"Talaga tay,Nasa Canada na ngayon ang Tiya Cora?Ang akala ko ba ayaw syang paalisin ng mga Amo nya kaya hindi sya matuloy tuloy sa pag aabroad?_AKO.Sabay sabay kaming naghapunan nila tatay at Sassy.
"Uu nga nuong una.Pero napapayag nya na din yung alaga nya sa wakas.
Alam mo na,nag matured na yung bata.Sya pa nga daw mismo ang naghatid sa airport nung umalis sya._Tatay.Sinulyapan ko naman si tatay kung apektado din sya sa pag alis ni Tiya Cora pero parang masaya naman sya."Gusto ko din mag abroad tay.Kung sakali bang makatapos ako ng pag aaral,papayagan mo akong mangibang bansa?_Sassy.Ngayon ko lang nadinig kay Sassy na gusto pala nyang mangibang bansa kaya nagulat ako.
"Aba OO naman anak!Kung iyun ang gusto mo at kung iyun ang makapagpapasaya sayo,sino ako para humadlang?Basta magtapos ka muna ng pag aaral._Tatay.Saka ngumiti kay Sassy at sa akin.
"Opo tay,Wag kang mag alala.Magsisipag ako mag aral para makapag trabaho din ako sa VAL gaya ni kuya Sam at Ate GD._Sassy.Ayun naman pala,may pinag hugutan.Di naman masyadong idol si GD at dun din naisipang magtrabaho.
"Ano namang trabaho ang aaplyan mo sa VAL kung sakali?Engineering din ba ang kukuhanin mo sa college?_AKO.
"Sympre FA ate.Sa ganda kong ito,sayang naman kung sa puchu puchung kumpanya lang ako magwo work noh!_Sassy.
"Aba aba!May pa puchu puchu ka pang nalalaman?Alalahanin mo,kahit na anong klaseng trabaho basta marangal dapat mong ipagmalaki noh.
Anong FA ka dyan,mahal kaya ng tuition ng Tourism.Akala ko ba nuon gusto mo mag teacher ha?_AKO."Ate naman,di ba pwedeng mag upgrade?Sympre habang papalapit na ang graduation ko,saka ko narealize na gusto ko pa lang magtrabaho sa eroplano.Pero ang mahal nga ng tuition fee ng Tourism ate kaya baka Education na nga lang._Sassy.Saka ako natawa sa pabago bago nyang isip.
Pati tuloy si tatay natawa sa amin."Hahahhha.Kayo talagang magkapatid,magulo mag usap.Ikaw naman Sassy,wag mong nilalalang ang pag tuturo.Mahirap ang maging guro baka akala mo.Basta kahit na anong course ang pag aralan mo,susuportahan ka namin ng mga kapatid mo._Tatay.
Pagtapos maghugas ng pinggan ni Sassy,saka naman ako naglaba ng uniform ko.Pagkasampay ko ng nilabhan ko,saka ako nahiga na sa kama at nagbasa basa muna habang nagpapa antok.
●●●●●●
Maaga pa lang puno na ang stadium sa aming mga empleyado ng CK Mall.
Magkakatabi kami sa upuan nila Dess at Joyce at nagkukwentuhan habang di pa nagsisimula ang seminar.Ilang minuto pa ang nakalipas saka sabay na dumating sila Miss Vi at si Camilla na pusturang pustura na akala mo sya ang may ari ng buong mall."Ladies and gentlemen,Bago tayo magsimula sa seminar.Nais ko na munang ipakilala ang ating Executive chief na si Miss Sydney V.
at sympre ang ating masipag at magandang Executive FD na si Miss Camilla._Emcee.Gay na kasama sa mga magsiseminar sa amin.
Nagpalakpakan naman ang lahat pagkatapos silang maipakilala sa amin."Mama mia!Itsura naman ng pormahan ni Bruhilda Camilla,Akala mo baklang rarampa sa sagala.Wala naman sa lugar yung suot nya._Melissa(nasa tabi din namin sya)
Naka dress kasi sya na parang long gown ang style tapos may feather yung likuran.Madami kaming magkakatabi sa isang hilera kaya medyo maingay sa pwesto namin."Hahahha.Yan daw ang fashion sa Italia.As if naman nasa Italy sya eh napaka init dito sa atin.Baka may pinatatalbugan dito kaya nagsuot ng ganyan._Yanna.Nasa trendy boutique sya naka assign.Nagtitinginan at nakikinig lang kaming tatlo pero hindi naman nagsasalita.
