CHAPTER 16: PROMOTED

1.5K 140 30
                                    

Nina

Pinag-overtime ako ni Tita Letty dahil sa bahay magdidinner si Dad at ako ang magseserve sa kanya. Naihanda ko na ang lahat ng mga kasangkapan at kubyertos nang bumaba siya sa dining area. Binati ko siya ng good evening na ginantihan niya ng ngiti.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad ko siyang tinanong, "Gusto niyo po bang tawagin ko si Reyden?"

Napatingin si Dad sa akin sabay tango. "That's what I'm actually going to say."

"Okay po. Tatawagin ko na po siya." Pabibo kong sabi.

Hindi pa rin nagbabago si Dad. Si Reyden at si Celine lang naman ang parati niyang kasamang magdinner. Agad kong tinawag si Reyden na mabilis namang sumunod sa akin.

Nagmano siya kay Dad at umupo na sa katabing silya. Nagsimula silang kumain habang nagkwekwentuhan.

"Reyden, do you want a new car?" Tanong ni Dad.

Natigilan si Reyden sabay iling. "No Tito, okay pa po yung regalo niyong kotse sa akin." Tanggi niya.

Favorite talaga nitong si Dad si Reyden. Sinong amo ang magreregalo ng kotse sa anak ng kanyang driver. Kakaiba talaga. Matagal na akong nagtataka kung bakit gustong gusto ni Dad si Reyden.

"But that was already 4 years ago. You've been promoted as Project Manager dapat lang na sumabay ang sasakyan mo." Pangungumbinsi ni Dad.

"No Tito, in case I want to change, ako na po ang bahala." Magalang na sabi ni Reyden.

Ilang beses pang nangulit si Dad pero hindi bumigay si Reyden.

Pagkatapos nilang kumain ay nakita kong dinampot ni Reyden sa katabing upuan ang librong binabasa ko kagabi. Napamulagat ako sabay senyas kay Reyden na huwag niyang ibigay ang libro kay Dad pero nagpatuloy pa rin siya.

"Tito, this is yours right?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ni Dad sa pagtataka.

Agad akong lumapit at inabot ang libro bago pa mahawakan ni Dad.

"Ako na ang bahala rito." Sabi ko sabay senyas muli kay Reyden na sa akin niya ibigay. Bakit niya ba kinuha ito?

"I told you to throw that away." Sabi ni Dad. Buti na lang at hindi naman siya mukhang galit.

"Opo, itatapon ko na po. Tama po kayo wala po siyang kwentang marketing strategy." Pasakalye ko.

Tumalikod na ako.

"Wait hija!" Tawag sa akin ni Dad.

"Yes sir?"

"Have a seat." Utos niya sabay turo sa bakanteng silya sa kanyang kaliwa.

Nag-alangan ako pero agad din naman akong sumunod. Papagalitan niya ba ako?

"You were the one who sorted out the papers yesterday, tama ba?" Tanong niya.

"Yes sir." Sagot ko. May mali ba akong nagawa?

"Did you read that book?" Muli niyang tanong sabay turo sa librong yakap yakap ko.

Tumango ako.

"Then tell me bakit wala siyang kwenta." Utos niya.

Napangiti ako. Hindi ko akalaing tatanungin niya ako ng ganito. Parang recitation lang ito sa university.

"The strategy won't hold for the next five years. It will be obsolete anytime soon. The strategies written are too traditional and expensive and requires too much effort. It may attract customers in the beginning but its success won't last long." Sagot ko.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon