Napaisip akong bigla, tama ba talaga ito?. "Can I ask one last question before we start?" Tanong ko kay Meridith.
"Yes, of course." Mabait niyang sagot.
"Why do we need short-cuts? Splits can just follow the rules and get back after saving five lives." Curious kong tanong.
Ngumisi siya. "Splits have Guardians. Guardians are higher beings who have the power to split souls. At the end of your mission, your Guardian will appear. Guardians are evil spirits; you won't be happy meeting them at the end of your misision! You will be betrayed!" Sagot niya.
Napansin kong nag-iba ang kislap ng kanyang mga mata bago siya tumalikod sa akin. Guardians? Evil Spirits?
Bakit iba ang nararamdaman ko? Hindi ako mapanatag. Umapak ako palabas sa bilog.
"I guess, I'll pass! I'd rather finish the mission than use some kind of this trick!" Buo ang loob kong sabi.
Lumingon siya sa akin. Naningkit ang kanyang mga mata. Hindi ko gusto ang mga tingin niya.
"I saved your life once, so do me a favor and step inside the circle." Seryoso niyang utos.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ito maganda!
"I'm sorry, I cannot abandon my mission. If I need to save five, then I will save five. Saving Lives is not a bad idea afterall. The Guardians that you're talking about, they are not evil. How can they be evil when all they want is for souls to be saved? I don't know what happened to you, but we're different!" Sambit ko.
"Oh, really?" Nakabusangot niyang usal.
"Thank you for the chance, but I have already chosen what I want to do!" Sabi ko sabay ngiti.
"Okay, go now!" Sabi niya sabay turo sa labasan.
Tumango ako at tumungo sa labasan. Paakyat na ako nang mauntog ang aking ulo sa kisame. Hindi ako lumulusot; para akong may katawan!
"Oops, I forgot to tell you; you need to take off the bracelet." Sabi ni Meridith.
"Oww!" Usal ko sabay hawak sa bracelet. Napalunok ako nang lumusot ang aking mga daliri sa bracelet.
Tumingin ako kay Meridith. Ngumiti siya.
"Only humans can take that off." Parang nang-aasar niyang sabi.
Huminga ako nang malalim. Pinaglalaruan niya ba ako?
Muli akong bumalik sa kanyang kinatatayuan at itinaas ang aking kamay sa kanyang harapan para tanggalin niya ang bracelet. Hinawakan niya ito.
"Good luck!" Sabi niya pero hindi niya pa rin inalis ang bracelet.
Anong hinihintay niya?
Lumapit siya ng husto sabay yakap sa akin.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagtusok ng isang matalim na bagay sa aking tagiliran.
"Aaahh." Ungol ko sabay tulak kay Meridith palayo.
Nakita ko ang isang punyal na nakabaon sa aking kaliwang tagiliran. Sinubukan kong bunutin ito pero hindi ko mahawakan. Unti-unting nanunuot ang sakit sa aking buong katawan!
Muling lumapit si Meridith. Napamulagat ako nang itaas niya ang kanyang kamay na may hawak na isa pang punyal.
Hindi ko nagawang makaiwas dahil ang bigat ng aking pakiramdam. Itinarak niya sa aking dibdib ang punyal. Napaluhod ako sa sakit; para akong napapasong hindi ko maintindihan.
"Do you really think you can get out of here?" Nag-iba ang tono ng kanyang boses; ibang-iba rin ang kanyang itsura kumpara kanina.
Ang mala-anghel niyang tinig ay napalitan ng mala-demonyong tawa. Hindi dapat ako sumama sa kanya!
Inilapit niya ang kanyang kamay at sinabunutan ako. Tinitigan niya ako gamit ang nanlilisik niyang mga mata.
"Sorry, I LIED!" Nakangiti niyang usal.
Napatiim-bagang ako. Hindi ko maigalaw ang aking sarili. Ang dalawang punyal na nakabaon sa akin, gawa ang mga ito sa pulang kristal; ang bagay na pumipigil sa akin na mawala at lumipat sa ibang katawan.
Anong gagawin ko? Ate Bel, tulungan mo ako!
Binitawan niya ang aking buhok at hinablot ang aking pulsuhan. Kinaladkad niya ako patungo sa dulo ng silid. Iniwan niya akong nakahiga sa sahig. Sinubukan kong muli na hawakan ang punyal pero hindi ko talaga mahawakan.
Narinig kong may lumangingit nang hilain ni Meridith ang malaking cabinet na nasa loob ng pader na gawa sa kahoy. Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang isang nakatayong ataol sa loob ng malaking cabinet.
"May 28, 2012. The day your soul is buried by the Great Exorcist, Meridith!" Proud na proud niyang monologue.
Bumalik siya sa aking kinaroroonan at unti-unti akong inangat hanggang sa maipasok niya ako sa ataol. Ikinawit niya sa aking leeg ang isang kadenang gawa rin sa red crytal. Sunod niyang kinadenahan ang aking kamay at paa.
"Let's see how long your body can endure the pain!" Tuwang tuwa niyang sabi sabay bunot ng punyal sa aking tagiliran.
Napangiwi ako sa sakit.
Hindi pa tuluyang nawawala ang epekto ng saksak nang muli niyang itarak sa aking dibdib ang punyal. Wala akong nagawa kundi ang mapasigaw sa sakit!
Hinawakan niya ang aking pisngi habang hinahabol ko ang aking hininga. Ngumiti siya nang malapad.
"See you again tomorrow!" Bulong niya sabay sara ng kabaong.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!