Nina
"No need to rush. Natapos na nila Ate Bel at Ethan yung mga kailangang gawin sa ospital. Nasa morge na si Tito." Balita ko kay Reyden.
Napatingin siya sa akin.
"Really? Then I need to call the funeral-"
"I already did that. Okay na ang lahat. All you need to do is grieve." Marahan kong balita sa kanya.
Natameme siya. Mukhang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Nginitian ko siya. "Just eat first." Yaya ko sa kanya sabay lapag ng ulam sa mesa.
Hindi pa rin siya kumikilos sa kanyang kinatatayuan. Humarap ako sa kanya.
"Hey!" Sabi ko sabay kaway ng aking kamay sa kanyang paningin.
Inilapag niya ang hawak niyang in-can sa ibabaw ng ref.
Humakbang siya palapit sa akin sabay kawit ng kanyang braso sa aking baywang. Sumunod na pumulupot sa aking likuran ang isa niya pang kamay.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ko na nagawang pigilan siya dahil mukha namang gusto niya lang talaga akong yakapin.
Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang aking sarili at nagpaubaya na lang sa yakap niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at inihilig ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang likod at gumanti ako ng yakap.
Lulubos-lubosin ko na ang pagkakataong ito dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit siya mayayakap ng ganito o kung mayayakap ko pa ba siyang muli pagkatapos nito.
Matagal kaming magkayakap hanggang sa inilayo niya ang kanyang mukha at hinawakan ang aking batok. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang labi sa aking labi.
Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kakaiba ang kislap ng mga ito na parang meron siyang gustong kalimutan sa pamamagitan ng paghalik niya sa akin.
Iniwas ko ang aking mukha. Dumapo ang labi niya sa aking pisngi. Tama na ang ilusyon, Nina!
"Pwede mo kong gawing panakip-butas, just don't kiss me on my lips." Bulong ko sa kanya.
Ayokong halikan niya si Mia, dahil hindi ako si Mia. Gusto kong maranasan ang first kiss ko kapag nakabalik na ako sa sarili kong katawan.
Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.
"I'll keep that in mind." Bulong niya.
Kumawala kami sa isa't isa. Umupo siya sa silya sa harapan ng dining table at ipinagpatuloy ang pag-inom niya ng softdrink.
"Don't you feel anything strange?" Tanong niya sa akin nang mailapag ko ang mainit na kanin sa mesa.
Strange? May mas strange pa ba sa pagpayag kong maging panakip-butas?
"Wala naman." Sagot ko.
"Don't you feel anything weird?" Tanong niyang muli na nakatitig sa pagkain at hindi sa akin.
Weird? May mas weird pa ba sa mga tanong niya habang wala siyang suot ng damit?
"Wala naman." Sagot kong muli.
"Don't you feel any presence, something like a ghost or whatever?" Tanong niya.
Napatingin ako sa kanya. "I don't believe on those things." Mariin kong pagsisinungaling.
Natawa siya. "Yeah, namalikmata lang siguro ako." Pabulong niyang usal.
Tinikom ko ang aking bibig. Paninindigan ko na ang desisyon kong hindi sabihin sa kanya. Ayoko na siyang madamay pa sa mga problema ko.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!