Nina
Monday, sa opisina.
"Erica, can you do me a favor?" Tanong ni Dad.
"Yes sir, ano po 'yon?"
"I want you to meet someone at the airport then bring her to her hotel tonight. Make sure she checks in properly, she's a VIP." Utos ni Dad.
"Okay po sir, no problem po. Ako na po ang bahala sa kanya. I just need the details." Bibo kong sagot.
Quarter to seven na at nasa loob ako ng airport para salubungin ang babaeng sinasabi ni Dad. Curious talaga ako kung sino ang susunduin ko rito. Ngayon lang nangyaring ako ang inutusan ni Dad para sumundo sa bisita niya; dati rati ay nagpapadala siya ng mga executives.
Habang naghihintay ay nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Reyden. Agad ko itong sinagot.
Tinanong niya kung nakauwi na ba ako. Sinabi kong hindi pa. Nang sabihin kong ihahatid ko pa sa hotel and guest ni Dad ay agad niyang sinabing susunduin na lang niya ako sa hotel para sabay na kaming umuwi.
Pagkatapos kong sabihin kung saang hotel kami didiretso ay agad na akong nagpaalam.
Napangiti ako. Kahit kailan talaga, napakagentleman ni Reyden.
Maya-maya ay may nakita akong isang babaeng lumabas sa arrival area. Mukhang siya na iyon. Saktong-sakto ang pagkakalarawan ni Dad sa kanyang itsura.
Napakaganda ng kanyang postura at kasuotan. Boy-cut ang istilo ng kanyang buhok na bumagay sa bilugan niyang mukha. Mas maganda siya kesa sa Mommy ni Celine kahit mag kasing-edad lang sila.
Lumapit ako sa kanya. "Good evening Ma'am Grace!" Nakangiti kong bati sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Are you Erica?" Tanong niya.
"Yes Ma'am." Magalang kong sagot.
Mukhang mabait naman siya. Imbes na kamayan ako ay hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi. Nang magprisinta akong magbitbit ng kanyang handbag ay tumanggi siya.
Pinabuhat ko sa driver ang dala niyang maleta at ginabayan siya papunta sa nakapark na sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Pagkapasok niya ay agad ko na itong isinara at sumakay na ako sa tabi ng driver's seat.
Tumuloy kami sa isang 1st class hotel. Inayos ko ang kanyang booking sa reception at inihatid ko na siya sa kanyang kwarto. Nakangiti lang siyang sumusunod sa akin habang palinga-linga sa paligid.
Binuksan ko ang pinto ng executive suite at pinauna ko siyang pumasok. Pagkapasok niya ay iniwan na ng bellboy ang mga gamit sa loob.
"Do you need anything else Ma'am Grace?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "I'm okay hija. Thank you so much!" Sagot niya.
Inilapag niya ang kanyang handbag sa ibabaw ng kama.
"Hija, you can go now. Pasensya ka na at ginabi ka ng dahil sa akin. Sinabi ko naman kay Art na hindi ko kailangan ng sundo." Mabait niyang sabi.
Napangiti ako. "No worries Ma'am. Mauna na po ako. In case you need anything, you can call me anytime." BIlin ko sa kanya.
Tumango siya.
Tuluyan na akong nagpaalam at lumabas ng kwarto.
Pinauna ko nang umuwi ang driver dahil susunduin naman ako ni Reyden.
Nasa entrance na ako ng hotel nang makita kong palapit sa akin si Ma'am Grace. Hinahabol niya pala ako.
"Erica, wait!" Tawag niya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!