CHAPTER 38: CONNECTION

1.5K 129 16
                                    


"Alam mo Ate Bel, tama ka eh. Kung si Mia lang ang nakakaalam kung nasaan nakatago ang ebidensyang magdidiin sa mastermind ng illegal drug operation na ito, dapat matagal na siyang nasa ilalim ng hukay." Nagugulumihanan kong sabi habang magkaharap kami sa hapagkainan at kumakain ng agahan.

"Ano pa bang ibang sinabi ng boyfriend ni Mia?" Tanong niya.

"Yun lang naman ang pinakaimportante. Ang weird niya actually. Feeling ko may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Mia." Kwento ko.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi niya?" Tanong ni Ate Bel.

"Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Nararamdaman ko ring tunay ang pagmamahal niya para kay Mia. Feeling ko mahal din siya ni Mia." Sagot ko.

"Eh di kung ganon, sundin mo na lang muna ang sinasabi niya. Siya lang ang taong pwede mong pagkuhanan ng impormasyon sa ngayon." Payo ni Ate Bel.

Sumang-ayon ako sa kanya.

Pagkatapos naming mag-agahan ay nagbihis na si Ate Bel para pumasok sa opisina.

"Nina, huwag ka munang maglalalabas ng bahay. Uuwi ako agad pagkatapos ng duty ko." Bilin niya.

"Okay Ate Bel. Pupunta lang ako sa orphanage mamaya para bisitahin sila Eve." Paalam ko sa kanya.

"Okay sige, basta mag-ingat ka." Pahabol niya bago siya tuluyang lumabas ng quarters.

Pagkatapos kong magligpit at maglinis ng bahay ay umupo ako sa sofa.

Saan pwedeng itago ni Mia ang ebidensya?

Naalala ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Gani. Umakyat ako sa kwarto at kinuha ito sa loob ng cabinet.

Nakita ko ang nag-iisang numero na nakalagay sa contacts. Huminga ako ng malalim. Wala naman sigurong mangyayaring masama kung tatawagan ko siya.

Pinindot ko ang call button. Itinapat ko sa aking tenga ang cellphone. Nag-ring ang kabilang linya. Nakadalawang ulit itong tumunog bago niya sinagot.

"Anong kailangan mo?" Diretso at seryoso niyang tanong.

Boyfriend ba talaga siya ni Mia? Wala man lang kalambing-lambing ang kanyang boses.

"Itatanong ko lang kung ano ang tunay kong pangalan at kung saan ako nakatira." Mabilis kong sagot.

"Ipapadala ko mamaya. Tatawag ako kapag napadala ko na ang pera." Sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "Ha?" Pagtataka ko.

"Mamaya na tayo mag-usap." Patuloy niya sabay baba ng phone.

Napatitig ako sa cellphone na hawak ko. Napangiwi ako. Anong ibig niyang sabihin?

Sino ka ba talaga, Gani?

Hapon na nang umalis ako sa quarters at tumungo sa orphanage.

Pagkapasok ko sa gate ay napansin ko ang nakapark na isang mamahaling itim na SUV. May bisita ba sila?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napansin ko ang apat na lalaking pawang mga naka-amerikana na nasa loob ng opisina ni Nanay Conching. Nag-uusap sila.

Bahagya akong tumigil para marinig ang kanilang pinag-uusapan.

"May nakapagsabing nandito ang anak ko, Eve ang pangalan niya." Magalang na sabi ng isang lalaki.

Napamulagat ako. Sumilip ako at tinitigan ang nagsalita. Hindi naman siya ang tatay ni Eve!

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa apat na matatangkad at bruskong mga lalaki. Naalala ko ang panaginip; apat na lalaking nakatakip ang mga mukha.

Oh, god! Nandito sila para kunin si Eve!

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon