Nina
Para akong tuod na hindi gumagalaw habang mahigpit akong yakap ni Gani. Hindi ko inaasahang magkikita kami at mahahanap niya kung nasaan ako nang ganito kabilis.
"I'm sorry! I'm really sorry! Bigyan mo naman ako ng pagkakataong makapagpaliwanag." Pabulong niyang paki-usap. Ang reaksyon niya ngayon ay kaparehong-kapareho noong una kaming nagkita.
Humihingi rin siya ng sorry noon na hindi na niya itinuloy nang malaman niyang hindi ko naman naaalala ang lahat.
Binitiwan niya ako at hinaplos ang magkabila kong pisngi. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo.
"I'm really sorry. Natakot akong aminin sa'yo noon na binaril kita dahil baka iwasan mo ako." Usal niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'ts okay. I'm sorry, I doubted you for the second time." Sabi kong titig na titig sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti. Muli niya akong niyakap.
"Tara na, doon niyo na ituloy 'yan!" Biro ni Ate Bel sabay turo sa sala.
Isinara ni Reyden ang pinto at hinayaan na tumuloy si Gani sa loob.
"So, do you want to confess everything!" Matapang na sabi ni Reyden.
"Sasagutin ko lahat ng gusto niyong malaman." Mapagpakumbabang sagot ni Gani.
Magkakatapat kaming umupo sa sofa. Napansin kong kinuha muli ni Reyden ang usb at papel na inilapag niya kanina sa center table at isinilid ito sa kanyang bulsa.
"Bakit mo binaril si Mia?" Tanong ni Reyden.
Tinitigan ako ni Gani. "Para iligtas siya. Kung hindi ko ginawa 'yon, tatamaan siya ng bala sa ulo." Sagot niya.
"Sino si Long hair, yung lalaking gustong pumatay sa akin sa tulay?" Tanong ko.
"Isa siyang hitman." Sagot niya.
"Bakit niya ako naging target?" Muli kong tanong.
"Pinapapatay ka ni Salazar." Sagot niya.
"Pero pinapatay ko rin si Salazar sa kanya." Sabi ko.
"Pera-pera lang siya Mia, papatayin naman talaga niya si Salazar pero hindi natuloy nang alukin siya ng mas malaking halaga ni Salazar." Sagot ni Gani.
Kaya naman pala buhay si Salazar. Kinuha lang ni Long hair ang perang nagkakahalaga ng 20 million pagkatapos ay tinanggap niya ang trabaho na patayin ako. Napakatuso niyang tao!
"Paano mo nalaman ang lahat ng 'yan?" Dudang tanong ni Reyden.
"Hawak ni Salazar ang grupo nila Antonio at Valdez kaya nabalitaan ko sa kanila." Sagot ni Gani.
"Sino yung lalaking kasama mo noong gabing nagkita tayo sa eskinita?" Tanong ko.
"Si General 'yon. Nagkita kami para sabihin niyang walang laman ang ibinigay kong usb." Sagot niya.
"Binuksan mo ba ang usb bago mo ibinigay sa kanya?" Tanong ni Ate Bel.
Umiling si Gani. "Ang misyon ko lang ay dalhin sa kanya ang kahit anong ebidensiyang magtuturo sa kinaroroonan ni Salazar. Si Salazar ang leader ng pinakamalaking sindikato rito sa Maynila na matagal na naming sinusubukang hulihin."
"Ibig mong sabihin, hindi mo naman talaga nakita kung walang laman ang usb." Paniniguro ni Ate Bel.
Tumango si Gani.
"Anong sabi ni General nang malaman niya ngayon na wala na ulit sa'yo ang isa pang kopya ng usb?" Tanong ni Reyden na parang may gusto siyang tumbukin.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!