Ilang oras ang lumipas bago tuluyang tumigil si Ate Bel sa pag-iyak. Kung meron mang taong mas nasasaktan sa pag-alis ni Ethan ay siya na iyon. Sila ang parating magkasama simula pa noon hanggang ngayon. Kahit hindi nila aminin sa mga sarili nila, alam na alam kong higit pa sa kaibigan ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.
Namumugto pa ang mga mata ni Ate Bel nang magsimula akong magsalita.
"Ate Bel, I know you want to have your own time right now, kaya lang kailangan ko kasi ng tulong." Nag-aalangan kong sabi.
Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "Don't worry, okay lang ako." Sabi niya.
"Ate Bel, huwag kang magagalit sa akin. Ang totoo, I'm in big trouble right now." Sabi ko sabay yuko.
Sinimulan kong ikwento sa kanya ang mangyayari mamayang alas sais ng gabi. Taimtim siyang nakinig sa akin katulad ng dati.
Hinawakan niya ang aking kamay pagkatapos kong magkwento. Puno nang pag-aalala ang kanyang mukha.
"Anong kailangan mong tulong?" Tanong niya.
Sinabi ko sa kanya ang plano kong gawin.
"Okay." Mahinahon niyang sabi na halatang iniisip pa rin ang planong sinabi ko.
"Magkita tayo sa harap ng Mall pagkatapos ng habulan." Sabi ko.
Tumango siya. "Basta kahit anong mangyari, huwag kang magpapahuli." Huling bilin ni Ate Bel.
Tumango ako. "It's just the two of us now, Ate Bel. I'll make sure to take care of myself. Simula ngayon isa lang ang iisipin ko, at iyon ang tapusin ang misyon na ito." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Basta parati mo lang alalahanin ang pangako natin sa isa't-isa. Mawala man silang lahat basta tayong dalawa mananatiling magkasama kahit saan kahit kailan." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.
"Thank you, Ate Bel." Buong puso kong pasasalamat.
Muli kong isinuot ang isang itim na hoodie. Nakarating kami ni Ate Bel sa parehong cafe' bandang alas singko y medya ng hapon. Ibinigay ko kay Ate Bel ang mga bagong sim card na sinadya kong bilhin kahapon bago ako umuwi.
Pumasok sa loob ng cafe si Ate Bel habang ako naman ay pumasok sa isang maliit na convenience store sa harap mismo ng lugar kung saan parating nakapwesto si Boy.
Napapalibutan ng glass wall ang store kaya naman tanaw na tanaw ko ang mga nangyayari sa labas. Isinuot ko ang hood sa aking ulo at patuloy na nagmasid.
Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako sa totoo lang.
Mag-aalas sais nang makita kong parating si Boy. Tumigil siya sa kanyang tambayan. Nakita kong nakasunod sa kanya ang lalaking mukhang adik na natadyakan ko noong gabi ng habulan. Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Berto.
Alam kong delikado ang gagawin ko pero kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ang nangyari kay Mia at kung bakit siya hinahanap ng mga lalaking ito.
Humugot ako ng malalim na hininga sabay marahang buga ng hangin sa aking bibig. Hinawakan ko ang kwintas na bigay ni Ethan at Reyden. Umusal ako ng panalangin.
Marahan akong lumabas ng convenience store. Nang makita kong may inabot ang lalaki kay Boy ay inilihis ko na ang hood sa aking ulo at mabagal na naglakad sa sidewalk hanggang sa tumapat ako sa kanila.
Sinadya kong humarap sa kanila para makita nila ako. Tinuro ako ni Boy.
Sumilay ang napakalapad na ngisi sa labi ni Berto habang mariing nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!