami naman talagang nanliligaw at nagkakagusto sa akin noh.
_AKO.Biro ko lang yun sa kanya.Pero sa totoo lang,madami talaga ang nagsasabing maganda ako.At kahit sila Sammy at Sassy,madami din ang nagkakagusto sa kanila.Kami yung lahing simple lang,pero malakas ang dating ika nga.

"Ate,alam ko namang maganda ka.Given na yun sa lahi natin.Kahit nga mga ka klase ko may mga crush sayo eh.Ang sinasabi ko lang,Puro kasi kami lang palage ang inuuna mo,kaya napapabayaan mo na yang sarili mo.Kailan ka nga ba bumili ng bagong damit mo or bagong sapatos.Kundi pa masisira yang sapatos mo,hindi ka bibili eh._Sammy.Kelan nga ba yung huli kong binilhan ang sarili ko.Ni wala nga akong luho sa sarili ko.Basta may sobra akong pera,sila Sammy at Sassy kaagad ang naiisipan kong bilhan.Masaya na ko ng ganun.

"Hay naku Sammmy,Hindi ko kailangan ng mga ganyang luho sa katawan.
Ang importante,Wala tayong mga sakit at hindi tayo nag aaway away.
Saka ko na iisipin ang mga ganyang bagay kapag nakapagtapos na kayong dalawa ni Sassy.Mag aasawa na lang siguro ako ng foriener na mayaman para makapag travel ako gaya ng sinasabi mo.hahahah._AKO.
Bata pa si Sam,pangarap nya ng makasakay ng eroplano.Kaya nung lumaki sya,gusto nya talagang makapagtrabaho sa isang Airline company.
At ngayon nga,unti unti n nyang natutupad ang mga pangarap  nya.

Tamang tamang nakaluto na ako ng hapunan saka dumating si tatay.Kasunod naman si Sassy na sa sobrang gutom yata,hindi na nagawang makapag palit muna ng uniporme nya.

"Tay,Alam mo bang dinalaw ako nung isang araw ni ate GD sa school?
Pero sandali lang sya kasi nagmamadali sya.May kasama syang maganda ding babae.Kamusta na lang daw sa inyo,hindi sya nakakadalaw pa dahil naghahanap pa daw kasi sya ng trabaho._Sassy.Bahagya akong natigilan.
Mabuti pa si Sassy,nagawa nyang bisitahin.Samantalang ako ni hindi nya na naalala manlang.

"Ganun ba,Kaya naman pala nahihiyang bumisita.Kasi wala pang trabaho.
Mabuti naman at ayos na sila ng pamilya nya.Kapag nagkita ulit kayo,sabihin mong ayos naman tayo dito._Tatay.

"Akala ko nga before anak mayaman yung si Ate GD eh.Yung kutis nya at saka yung kilos nya kasi parang mayaman talaga.Pero after nyang tumira dito sa atin at nakapag adjust sya kaagad,saka ko naisip na para din pala syang kagaya lang natin,Hindi nga lang sanay sa gawaing bahay.Malamang spoiled yun sa kanila before._Sammy.Posible namang may kaya talaga si GD,sa necklace pa lang na worth fifty thousand ang sanla...May kaya talaga sya or kaya naman mayaman talaga.

"Ang sweet nga nila nung kasama nyang girl eh.Magka akbay pa sila nung umalis.Sumakay lang kaya sila ng jeep,tingin ko hindi naman sila mayaman masyado.Nakaka angat lang ng kaunti.Sana naka kotse yun diba,pareho silang pansinin sa kalsada pero parang  hindi naman sila aware._Sassy.Bahagya akong nalungkot pagkadinig ko sa sinabi ni Sassy na may magandang babaeng kaakbay si GD.Kaya naman pala hindi nya manlang ako naaalala,kasi may babae syang pinagkaka abalahan.

"Maiba nga pala ako.Sa susunod na linggo,dadalaw ang Tiya Cora nyo.
Sinabi ko kasi na ga graduate na itong si Sammy kaya gusto daw nyang makita at mabati man lang._Tatay.

Si Tiya Cora ang nag iisang kapatid na babae ni tatay.Nuon pa man,nag alok na si tiya Cora na pag aaralin kaming magkakapatid pero tumanggi si tatay.Ayaw nya daw maging pabigat sa kapatid nya.Matalino at maganda si tiya Cora,pero hindi sya nakapag tapos ng  kolehiyo dahil mas pinili nyang si tatay na muna ang pag aralin ng mga magulang nila kaysa siya.Kaya lang,hindi na din nakapagtapos si tatay dahil mas pinili nyang mag asawa.

Until now,dala dala pa din nya sa kunsensya nya ang hindi pag aaral ni tiya Cora dahil sa kanya.Namasukan daw si Tiya Cora bilang Yaya sa mayamang kaibigan nya,at mula nuon hindi na sila masyadong nagkikita magkapatid.

"Talaga tay?Sa wakas,mami meet ko na din si Tiya Cora.Never ko pa syang nakita eh.Maganda din ba sya tay?Sabi mo isa syang yaya nuon pa,im sure malaki na yung inaalagaan nya pero andun pa din sya sa bahay nung inaalagaan nya?_Sassy?

"Aba sympre naman maganda.Kahawig sya ng Ate Sally nyo.Pero singkit kasi ang ate nyo gaya ng nanay nyo.Bilugan ang mga mata nya gaya ng akin.Hindi na iba ang turing sa kanya ng pamilya na pinaglilingkuran nya
Kaya kahit na malalaki na ang mga inaalagaan nya,sya pa din ang personal na nangangalaga sa kanila._Tatay.

"Sobrang yaman siguro nung mga amo nya no tay,Kasi kahit malalaki na may yaya pa din.hahahha.Maswerte sila at si Tiya Cora ang naging yaya nila,im sure maalaga at mabait syang kasambahay kaya hindi na nila pinakakwalan pa._Sammy.

"Oo naman anak.Maswerte talaga sila sa tiya Cora mo.Hindi na nga nagawang makapag asawa nun dahil sa pag aalaga at pag aasikaso sa pamilya nila eh.Bigla tuloy akong nasabik sa pag uwi nya dito sa atin, matagal na din kasi kami ng huling magkita._Tatay.

Lahat kami ganun din ang pakiramdam sa pagbisita ni Tiya Cora.
Nung bata pa ako,madalas syang dumalaw dito kaya natatandaan ko sya.
Kahit nung mga panahong may sakit na si nanay,hanggang sa nawala sya,malaki ang naitulong ni tiya Cora para maka recover si tatay.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon