May ilang nalipat at inalis sa posisyon hindi lamang sa aming mga saleslady at salesman kundi pati na din yung mga matagal tagal na din sa kumpanya.Kahit nga daw yung mga dating loyal na tauhan ni Madam CK, Isa isa na ding sinisente ni Sydney V. sa opisina nila.
"Ibang klase din pala mamahala sa negosyo yang anak ni Madam,Walang sinasanto kahit mga lumang alagad pa ng nanay nya.Balak talaga yatang sya na ang mamuno sa CK group._Joyce.May dalawa kasi syang kasabayang visor din na natanggal.
"Wala naman tayong magagawa kung yun ang gusto ng may ari eh.Basta gawin na lang natin ng maayos ang mga trabaho natin para wala syang masasabi._Dess.Kalalabas lang namin sa mall,dun na lang kami nagkaka panahon para magkausap.
"Anu pa nga ba,wala naman talagang magagawa kundi sumunod sa utos ng mga nasa itaas.Sila ang boss eh,tayo mga alipin lang nila._AKO.
Isang mamahaling sasakyan ang huminto sa tapat naming tatlo kaya napatigil kami sa pag uusap.
"Kelvin?Anong nakain mo at nagpunta ka dito?Don't tell me dito ka din nagta trabaho?hahahha._Dess.
"Hahahha.Sira!Nagpunta lang talaga ako dito para sunduin ka.Ang tagal na din nung last tayong nagkita diba.Hello pretty ladies._Kelvin.Saka kumaway sa amin ni Joyce.
"Hello din.Mabuti pa nga at iuwi mo na yang si Dess dahil ang ingay ingay lang nyan kausap kanina pa.hahah._Joyce.
"Maingay ka dyan.Sira ka talaga Joyce.Kapag di pa ko nag ingay,malamang matuyuan tayo ng mga laway habang nag aabang ng masasakyan araw araw.Pareho ba naman kasi kayo ni Sally na kundi kibuin di magsasalita eh._Dess.Totoo naman yun,hindi kami masyado pala imik ni Joyce lalo sa di namin kilalang kausap.Kaya pasalamat kami kay Dess dahil sa pagiging masayahin at makulit nyang personality.
"Hahahaha.Sabagay may point ka dun Dess.Pasensya naman,pareho kami nitong si Sally na silent type._Joyce.Pero si joyce,paminsan minsan ding makulit.Lalo kapag okey ang pakiramdam ng nanay nya,magaan din ang kalooban nya.
"So papano ba yan,mauuna na kami mga beshie?Kita na lang tayo ulit bukas ha.Ingat kayo pag uwi._Dess.Saka sya sumakay na sa kotse ni Kelvin.
Saktong pag alis naman ng sasakyan ni Kelvin saka dumating si TOP.Gamit yung luma nyang kotse,huminto din siya sa tapat namin ni Joyce.Nagkatinginan kami ni Joyce at saka napalingon sa sasakyan nila Dess at Kelvin.
"Hello ladies,Kulang yata kayo ah?Parang nauna na yata yung isang kasama nyo or hindi sya pumasok?_TOP.
"Ahh si Dess ba?Nauna na sya kasi sinundo sya nung ka klase nya nung High school.Ihahatid na daw sa kanila._Ako.
"Ganun ba?Ka klase pala nung High School.uhmmm....Btw,mauuna na din ako guys.Alam ko namang kahit alukin ko kayo sumakay,hindi din kayo papayag.Ingat na lang.bye._TOP.
"Alam mo,feeling ko kanina nya pa nakita si Dess na sinundo.Gusto lang nyang i confirm kung sino si Kelvin._Joyce.
"Hahaha,seryso ka ba dyan Joyce?Naisip mo kaagad yun?Bakit naman nya pag iinteresang makilala kung sino si Kelvin aber?_AKO.Saka ako biglang napaisip.Hindi ba parang may gusto si TOP kay Dess nuon pa.Pero babae sila pareho.Parang kami lang ni GD.
"Feeling ko lang naman.Pero pwede ding wala nga syang idea talaga.
O sya sige,sumakay na tayo sa jeep.Bukas na lang uli tayo magkita.
Ingat ka Sally ha._Joyce.Saka ako nagpaalam din sa kanya at naghiwalay na kami sa sasakyan namin.Nakatingin ako sa number ni GD sa celfone ko.Kinuha ko kasi kay Sassy yung number ni GD ng di nya alam.Habang naliligo sya kaninang umaga,saka ko hinanap yung binigay na numero ni GD sa kanya.
Naisipan kong maglakad lakad na muna sa kalsada pagka baba ko ng jeep ko pauwi sa amin.
Naglakad ako papunta sa park na malapit lang sa amin.Gusto ko munang magpahangin kahit sandali.Kaya kahit masakit na ang paa ko sa maghapong pagtayo,pinilit ko pa ding maglakad lakad.Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro pa din kahit magdidilim na.
Mga kalahating oras din siguro ako na naka upo lang dito sa park at saka ko naisipang maglakad na ulit pauwi sa amin."Sally!_GD.Kilala ko kaagad ang boses nya kahit nakatalikod ako sa kanya.
Agad akong lumingon sa likuran ko at hindi nga ako nagkamali."GD,Anong ginagawa mo dito?Bakit hindi ka pumasok sa loob?_AKO.Nasa labas lang sya ng gate kaya hindi ko namalayan na nasa likod ko lang pala sya.
"Hindi na,dito na lang ako.Nakakahiya kila tatay,wala man lang akong dala na kahit ano.Saka isa pa,ikaw naman ang sadya ko.Bakit nalate ka yata ng uwi?_GD.
"Hindi naman kanina pa ko umuwi galing trabaho,May dinaanan lang ako dun sa labasan.Napakwento sandali kaya di agad nakauwi.Ikaw,anong sadya mo at naligaw ka yata?_AKO.
"Wala lang,gusto ko lang sana ng makakausap.Pero mukhang pagod kana kaya hindi na din ako magtatagal._GD.
"Mukha lang akong pagod pero malakas pa naman itong mga tuhod ko para maglakad lakad.Pwede din naman akong kausap kahit pagod,bibig naman ang magsasalita at hindi paa at kamay ko._AKO.
Napangiti naman si GD sa sinabi ko at saka nya ako hinawakan sa kamay at hinila papunta sa labasan.Sa isang karinderia nya ako dinala at pumwesto kami dun sa dulo na hindi masyadong maingay.
"Order tayo ng mami,Nagugutom na kasi ako eh.Ikaw ba mami din o lugaw?_GD.
"Mami na lang din para parehas tayo.Teka ako na ang oorder para mas mabilis.Pakibantayan lang muna itong bag ko._AKO.Dala dala ko pa din kasi yung bag na may lamang uniporme ko sa pagpasok.
Mula kasi nung bumili ako ng bagong uniform,nagbabaon na ako ng pamalit para hindi masyadong gamit yung damit ko.Nagsimula na kami ni GD na kumain ng mami pero wala pa din syang kinukwento.Ganadong ganado sya sa paghigop ng mainit na sabaw.
Feeling ko naman,wala syang ikukwento talaga,gusto nya lang may kasama kumain ng mami."Kamusta naman sa trabaho nyo,Hindi naman ba masunget yung mga boss mo dun?_GD.
"Ganun pa din naman,madami pa ding reklamador na mga costumer.
Kaya lang may mga inalis na ding mga dati naming manager at supervisor kaya bago na namang mga pakikisamahan._AKO."Bakit naman inalis,baka naman may mga nagawa silang mali sa management kaya napatalsik sila._GD.
"Bago na kasi ang management kaya gusto nila bago din ang mga tauhan.
Maswerte na nga lang at hindi kami ang isa sa mga natanggal,lalo na si joyce,mahalaga sa kanya ang trabaho lalo na ngayon._AKO.Alam ko namang aware din si GD sa buhay ni Joyce dahil na din kay TERRY."Mabuti na nga lang hindi nga natanggal.Pero ang hirap naman kasi kay Joyce,masyadong mataas ang pride nya.ayaw nya magpatulong.
Mabait at matulungin talaga si Terry kahit kanino,kaya hindi na bago sa kanya na maging mapagkawang gawa,Sana i considered yun ni Joyce.
_GD."Hindi mo naman kasi masisisi si Joyce,Madami na syang mapapait na karanasan sa nakaraan about sa mga pagtulong na ganyan.Tapos sa huli, sinusumbat sa kanila yung mga naitulong na.Alam mo bang may trauma si Joyce sa mayayaman?Kaya galit yun sa mayayaman eh._AKO.
"Galit sa mayayaman?Wow,ngayon lang ako nakadinig ng ganun.Pero tama ka nga,kapag ikaw mismo yung naka experience ng mga masasakit na nakaraan mo,parang nagkakaroon ka na ng takot eh.Kaya hindi mo din sya masisisi._GD.
After namin mag usap at kumain,hinatid na nya ako sa gate ng bahay namin at umalis na sya kaagad.This time wala ng iyakan.
Pero nakakalimutan ko pa din itanong ang tunay na pangalan nya atkung saan sya nagtatrabaho.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...