CHAPTER 7: THE ORDEAL

1.9K 145 44
                                    

Happy New Year to the one reading this as of the moment!! Thank you for being part of my 2018! Hope I Am Nina has also become part of your year!! 

-------------------------------------------------------------

"I told you, you'd be happy." Nakangiting sabi ni Ethan.

"How did you get this?" Manghang-mangha kong tanong.

Napangisi lang si Ethan at hindi sumagot.

"Hwag mong sabihing kinuha mo ng walang paalam?" Panghuhula ko.

"Parang ganon na nga." Sagot niya sabay kamot sa kanyang noo.

"Ikaw talaga, you don't need to go that far." Sermon ko sa kanya.

"Don't worry, Reyden won't know you have it." Sabi niyang parang hindi man lang nag-aalala.

Kinuha niya ang locket at muli itong isinara habang nasa loob pa rin ang maliit na kwintas. Tinanggal niya ang kawit ng lock at isinuot ang kwintas sa leeg ko.

"Just wear it like this, so Reyden won't see the one inside." Payo niya sabay ayos ng kwintas sa bandang itaas ng aking dibdib.

"Ethan, thank you, thank you so much!" Ipinulupot ko ang kanan kong kamay sa kanyang katawan at niyakap ko siya ng mahigpit na ginantihan niya rin ng mahigpit na yakap.

Ano bang gagawin ko kung sakaling wala sila?

Agad akong niyakap ni Ate Bel pagkagising na pagkagising niya. Sinimulan kong ikwento sa kanila ang nangyari sa akin bago kami nagkita ni Ethan malapit sa mansyon.

Nagising akong nakalubog at inaanod ng tubig. Hindi ako makalangoy ng maayos dahil sa sugat sa aking balikat na talagang kumikirot sa sobrang sakit. Hindi ko gaanong maaningag ang paligid; madilim at halos wala akong makitang ilaw at mga kabahayan. Tinangay ako ng agos ng tubig. Tumama ang aking katawan sa mga bato at sa kung anu-anong mga bagay. Pakiramdam ko malulunod na ako at mamamatay ng mga panahong iyon.

Natapos ang aking kalbaryo nang bumaba ang tubig at sumadsad ako sa batuhan. Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa pagod at sakit na aking nadarama. Pagapang akong umusad hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay sa ibabaw ng batuhan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. Paggising ko maliwanag na. Hindi ako makakilos, pakiramam ko bugbog na bugbog ang katawan ko. Nanatili akong nakadapa, wala akong lakas para ikilos man lang kahit ang aking mga daliri.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muli akong nawalan ng malay. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may dumidila sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay napapalibutan ako ng malalaking daga.

Sa sobrang pagkabigla ay paos akong napasigaw. Pinilit kong bumangon. Himala na lang siguro na nakayanan kong maglakad kahit papano. Pinagmasdan ko ang paligid, ang akala kong ilog na tumangay sa akin ay isa palang creek.

Napakadumi at napakabaho ko. Wala akong suot na panyapak at talaga namang mukha akong taong grasa na napapalibutan ng nanggigitatang dumi. Ipinagdasal kong umulan pero hindi nangyari. Tirik na tirik ang sikat ng araw.

Para akong zombie na naglalakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na mapuno. Muli akong umupo at sumandal sa isang malaki at mayabong na halaman. Humihingal na ako at pagod na pagod kahit ilang metro pa lamang ang aking nalalakad mula sa creek.

Namamaluktot na ako sa ginaw at sa nararamdaman kong sakit. Inabutan akong muli ng gabi. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapatuloy. Nakatulog akong muli.

Nagising ako kinabukasan. Pilit kong nilakasan ang loob ko at nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon