CHAPTER 39: KILLER

1.4K 117 9
                                    

"Droga anak. Pasensya ka na sa gulong dinulot ko. Pati kayo ng Mommy mo nadamay." Sabi niyang may bahid ng pagsisisi.

"Dad hindi ba pwedeng sumuko ka na lang sa mga pulis?" Naluluhang tanong ni Eve.

"Hindi pwede anak, pareho lang tayong mamamatay kapag ginawa ko 'yon." Sagot ng Daddy niya.

kinuha ko ang cellphone at pinatay ang loud speaker. Inabot ko ito kay Eve at lumayo para bigyan siya ng privacy sa pakikipag-usap sa kanyang ama. Alam kong mahal na mahal ni Eve ang kanyang mga magulang kahit sabihin pang may maling ginagawa ang tatay niya.

Tumungo ako sa pinto at sumandal sa hamba nito.

Paano ko malalaman kung nasaan ang mga bagay na kailangan nila? Saang lupalop ng mundo ko hahanapin ang mga iyon! Paano kung wala naman talagang alam si Mia. Napasingkit ang mga mata ko. Naalala ko ang panaginip. Hindi kaya ang sinasabing regalo ng tatay niya at ang ebidensya at kargamento ay iisa?

Sumilay ang konting pag-asa sa aking mukha.

Muli akong napaisip. Pinagmasdan ko si Eve at si Boy na nakaupo sa sala. Sumagi sa isip ko ang posibleng mangyari. Nanlaki ang aking mga mata. Oo nga pala!

Hindi kami pwedeng magtagal dito sa compound. Bakit ba ngayon ko lang naisip na pwede nila kaming matunton dito!

Nagmamadali akong umakyat ng kwarto. Naglagay ako ng konting gamit sa bag at kinuha ko ang cellphone na bigay ni Gani.

Bumaba akong muli.

"Guys, tara na! Hindi tayo pwedeng magtagal dito!" Tawag ko sa kanila.

Napatingin sila sa akin. Nagtataka.

"Alam ni Nanay Conching na kaibigan ko si Ate Bel at alam din niya kung saan nagtratrabaho at nakatira si Ate Bel. Hahanapin tayo ng mga lalaking 'yon sa mga lugar kung nasaan si Ate Bel." Mabilis kong paliwanag sa kanila.

Pagkarinig nila sa sinabi ko ay agad silang tumayo at mabilis kaming lumabas ng quarters. Binilin ko sa guard na hindi na ako babalik sa quarters dahil uuwi na ako sa probinsya at nagresign na rin ako sa kumpanya.

Lumakad kami hanggang sa intersection at doon pumara ng taxi.

Tinawagan ko si Ate Bel.

"Ate Bel! Umalis ka na sa mansyon. Bakantehin mo ang quarters, hindi na tayo ligtas sa lugar na iyon. Huwag ka ring pupunta ng orphanage. Alam na nila kung nasaan si Eve at kung nasaan ako. Tatawag ako mamaya kapag nakahanap kami ng pwede nating pansamantalahang tirahan." Tuloy tuloy kong sabi sa kanya.

Sumang-ayon siya sa lahat ng sinabi ko.

Naghanap kaming tatlo ng mauupahang bahay. Nakarating kami sa bandang Pasay. Pagkatapos ng ilang ulit na pagtatanong ay nakakita kami ng isang bakanteng apartment sa second floor ng isang gusali, maliit at luma na ito na may dalawang kwarto.

"Pwede na tayo rito pansamantala." Sabi ko sa kanila.

Inilapag ko ang backpack ko sa silya. Walang laman ang apartment kundi mesa, silya, kabinet, at mga kama.

"Pasensya na, dito muna tayo. Ito lang ang kaya ng budget ko." Nahihiya kong sabi sa kanila.

"Ate talaga oh, nagjojoke. Mas maganda naman 'to kesa sa gilid ng kalsada." Puri ni Boy.

Napangiti ako. "Thank you nga pala kanina, buti na lang binalikan niyo ako."

"Mia, bakit hindi mo na lang sabihin kung nasaan ang kargamentong kailangan nila?" Sabat ni Eve.

Napatitig ako sa kanya. "Kung alam ko lang sana kung nasaan, sinabi ko na sa kanila." Diretso kong sagot.

"Ibig sabihin, hindi mo rin alam kung nasaan!" Nakamulagat niyang sabi.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon