"I'm out of here!" Bulong ko sa aking sarili pagkatapos mag-time out sa supermarket.
Nagmamadali akong lumabas dahil may usapan kami ni Ate Bel na magkikita pagkatapos ng trabaho. Ilang araw na ang lumipas at patuloy ang pagdaan ng oras.
Nagsimula kaming gumawa ng meal plan para makapag-diet. Kung mababang self-esteem ang problema ni Jane, ang kailangan ko lang gawin ay pataasin ito. Kaya ang unang hakbang, magpapayat.
Nagkita kami ni Ate Bel at pumasok sa isang gym na ilang kanto ang layo sa aming apartment. Napanganga kami nang makita ang loob ng gym hindi dahil sa naggagandahan nitong facility kundi dahil sa mga magagandang katawan na aming nakikita.
Tumingin sa akin si Ate Bel. "This is heaven on earth, Nina!" Bulong niya.
"Yeah, I agree with you!" sabi ko sabay birong punas sa aking bibig.
"May I help you?" Magalang na tanong ng isang lalaki na nasa aming likuran.
Sabay kaming napalingon ni Ate Bel. Lalo kaming napanganga nang makita ang gwapo at machong lalaki na nakasuot ng sando na hapit na hapit sa maganda niyang dibdib at abs na tinernohan ng commando shorts na hanggang tuhod.
"Hi!" Agad na sabi ni Ate Bel.
"We're here to enroll, something like that." Sabi ko.
"Okay!" Sabi niya sabay tingin sa amin mula ulo hanggang paa. Alam kong natatabaan siya sa aming dalawa.
"This would be hard work!" Komento niya sabay kindat. "Come on, I'll help you with everthing!" Sabi niya sabay tungo sa front desk.
Ang pangalan niya ay Franco, siya ang may-ari ng gym. Siguro nasa early thirties siya. Sa kayumangging kulay ng kanyang balat at itsura ng kanyang mukha ay mahahalatang hindi siya pure American; may lahi siyang Mexican.
"Here you go ladies, just fill this out and you're good to go!" Nakangiti niyang utos.
Nang matapos kami ay agad niya akong ipinakilala sa magiging training coach ko, her name is Letty, isang babae.
Nginitian ako ni Ate Bel na parang nang-aasar dahil ang magiging coach niya ay si Franco mismo. Nginisian ko siya at inikutan ng mata. Feel na feel niya ang gwapo niyang coach, kaasar!
-----------------------------------------------------
1 week later.
Nasa harap ako ng computer at nag-eencode ng inventory report nang maramdaman kong tumabi sa akin si Boss Dave. Idinantay niya ang kanyang kamay sa desk at inilapit ang mukha niya para makita ang monitor.
"You're doing great!" Puna niya.
"Thank you." Sagot ko.
Napasinghap ako nang maamoy kong muli ang napakabango niyang pabango. Bakit ba ang lakas ng appeal niya sa akin?
"You look different, did something happen?" Curious niyang tanong.
Tumingin ako sa magaganda niyang mga mata. Ganito ba niya kausapin lahat ng mga empleyado rito?
"I just lost some pounds, I guess." Nakangiti kong sagot.
"That's nice! Let's have lunch together!" Yaya niya.
Bahagyang napakunot ang noo ko. "Why me?" Taka kong tanong.
Bakit ako ang niyayaya niya? Sa gwapo niyang 'yan bakit ang isang matabang katulad ko ang gusto niyang makasamang maglunch; marami namang magagandang babae riyan na halatang may gusto sa kanya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!