DED Part 2

1.1K 48 10
                                    


Napanganga ako. Nalilito ako pero sumunod pa rin ako sa kanyang pinapagawa.

Inilapit ko ang aking kamay sa nagliliwanag na bola. Natatakot akong baka masunog ang aking kamay pero ipinagpatuloy ko pa rin.

Lumusot ang aking daliri. Wala akong naramdamang kakaiba. Pagkapasok ko ng aking kamay ay may nahawakan akong susi. Mahigpit ko itong kinuyom sa aking kamay. Naglaho ang bola ng enerhiya.

"Ang makakahawak lamang ng susi ay isang tao. Ang susing hawak mo ang tanging makakapagsara ng lagusan. Tulungan mo kami!" Usal ni Pokona.

Napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

Nagimbal kami ng mula sa ere ay may bumulusok na isang halimaw. Sobra akong nahintakutan sa itsura niyang labas ang mga pangil at nakaluwang mga mata. Ang taas at laki niya ay maikukumpara sa isang higante.

Pasugod ang halimaw nang biglang may humating kung ano sa kanyang katawan. Bumulwak ang dugo at lamang loob kasabay ng pagbagsak ng kanyang hating katawan sa magkabilang dako.

Ipinaspas ng isang babaeng nagmula sa ere ang kanyang matalim at kulay itim na mahaba at malaking patalim para tanggalin ang dumikit na dugo. Siya ang humati sa halimaw.

Matalim ang kanyang mga matang lumapit sa akin.

"Ako si Ayame (@ayameAihara). Isang duong bughaw mula sa lupain ng Aihara!" Pagpapakilala niya.

Bakit siya nagpapakilala?

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ni Ayame sa akin.

"A-a-, ako si Alliv (@alliv_13)!" Nanginginig kong sagot.

"Alliv." Ulit niya.

"Ano ang ginagawa ng isang prinsesa rito?" Tanong ni Arliniiii kay Ayame.

Isang prinsesa si Ayame? Pinagmasdan ko siya. Mahaba ang kulot niyang pulang buhok. Maganda ang kanyang mukha. Natatakpan ng kulay silver na baluti ang kanyang buong katawan mula dibdib hanggang paa.

"Nandito ako para sa kanya!" Sagot niya sabay turo sa akin.

Napalunok ako. Anong kinalaman ko sa lahat ng ito?

Tumayo ang aking balahibo nang maramdaman kong may pumulupot sa akin. Bigla akong naglaho sa harapan nilang lahat.

Nagising ako sa loob ng aking silid. Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ang aking pawis na pawis na noo. Panaginip lang ang lahat! Buti na lang! Lumulundag ang puso ko sa tuwa dahil hindi totoo ang mga nakita ko.

Pabalibag na bumukas ang aking pintuan at pumasok ang napaka-ingay kong kapatid, si Ellie (@Cindyellie).

Pabiro niya akong binatukan. "Kanina pa kita ginigising! Bumangon ka na kundi pepektusan ko ang lungs mo!" Bulyaw niya.

Bumangon ako. Dumiretso ako sa kusina. Inabutan ako ng aking ina ng isang basong tubig. Ininom ko ito.

Patakbong lumapit si Ellie. Hinampas niya ang kamay ko. Tumilapon ang basong hawak ko at nabasag ito. Napatingin ako sa aking ina. Bakit wala siyang mukha?

"Alliv!" Sigaw ni Ellie.

Kitang-kita ko nang may mga kamay na dumakma sa kanya.

"Ellie!" Gulat kong sigaw.

Unti-unting nanlabo ang aking paningin. Umubo ako sabay buga ng dugo. Naninikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga. Tumumba ako sa sahig. Naghihingalo kong nakita ang berdeng kulay na nanunuot sa loob ng aking balat.

Nagliwanag ang paligid. Bumungad sa akin si Cupid. Si Cupid? Ano na naman ang nangyayari?

Nagpapanic silang inihiga ako ng maayos sa lupa. Muli kong nasilayan ang mundong akala ko ay panaginip lamang.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon