Ethan
Today is Nina's Birthday. As usual, I got her a bouquet of pink roses. Favorite niya ang pink at favorite niya ring binibigyan siya ng bulaklak.
Parati siyang tuwang-tuwa sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Hindi nauubos ang kanyang mga ngiti at ang kinang sa kanyang mga mata na parang parati siyang muling ipinapanganak tuwing May 28.
For the past 5 years ay parati kaming magkasama. Siya ang pinakaunang babaeng itinuring kong best friend.
Para sa akin, Nina is the best girl in town. She's quite an adventure. Hindi ako naboboring kapag kasama ko siya; parati siyang may bagong ipinapakita. Kung tapang lang din naman ang pag-uusapan, siya na yata ang pinakamatapang sa lahat.
Parati akong napapangiti sa tuwing maaalala ang mga napagdaanan naming lahat. Nakailang suntukan na ba ang nasalihan ko ng dahil sa kanya? Kahit masaktan ako ng paulit-ulit ay ayos lang basta para sa kanya. Tanging nasa isip ko lamang ay ang protektahan siya.
Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong protektahan ang mga kaibigan ko.
Simula nang makilala ko siya at matulungan niya ang pamilya ko lalong lalo na si Jenny ay ipinangako ko sa aking sarili na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa dumating ang panahong makabalik siya sa sarili niyang buhay.
She deserves her life back. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya bilang si Celine, it's high time for her to get her reward.
We celebrated her birthday the whole day. Nakakapagod pero masaya. Alam kong masaya si Nina pero mas magiging masaya siguro siya kapag nandito si Reyden. Kung bakit ba naman kasi masyadong sineseryoso ni Reyden ang trabaho niya?
Nakiusap si Nina na sunduin namin si Reyden sa airport. Paano ako hihindi sa kanya, kitang-kita sa kanyang mga mata kung gaano niya kagustong makita ang lalaking kanyang minamahal. Actually, patay na patay talaga siya kay Reyden.
Pagkatapos naming manood ng sine ay dumiretso na kami sa airport. Hindi mapakali si Nina. Anong problema niya? Kanina pa siya lakad ng lakad pabalik balik.
Wala kaming ginawa ni Ate Bel kundi ang panoorin siya. Pinagpapawisan siya at halatang halata ang tensyon na bumabalot sa kaniyang katawan.
Nagpaalam siyang pupunta sa ladies room.
"Ate Bel, problema non?" Takang-taka kong tanong sa katabi kong si Ate Bel.
"Tsk. Alam mo naman 'yan, pagdating kay Reyden nawawala sa sarili." Biro ni Ate Bel sabay ngisi.
Napangisi rin ako. Sabay kaming natawa ni Ate Bel. Pagdating sa kalokohan at biruan, si Ate Bel ang kasangga ko. Hindi ko alam pero sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Bukod kay Nina, isa siya sa mga dahilan kung bakit masaya ang buhay ko ngayon.
Inabot kami ng mahigit isang oras kahihintay dahil sa delayed na arrival ng eroplano. Nabigla na lang kami ni Ate Bel nang biglang tumakbo si Nina papasok sa arrival area kahit alam naman niyang bawal pumasok doon.
What is she doing, again? Minsan hindi talaga namin mahulaan ang gusto niyang gawin. Ganoon ba siya kasabik na makita si Reyden?
Pasimple namin siyang sinundan. Buti na lang walang guard na nakakita at sumita sa amin. Nakita namin silang magkayakap ni Reyden sa dulo ng hallway. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang tulalang mukha ni Reyden. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Agad kaming lumapit ni Ate Bel.
"Nina.." Pag-aalala kong tawag nang makita kong wala siyang malay.
Panandalian akong nakaramdam ng kaba hanggang sa sabihin ni Ate Bel na okay lang siya. Nawalan lang siya ng malay.
Napabuntong-hininga ako. Basta si Ate Bel ang nagsabi, okay na ako.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Misterio / SuspensoBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!