CHAPTER 14: MOVING ON

1.6K 130 34
                                    

Nina

Tumayo ako at kumuha ng malinis na bimpo. Binasa ko ito at muli akong bumalik sa harap ni Reyden. Pinunasan ko ang dugo sa kanyang labi na dumaloy hanggang sa kanyang baba. Hindi na niya ako pinagtabuyan sa pagkakataong ito.

Pagkatapos kong punasan ang dugo ay nilapatan ko ito ng yelo para maampat ang pamamaga. Sunod kong pinunasan ang sugat sa kanyang braso na tinamaan siguro ng bubog mula sa nabasag na flower vase.

Inabutan ako ni Ate Bel ng bandage para itapal sa sugat ni Reyden. Nang matapos ko ang lahat ay tumayo na ako. Inilahad ko ang palad ko sa kanyang harapan.

"Get up!" Utos ko.

Inabot niya ang kamay ko at tinulungan ko siyang makatayo.

Lumipat ang kamay ko sa kanyang polo shirt at sinimulan kong tanggalin ang butones mula sa itaas paibaba. Nakakadalawang butones pa lang ako ay nagsalita na siya.

"What do you think you're doing?" Taka niyang tanong.

"You need to change. Hindi ka pwedeng pumasok sa opisina na ganyan ang itsura mo." Sagot ko sabay turo sa mantsa ng dugo na nagkalat sa kanyang polo.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko para patigilin sa aking ginagawa.

"I'll take it from here. I'm no longer planning to go to work anyway." Halos pabulong niyang sabi.

Napakunot ang noo ko.

"What are you talking about?" Tanong ko sa kanya.

"No matter what I do, nothing will change." Malungkot niyang sagot.

"Mas lalong walang mangyayari sa buhay mo kapag wala kang ginawa. Nawala sa'yo si Celine, galit sa'yo ang tatay mo, huwag mong sabihing pati trabaho mo papabayaan mo?" Sermon ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Reyden, alam ko kung gaano mo pinaghirapan lahat ng mga bagay na meron ka ngayon, alam ko kung gaano ka nagpursigi para maging Engineer, alam kong pangarap mong gumanda at umayos ang buhay mo, huwag mong sayangin ang lahat ng iyon ng dahil lang sa mga taong nakapaligid sa'yo ngayon."

Hindi pa rin siya kumikibo.

"Ang pagmamahal pwede mo ulit maranasan, ang galit ng tatay mo- huhupa rin 'yan. Don't give up on anything right now. Magiging maayos din ang lahat, just do what you're supposed to do." Patuloy ko.

Lumapit si Ate Bel. "Tara na Reyden, malalate na tayo sa office." Yaya niya.

Muling bumuntong hininga si Reyden.

"I'll just change." Marahan niyang sabi sabay akyat sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga ako sabay pikit. I'm really sorry Reyds! Usal ko sa aking isipan.

Inakbayan ako ni Ate Bel sabay tapik sa aking balikat.

"You did great!" Bulong niya.

Bahagya ko lang siyang nginitian. "It's all my fault, Ate Bel."

"Alam ko, pero katulad ng parati nating sinasabi sa isa't isa, nangyari na ang nangyari- just make up for it!" Bulong niya.

Maya-maya ay bumaba na si Reyden. Bahagya niya lang akong nginitian at sabay na silang pumasok ng kotse ni Ate Bel. Tinanaw ko sila hanggang sa mawala ang kotse sa aking paningin.

Kaya mo ito Nina. Walang problemang hindi mo kakayanin kahit sabihin pang brokenhearted ka ngayon dahil nalaman mong si Celine ang gusto ni Reyden.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon