Nagtago ako sa kasunod na hilera ng mga lockers.
"Kadadaan lang ni Mia para kunin ang laman ng locker." Boses ng Tita ni Mia na kasama pala nila.
Narinig kong lumapit siya sa locker at ginalaw ang lock. Bumukas ang lock at binuksan nila ang locker.
"See, wala ng laman." Sabi ni Tita.
Walang laman ang locker? Napasimangot ako. All those effort na ginawa ko ay wala palang silbi! Hindi ito pwedeng mangyari!
Bahagya akong sumilip nang marinig kong palabas na sila. Nakita kong nakaunipormeng asul ang mga lalaking tumingin sa locker. Mga pulis sila! Pulis nga bang talaga?
Muli akong bumalik sa locker at binuksan ito. Wala talagang lamang kahit ano. Sinuri ko pa ito nagbabakasakaling may kung anong nakasulat pero wala talaga.
Shit! Dead end na naman! Gusto kong iuntog ang ulo ko sa locker na ito. Isinara ko ang locker at ibinalik ang kandado. Paalis na ako nang mapansin kong bumukas ang kandado. Hinawakan ko ito at paulit-ulit na ni-lock at hinila pababa.
Sira ang kandado! Kaya naman pala nabuksan lang ng Tita ni Mia ng walang kahirap-hirap.
Nagmamadali na akong lumabas sa locker room at umalis sa eskwelahan.
Pumasok akong muli sa isang restaurant at umupo.
Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko ang init at ang maalinsangang hangin. Pawis na rin ako at amoy alikabok. Hindi nga pala ako naligo, haist!
Pinikit ko ang aking mga mata habang nakasandal sa malambot na upuan.
Focus Nina! Kailangan mong mag-isip.
Yung nakasulat sa tulay, code iyon ng locker. Gusto ni Mia na mahanap ko ang locker pero wala naman itong laman.
Hindi kaya may nakakuhang iba sa regalong iniwan ng tatay niya? Hindi pwede, dahil kung merong nakakita, hindi na dapat nila ako hinahanap.
Ano ba talaga ang gustong mangyari ni Mia, bakit niya ako pinapunta sa eskwelahang 'yon. Bigla kong naalala ang envelope na inabot ng Tita niya.
Kinuha ko ito sa aking bag. Nakasulat sa likod ng square white envelop ang salitang, TO: MIKAELA
Binuksan ko ang nakaseal pang takip nito. Napansin kong parang nabuksan na ito tapos ay isinara lang muli. Hinugot ko ang nasa loob. Isang post card ang laman.
Ang larawang nasa harapan ay mga bulaklak. Binaligtad ko ito. May nakasulat.
To: Mia
What you seek comes with a price,
Big or small or any of its size.
Lies at the end of all at the heart where I long,
Truth be told but dare no wrong.
From: Sisalliv 04/23/2010
Napakunot ang noo ko. Galing din kay Mia ang sulat. Naalala kong bigla ang facebook account niya, may nakapost doon na sinasabi niyang, I love puzzles.
Napangiti ako. Alam niya talaga kung nasaan ang ebidensya at kargamento.
April 23 niya ito isinulat. May 29 ako nawala sa katawan ni Celine. May 28 nabaril si Mia, araw ng birthday ko.
Nagpunta siya sa eskwelahan na iyon bago pa siya mabaril. Huling nagpunta ang tatay niya sa eskwelahan nang iwan nito ang regalong kanyang sinasabi para kay Mia.
Pagkatapos ng isang linggo. Parang may mali. Ang suot na tshirt ni Mia noong gabing nagpaalam ang kanyang ama at ang suot niya nang sundan niya ito sa pantalan ay iisa. Pareho itong kulay itim na may nakasulat na DIE HARD. Hindi ako maaring magkamali.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!