"Ang ingay nyong dalawa,baka madinig kayo na nagtatawanan.
Wag nyo na lang tignan.Dun tayo mag focus sa seminar._AKO.Saway ko sa dalawang maingay.
Sa totoo lang,nakaka antok talaga yung speaker kaya wala namang masyadong nakikinig sa kanila sa harapan.Pero kaming tatlo naman nila Dess at Joyce ay nakikinig mabuti."Kayong tatlo dyan sa likod,Kanina pa kayo tawanan ng tawanan!Get out of this room kung ayaw nyong ako mismo ang humila sa inyo!_Miss Camilla.Saka sila lahat napalingon sa amin.
"Pero Ma'm hindi naman po kami nagtatawanan.Nakikinig po kami sa nagsasalita sa harapan._Joyce.Agad syang tumayo para magpaliwanag.
"So ako pa ang lumalabas na sinungaling ngayon?Pagpasok ko pa lang kanina,sa akin na kayong tatlo nakatingin at saka nagbubulungan.
Tapos saka kayo tatawa habang nakatingin sa akin.Akala nyo di ko kayo mapapansin?_Miss Camilla.Gamit pa yung mike habang nagsasalita."Bakit ka naman namin pagtatawanan ma'm,May nakakatawa ba sayo?
Sa dinami dami namin dito na nagtatawanan at nagbubulungan,dapat lahat kami pagalitan at palayasin nyo bakit kami lang?_Dess.
Na hindi na din nakatiis at nagsalita na."Kayong tatlo kasi,madalas kong makita na masama ang tingin sa akin.
Kaya hindi naman nakakapagtaka na ako ang topic nyo mula pa kanina.
Palibhasa,naiinggit kayo sa fashion ko at wala kayong pambili ng mamahaling damit gaya ng suot ko!_Camilla.Saka naman tumayo si Sydney para awatin si Camilla."Camilla thats enuf.Kumalma ka lang.Sa opisina na natin yan pag usapan wag dito.Kayong tatlo,sumunod kayo sa akin sa opisina ko._Sydney.
Saka kinausap yung mga namamahala sa seminar na ituloy lang ang pagsasalita."Miss Sydney,Pasensya na po sa abala.Sa totoo lang po,hindi po talaga namin sya pinagtatawanan.Ni hindi nga kami tumitingin sa kanya._Ako.
Andito kami sa office nilang dalawa.
Malaki yung opisina nila at may malaking space sa gitna na parang dance floor ang disenyo.
May mamahaling chandelier sa itaas at saka may bar counter sa gilid."Hah!Sa palagay nyo ba,mas maniniwala si Syd sa inyo kesa sa akin ha?
Tell me Sydney,Sinong paniniwalaan mo sa amin?
Pinaka magaganda sa buong Sales team?Pwe! Bukod sa mukha at yaman,wala ng iba pang gaganda pa sa akin._Camilla.
Saka punta sa bar at kumuha ng alak."Camilla ano ba,Wag kang uminum habang nasa oras ng trabaho.
Baka magalit ang mommy kapag naamoy kang lasing!
At saka isa pa,Hindi naman kailangang ipahiya mo itong mga empleyado ko sa madaming tao dahil naiinsecure ka lang sa ganda nila._Miss Sydney."The hell I care!Nabubwisit ako sa kanilang tatlo eh,lalo na itong nasa gitna.Luma at kupas na ang uniporme,maganda pa din sa paningin ng lahat.That's bullshit!_Camilla.Saka ako nilapitan at tinitigan.
"Bukas na tayo mag usap girls,Magsibalik na kayo sa mga pwesto nyo.Ako na ang bahala dito._Miss Sydney.Saka kami lumabas na tatlo sa opisina.
"Ibang klase din naman pala yang si Camilla eh.Dahil lang sa tayong tatlo ang paborito ng mga empleyado dito kaya sya galit sa atin?_Dess.
"Ganyan talaga yang mayayaman,masyadong sakim.Gusto lahat makuha at magkaroon sila.Kasalanan na pala ngayon ang maging maganda.
Ngayon lang ako nakatagpo ng taong ganyan ka inggitera._Joyce."Para tuloy ayoko na syang makasalubong at makita ulit.Baka sa susunod hindi lang sigaw at panglalait ang gawin nya sa atin eh._AKO.
Kailangan naming mag ingat sa kanya.Pakiramdam ko hindi lang basta pagka inggit ang nararamdaman nya.Parang may sakit yata sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...