Salazar?
Napakunot ang noo ko. Iyon ang taong ipinapatay ni Mia sa kausap niya sa telepono.
"Pero patay na si Salazar!" Habol ko bago makasakay sa SUV si Valdez.
Napatingin siya sa akin. "Anong patay, buhay na buhay siya." Sagot niya.
Napaisip ako ng malalim.
"Mia, salamat sa lahat!" Sigaw ni Eve mula sa bukas na bintana ng SUV.
Ngumiti siya sa akin at kumaway hanggang sa tuluyang maglaho ang kanilang sinasakyan.
Bahagya akong napangiti. Hanggang sa muli nating pagkikita, Eve.
Naramdaman ko ang paghagod ni Gani sa aking likod. Humarap ako sa kanya at hinipo ang marumi at may sugat niyang pisngi.
"I'm sorry I doubted you before." Pabulong kong sambit.
Umiling siya. "Ako ang nagbigay sa'yo ng dahilan para hindi mo ako pagkatiwalaan."
Nginitian ko siya. Muli niya akong niyakap ng mahigpit sabay halik sa aking noo.
"Mia!" Tawag ni Montalban.
Napatingin kami sa kanya. Allergic ba si Montalban sa mga taong nagyayakapan at kanina pa siya pasok ng pasok sa eksena?
"Hindi pa tayo tapos, kailangan pa nating mahuli si Salazar." Sabi ni Montalban.
"Kailangan natin yung ebidensya, Mia." Segunda ni Gani.
Ngumiti ako nang malapad.
"Huwag kayong mag-alala alam ko kung nasaan ang USB." Sabi ko.
Napatingin silang lahat sa akin.
Ngiti lang ang iginanti ko sa kanilang lahat.
Kanina sa tambakan, nang itutok ni Kalbo ang baril sa ulo ko. Nausal ko sa aking sarili na katapusan ko na. Naalala ko bigla ang 4 na linyang tula na minemorize ko.
What you seek comes with a price,
Big or small or any of its size.
Lies at the end of all at the heart where I long,
Truth be told but dare no wrong.
"Lies at the end of all at the heart where I long." Sabi ko.
Nakatitig lang sila sa akin, nagtataka kung ano ang pinagsasasabi ko.
Nasa labas na kami ng pantalan. Napahigpit ang hawak ni Gani sa aking kamay nang tanggalin ng medic ang shrapnel na tumama sa kanyang likod.
"Kaya mo yan!" Paastig kong sabi sa kanya.
Tumawa siya. "Parang linya ko 'yan ah!" Biro niya.
Napangiti ako.
Tinatapalan na ang sugat niya nang tawagin ako ni Ate Bel.
"Mia, ayusin natin 'yang pisngi mo." Sabi niya.
Oo nga pala, may sugat ako sa aking pisngi.
Binitawan ko ang kamay ni Gani at nagpaalam na pupuntahan ko lang si Ate Bel.
Umupo ako sa likod ng isa pang ambulansya. Sinimulang linisin ni Ate Bel ang sugat sa aking pisngi.
"Let me do that." Prisinta ni Reyden.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya.
"Reyden, thank you!" Usal ko.
"I'm just returning the favor." Sabi niya sabay punas ng basang cotton sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Misterio / SuspensoBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!