Ito na ang katuloy ng dedication!
Cast of Characters in order of appearance: =@Klariese26, @angelllagman, @sunshine_claire, @Jopetlgcasinza, @zavsaf26, @rowena030885, @jolinaInoc26, @Lhynnepotie, @Embss_XD=
With special participation of Zacash and other characters from Ded 1,2,3!
Para po sa inyo ito! Hope you'll like it!
-----------------------------------------------
Ashzac
"Rhaine, Dice, ilayo niyo si Alliv!" Sigaw ko habang patakbong tumungo sa loob ng kastilyo.
"Bakit?" Nakakunot ang noong tanong ni Dice na biglang dumiretso sa kanyang pagkakatayo.
"Sinasalakay ang kastilyo!" Diretso kong sagot.
Gumihit ang pangamba sa mukha ni Rhaine. "Dice, tara!" Matapang niyang utos.
Agad silang tumakbo patungo sa library kung nasaan si Alliv.
"Hannah!" Tawag ko.
Lumabas sa aking harapan si Hannah.
"Itakas mo sila Marrah, Mariah, Joan, at Gi-ann, hindi sila pwedeng mahuli ng mga kalaban!" Utos ko.
"Paano ka?" Nag-aalalang tanong ni Hannah.
Ngumiti ako.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako mamamatay!" Sagot ko.
Kapag umalis si Hannah, maiiwan akong mag-isa! Wala sa kastilyo ang mga warriors; nasa labas silang lahat. Sino ba ang pangahas na naglakas loob na salakayin ang kastilyo? Nagkataon lang ba o may traydor na nagsabing wala ang mga warriors dito ngayon?
Naghiwalay kami ni Hannah.
Dumiretso ako sa bukana ng kastilyo. Umihip ang napakalakas at napakalamig na hangin. Nagsimulang magyelo ang paligid. Natanaw ko ang isang babaeng may asul na buhok. Napapalibutan ang kanyang katawan ng baluting gawa sa asul na kristal.
Hindi ako maaaring magkamali, bakit narito ang ice princess?
"Nagkita tayong muli, Mahal na Reyna." Bati niya.
"Bakit ka nandito, Klariese (@Klariese26)?" Tanong ko.
"Simple lang Reyna Ashzac, kukunin namin ang mortal!" Sagot niya.
Namin? Nasaan ang mga kasama niya!
Naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa aking leeg kasabay ng patalim na dumikit sa aking lalamunan.
"Patawad Mahal na Reyna." Bulong ng isang banayad na boses.
Pumikit ako. "Patawarin mo rin ako Angel (@angelllagman)!" Ganti kong bulong.
Mabilis kong hinawi ang kanyang kamay at lumipat sa kanyang likuran. Hinugot ko ang espadang nakasabit sa aking tagiliran at inundayan siya ng espada sa likod.
Mabilis siyang nakaiwas at lumipad paitaas sa ere gamit ang puti at malapad niyang mga pakpak.
Napamulagat ako nang mabilis na papalapit sa akin ang matutulis ng mga ice crystals na galing kay Klariese. Agad ko itong sinalag at hinati gamit ang aking espada.
Paglapag ko sa simento ay agad na gumapang ang yelo sa aking mga paa. Hindi ako makahakbang!
"Huwag ka nang lumaban, Mahal na Reyna!" Sabi ni Klariese.
Nakita kong papalapit mula sa kanyang likuran ang babaeng lubos kong kinasusuklaman, si Claire (@sunshine_claire)!
Sumusunod sa ihip ng hangin ang napakahaba at itim na itim niyang buhok. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot niyang itim na baluting gawa sa espesyal na tela na hindi tinatablan ng kahit anong bala o patalim.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!