Pakiramdam ko nahulog ang panga ko sa pagkakanganga nang makita kong pumulupot ang mga kamay ng babae sa leeg ni Ethan habang ang mga kamay naman ni Ethan ay nasa baywang ng babae. Nagtititigan at nagngingitian silang dalawa na para bang in-love na in-love sila sa isa't-isa.
Oh, shit!
Nagkatinginan kami ni Dave; pati siya ay nagulat sa kanyang nakita. Kung kaming dalawa ay napanganga ng wala sa oras, paano pa kaya si Ate Bel?
Huminga muna ako nang malalim bago ko nilingon si Ate Bel. Nagulat ako nang makita kong walang tao sa likod ng kotse.
Tinapik ako ni Dave sa balikat. "Your friend got some guts!" Bilib niyang sabi sabay turo sa naglalakad na si Ate Bel papunta sa nagyayakapang dalawa.
"What is she doing?" Takang-taka kong tanong sabay hawak sa bukasan ng kotse para bumaba.
Hinawakan ni Dave ang braso ko. Umiling siya. "Sometimes you need to let her do what she wants; for the sake of love." Payo niya.
Hindi ko na itinuloy ang pagbaba kahit nag-aalala talaga ako kay Ate Bel.
Pinanood namin siya hanggang sa malapitan niya ang dalawa. Natigilan si Ethan at ang babae nang tumigil si Ate Bel sa tapat nila.
Hinawi ni Ate Bel ang kamay ng babae sabay singit sa pagitan ng dalawa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Ethan sabay marahas na halik sa labi nito. Matagal na magkalapat ang kanilang mga labi hanggang sa bumitaw si Ate Bel sabay tapon ng matatalim na tingin kay Ethan at sa babae.
Agad tumalikod si Ate Bel pagkatapos niyang halikan si Ethan. Nagmamadali siyang naglakad pabalik sa kotse. Nakita kong hahabulin pa sana ni Ethan si Ate Bel pero pinigilan siya ng babae sa pamamagitan ng isang malutong na sampal sa kanyang kanang pisngi.
"Ow, that hurts!" Komento ni Dave.
Padabog na pumasok si Ate Bel sa kotse.
"Let's go!" Inis niyang utos.
Sinenyasan ko si Dave na paandarin na ang sasakyan. Agad na nag-drive palayo si Dave. Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Ethan na nadaanan namin. Sinusundan niya ng tingin ang sinasakyan naming kotse kahit sinisigawan siya ng babaeng kayakap niya lang kanina.
Anong nangyari Ethan? Nakahanap ka na ba talaga ng iba? Akala ko ba gusto mo si Ate Bel? Nagkamali ba ako? Ako lang ba ang umasa?
Biglang sumagi sa isip ko na ni minsan hindi naman talaga umamin si Ethan na may gusto siya kay Ate Bel.
Nilingon ko si Ate Bel. Tulala siyang nakatingin sa labas ng bintana. Magkahalong pagkadismaya, pagkagulat, panghihinayang, at siyempre sakit ang nababanaag ko sa kanyang mukha.
Napayuko ako sa aking kinauupuan. Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Bakit ako ang nasasaktan para sa kanilang dalawa?
Bumalik kami sa hotel. Agad na bumaba si Ate Bel ng sasakyan at walang lingon-likod na dumiretso sa elevator. Hindi niya kami hinintay kaya napilitan kaming sumakay sa ibang elevator. Hindi na namin siya naabutan sa hallway at nadatnan na lang na bukas ang pinto ng hotel room.
Agad akong pumasok at pinihit ang pinto ng aming silid pero naka-lock ito.
Kumatok ako. "Ate Bel!" Nag-aalala kong tawag.
"I'm here! Just give me a moment." Sagot niya mula sa loob.
Naramdaman ko ang paghawak ni Dave sa aking mga braso.
"Love, give her some space, okay?" Bulong niya.
Humarap ako sa kanya. "I'm really worried about her." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Misteri / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!