CHAPTER 8: SO DIFFERENT

1.7K 136 18
                                    

This chapter is dedicated to the 10 readers who commented in the previous Chapter! Thank you for your unending support!!

--------------------------------------------------------------------------

Reyden

Ilang araw na ang lumipas matapos bumalik si Celine. Ilang araw na akong hindi makatulog ng mahimbing kaiisip kung ano ang dapat kong gawin. Simula nang sabihin niyang bigyan ko siya ng space ay nagkasya na lang ako sa pagtanaw tanaw sa kanya.

Pilit kong itinatago ang nararamdaman kong pangungulila. Gustong-gusto ko siyang makausap, makasama, mayakap pero ramdam na ramdam ko ang parang napakataas at napakakapal na pader sa pagitan naming dalawa.

Sa tuwing magkakasalubong kami ay tanging tipid na ngiti sabay kaway ang kaya kong ipakita para lang sundin ang gusto niyang mangyari. Ayoko namang lalo siyang lumayo sa akin kapag pinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya sa panahong ito. Baka kailangan niya lang ng oras at ng panahon para maalala ang lahat.

Pinagpatuloy ko ang takbo ng buhay ko kahit nasasaktan ako. Pumapasok ako sa opisina kahit wala akong gana. I really feel empty inside.

Bumalik si Celine pero parang nawala silang lahat. Nawala si Nina, si Ate Bel, at si Ethan. Hindi ko gaanong nakikita si Ate Bel sa katabing bahay; sa opisina ko lang siya nakakasalubong. Sabi niya madalas siyang hindi makakauwi sa mansyon dahil inaalagaan niya ang bestfriend niya.

Si Ethan naman ay hindi ko pa rin nakikita magmula nang makita ko siya sa ospital.

Hindi pwedeng ganito na lang parati. Hanggang kailan ko kayang iwasan si Celine dahil lang sa sinabi niya noong nakaraang araw.

Pinatawag ako ni Tito sa loob ng mansyon, sabayan ko raw silang magbreakfast ni Celine. Sumilay ang pag-asa sa aking mukha. Pagkakataon ko nang muling mapalapit sa kanya.

Agad akong tumungo sa dining area. Nadatnan kong masayang nagkwekwentuhan sila Tito at Celine.

"Good morning!" Bati ko.

Binati nila ako pabalik. Nasilayan ko ang mga ngiti sa labi ni Celine. Mabuti naman at maganda ang kanyang mood ngayong araw.

Umupo ako sa tapat niya. Nagsimula kaming mag-agahan.

Inabot ko kay Celine ang platong may lamang bacon and ham. Alam kong paborito niya itong almusal.

Napangisi ako nang tanggihan niya ito.

"I'm on diet. I prefer this one." Sabi niya sabay kuha sa fresh vegetable salad.

"Really? Kelan ka pa nahilig sa vegetables?" Pagtataka kong tanong.

Napakamot siya ng ulo. "Come on Reyden, I really like vegetables ever since." Sagot niya.

Napalunok ako. Masyado na bang matagal na panahon ang lumipas para makalimutan ko kung ano ang mga bagay na gusto ni Celine o masyado lang akong nasanay kay Nina. Nakakapanibago.

Dumaan ang isang katulong na may hawak na isang bungkos na bulaklak sa bandang likuran ni Celine. Agad nagtakip ng kanyang ilong si Celine sabay bahing.

"Excuse me, I'm really allergic to flowers." Sabi niya sa katulong na agad na lumayo sa kanya dala ang mga bulaklak.

Napansin kong naluluha-luha ang kanyang mga mata. Allergic ba talaga siya sa bulaklak o psychological lang?

"I'll just get my meds." Sabi niya sabay akyat sa kanyang kwarto.

Wala kaming nagawa ni Tito kundi ang sundan siya ng tingin.

"You'll get used to it." Basag ni Tito sa katahimikan.

-----------------------------------------------

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon