"Ate Bel, nandito ba ang mga multo?" Tanong ko sa kanya habang paakyat kami sa ikalawang palapag.
"Wala, lumalayo ang mga multo kapag lumalapit ka." Sagot niya.
"Why are you scared of them?" Tanong ko.
"It's not actually being scared, worried is the better term." Sagot niya.
"Why?"
"Spirits linger around me. Alam nilang nakikita ko sila. Hindi nila ako titigilan hanggat hindi ko sila natutulungan." Sagot niya.
"Hindi ka ba masaya kapag may natutulungan kang multo?" Curious kong tanong.
"Depende. Hindi na sila tao Nina, they are still here dahil sa galit. Some spirits tend to hurt me kahit tulungan ko pa sila. When we were separated for more than a month, I actually helped 3 spirits; one of which tried to kill me para maisama niya ako sa kabilang buhay." Seryoso niyang sagot.
Natigilan ako sa huli niyang sinabi. "Can they really do that?"
"Yup, they can do that sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa akin lang nila kayang gawin." Sagot niya.
Inabot ko ang kanyang siko para patigilin siya sa paglalakad.
"I'm sorry Ate Bel. I wasn't there to help you!" Sambit ko. Bigla akong nakonsensya; hindi ko man lang naisip noon na meron siyang pinagdadaanan.
Napangiti siya. "Ano ka ba, matagal na 'yon. I've been living like that ever since. I'm just thankful na nakilala kita dahil nabawasan ang panggugulo nila." Paliwanag niya.
"Ate Bel, ayaw mo ba talagang hanapin ang mga magulang mo?" Nagbabakasakali kong tanong.
Muli siyang ngumiti. "Tapusin muna natin ang misyon mo, kapag nakabalik ka na sa sarili mong katawan tsaka natin hanapin ang mga magulang ko." Sagot niya.
"Okay, sige." Tangi kong nasabi sabay tango.
Pinihit ni Ate Bel ang unang pintong aming nadaanan, kwarto ni Kade.
Bumungad sa amin ang kama at mga kagamitang natatakpan ng puting tela, maalikabok at puno ng agiw ang loob ng silid. Kelan ba huling nabuksan ang kwartong ito?
Hinawi ni Ate Bel ang mga agiw at mabilis na binuksan ang bintana para makapasok ang sariwang hangin.
Naglinis kami ng kaunti para mabawasan ang alikabok at dumi. Tinanggal namin ang mga puting tela na nakatakip at isinampay muna sa veranda.
Napakaayos ng pagkakasalansan ng mga gamit sa silid. Halatang-halatang naasikaso ang pagkaka-pack ng mga ito nang pumanaw si Kade.
Isa-isa naming binuksan ang mga drawer. Walang laman ang mga ito. Nakita ko ang isa pang built-in cabinet sa bandang gilid. Binuksan ko ito. Puno ito ng mga karton na pinaglagyan ng mga gamit ni Kade; mga damit, sapatos, laruan, comic books, libro, gaming paraphernalias, at kung anu-ano pa.
Wala naman akong nakitang kakaiba sa kanyang mga kagamitan. Ibinalik namin lahat ng mga gamit kung paano namin ito kinuha.
Sunod naming pinuntahan ang katabing silid.
"Guess this is my room." Sabi ko kay Ate Bel.
Bumungad sa amin ang maalikabok at maagiw ding silid. Ang pinagkaiba lang sa silid na ito ay para itong napabayaan. Walang takip na tela ang kama at ang mga furnitures. Parang walang nag-ayos nito bago iwan.
Pumasok ako sa loob. Napakapamilyar ng pakiramdam. Hinawakan ko ang mababang cabinet na may salamin sa itaas. Nakita ko ang aking sarili.
Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Sinimulan uli naming magpagpag at maglabas ng mga kobre kama.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!