Pahangos kaming umahon ni Dave sa mababang parte ng ilog. Hinihingal at umuubo kaming napaupo sa batuhan. Agad niya akong nilapitan at hinagkan.
"I love you so much, Jane!" Buong pagmamahal niyang bulong.
Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang katawan.
"I love you more than you love me!" Hinihingal kong sagot sabay yakap sa kanya.
Rinig ko ang malakas niyang buntong-hininga at ramdam na ramdam ko ang umaalon niyang dibdib na sinasabayan ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ako makapaniwalang nakaligtas na naman ako sa panganib.
"Jane, Dave!" Sigaw ni Ate Bel na nasa dulo ng kalsada kung saan huminto ang racing car ni Dave.
Napatingin kaming dalawa sa kanya. Kumaway ako para sabihing okay lang kami.
"Bel is really amazing! How come she knows exactly where you are all this time?" Takang-taka niyang tanong sa gitna nang paghingal.
"I'll tell you a secret; she can see ghosts!" Seryoso kong sagot sabay ngiti.
Tinitigan ako ni Dave na tinatantsa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
Nalipat ang aming atensyon nang makarinig kami ng mga police mobile na paparating.
--------------------------------
Ilang oras ang lumipas at nasa parehong lugar pa rin kami habang hinihintay na maiangat ang sasakyang lumubog sa ilog. Gusto kong makatiyak na naroon ang bangkay ni Baliw!
Nakapagpalit na kami ng damit kahit papano na pinagtiyagaang bilihin ni Ate Bel sa tabi-tabi. Nakabalabal sa amin ang kumot na bigay ng ambulasyang dumating para hindi kami ginawin dahil sa nipis ng aming suot.
Naghihintay kaming nakaupo sa likod ng ambulansya nang pahangos na lumapit si Mr. Liam.
"Your father is not inside the car!" Agad niyang balita.
Napamulagat kaming nagkatinginan ni Dave.
"I'm sure we left him there!" Giit ko. Nandon siyang nakaupo nang lumangoy kami paitaas.
"No one's inside, Jane!" Muling sabi ni Mr. Liam.
Napalunok ako nang malalim. Naalala ko ang kanyang profile.
"He has a certificate in diving, he is a professional diver!" Naibulalas ko.
Oh my god! Sinadya niyang ilubog ang kotse sa tubig at magpanggap na nagpakamatay para magkaroon ng oras para matakasan ang mga pulis!
Naalala kong bigla ang cheke na itinapon niya sa auto shop. May interes pa rin siya sa perang iyon! Pumapatay siya dahil sa dalawang rason, para sa pera at para sa paghihiganti! Siya na mismo ang nagsabi, simula pa lang ay plinano na niya ito!
"You need to call the bank; I guess he will be going there to deposit the check!" Agad kong utos kay Mr. Liam.
"Let's go home! We're not safe until he's out there somewhere." Yaya ni Dave.
Napalitan na naman ng pangamba ang kaninang akala namin ay okay na.
-----------------------------
Sa dalawang araw na nagdaan ay patuloy ang paghahanap ng mga pulis kay Johnson Brookes o pwede ring Shann Rogers, ang tatay ko na uncle ko pala na isang psycho.
Napag-alaman namin na namatay ang lolo at lola ko dahil sa drug overdose na inakalang suicide pero hindi pala. Ibinalita rin sa amin ni Mr. Liam na base sa records ay labas-masok ang lolo at lola ko sa kulungan dahil sa kung anu-anong kalokohan. Isa sa kalokohan nila ang pambubugbog at pananakit sa anak nilang si Johnson, ang itinuring kong ama.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!