Nina
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Ethan nang tumingin siya sa akin.
"You're making me confused!" Gigil niyang sabi.
"Ethan, please just go with them." Pakiusap ko sa kanya.
Tinitigan niya ako gamit ang nangungusap niyang mga mata pero hindi siya nagsalita.
"Naaalala mo ba kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito, kung bakit ako nagpapakahirap para matapos ang misyon na hindi ko naman sigurado kung totoo o hindi?"
Huminga ako bago nagpatuloy.
"Lahat ng ito ginagawa ko para makasama kong muli ang pamilya ko, para makabalik ako sa mundo kung saan talaga ako nararapat. Ethan, napakaswerte mo kung tutuusin dahil nandyan ang pamilya mo at kasama mo sila. Please, huwag mo naman silang pabayaan." Patuloy kong pakiusap.
Tumingala siya habang sabunot ang kanyang buhok.
"Nina, I really don't want to go. Hindi kami pareho ng sitwasyon ni Reyden. Umalis siya ng walang baong problema dahil hindi naman niya alam ang totoo. Sa palagay mo ba iiwan ka niya kapag nalaman niyang ikaw si Nina? Hindi di ba! Ganon din ako, hindi ko kayang iwan kayo lalo na ngayong alam kong nasa panganib ka." Pagmamatigas pa rin niya.
"Ethan, alam kong mahalaga ako sa 'yo at nag-aalala ka para sa akin pero kaya ko ang sarili ko. Kakayanin namin ito ni Ate Bel kahit wala ka." Sabi ko.
Alam kong nasasaktan si Ethan dahil ipinagtatabuyan ko siya pero kailangan kong gawin ito dahil ito ang alam kong tama.
"Nina, I know you need me." Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.
"Your family needs you more than I do!" Usal ko habang mariing nakatitig sa kanyang mga mata.
Pumikit-pikit ang kanyang mga mata. Pinipigil niyang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"But I made a promise, I promised to stay by your side hanggang sa makabalik ka sa katawan mo." Desperado niyang pagdadahilan.
"If that promise is keeping you here, then listen Ethan; promises are made to broken especially if we need to make a choice. Family comes first. I won't hold a grudge ng dahil lang sa isang pangakong hindi mo natupad. Mas sasama ang loob ko kapag pinili mo kami over them dahil araw-araw kong iisipin na inagaw kita sa kanila." Buo ang loob kong paliwanag sa kanya.
Hindi siya umimik. Binitawan niya ang mga braso ko at parang walang buhay na inilaylay ang kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran
Mariin niyang kinagat ang kanyang labi. Umagos ang luha sa kanyang mga pisngi.
"I don't want to leave you behind." Mahina niyang usal habang paimpit na umiiyak.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
"You're not leaving us behind; you're just temporarily going somewhere far. Babalik ka naman di ba? Nandito lang naman kami ni Ate Bel." Pampalubag loob ko.
"Kapag sumama ako bukas, hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. Come with me!" Sabi niya.
Mukhang hindi na siya makapag-isip ng maayos.
"Alam mo namang hindi pwede." Marahan kong sagot.
Napayuko siya.
"Ethan, do this for your family and as a favor from your ghostly friend." Nakangiti kong sabi.
Pinahid ko ang mga luha sa kanyang pisngi.
Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.
Matagal niya akong tinitigan bago siya muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!