CHAPTER 31: BAD LUCK

1.4K 105 28
                                    


Reyden

Maghahating gabi na nang makauwi ako sa Condo. Hinubad ko ang jacket na aking suot at inilapag ito sa sofa. Sunod kong hinubad ang aking polo shirt. Naramdaman kong may medyo matigas na laman ang maliit na bulsa sa bandang dibdib.

Kinapa ko ito at hinugot. Naalala ko ang papel na isinuksok ni Erica. Napangiti ako sabay paimpit na natawa. Kung anu-ano na lang ang ginagawa niya para lang tulungan akong makamove-on kay Celine.

Binuklat ko ang nakatiklop na papel. Binasa ko ito. Naalala ko ang sinabi niya na kapag nangyari ang anim ay magkakatotoo ang pangpito.

Ang pangpito ang pangalan ng soulmate ko. Ang nakasulat na pangalan ay Nicole Nathalie. Ang ganda ng pangalang naimbento niya. Natawa na naman ako. Hindi ako naniniwala sa mga ganitong bagay. Lumakad ako papunta sa kitchen sabay tapon ng maliit na papel sa trash bin.

Pagkatalikod ko ay tumama ang aking tagiliran sa matulis na corner ng mesa.

"Shit! Ahh!" Ungol ko.

Hinawakan ko ang aking tagiliran. Kaasar, ang sakit! Lumakad ako papunta sa kwarto. Naghubad ako at nagshower. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon nang biglang mawalan ng kuryente kasabay ng pagtigil nang pagtulo ng tubig sa shower.

"Damn it!" Inis kong naibulalas.

Punong-puno ako ng sabon. Hinila ko ang bathrobe at itinakip ito sa aking katawan sabay marahang lumabas ng banyo. Tumungo ako sa veranda; may ilaw naman ang mga katabi kong unit.

Kapag minamalas ka nga naman talaga!

Patalikod na ako nang magitla ako dahil sa bumanggang kung anong bagay sa salamin sa veranda. Nang tingnan ko ay nakita ko ang isang kulay itim na pusa na kumikislap ang mga mata sa gitna ng kadiliman.

Paanong may pusang nakarating dito? Nagsimulang tumayo ang mga balahibo ko nang magsimulang umungol ang pusa na parang tao sabay kaluskos ng kanyang mga kuko sa salamin.

Napalunok ako. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang flashlight. Bumalik ako sa kitchen para kumuha ng tubig sa ref para maipambanlaw man lang sa ulo ko. Hindi pa ako nakakarating ay may naapakan akong kung anong bagay dahilan para madulas ako at mapaupo sa sahig.

"Ahhh!" Ungol kong muli dahil sa paglagapak ng aking pwet sa sahig.

Bakit ba nangyayari sa akin 'to!?

Tumayo ako at dahan-dahang tumungo sa kitchen. Tumigil ako sa tapat ng trash bin. Inilawan ko ito at nakita ang maliit na papel na itinapon ko kanina.

Naalala ko ang sinabi ni Erica na mamalasin ako kapag itinapon ko ang papel. Napangisi ako sabay pameywang.

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang papel sa basurahan at inayos ang pagkakatupi nito.

"Okay, okay! You win! Hindi ko alam kung may sumpa ka or whatever, just please stop cursing me!" Parang tanga kong sabi sa papel.

Bumalik ako sa sala at kinuha ang aking wallet.

"Nakita mo ito? Ilalagay na kita sa wallet ko ha." Patuloy kong pakikipag-usap sa papel.

Isinuksok ko ang papel sa aking wallet.

Bumukas ang ilaw. Napatingin ako sa veranda, wala na ang pusa. Napakunot ang noo ko.

Talaga naman. Erica! Are you a witch or what!? This is insane! I can't believe na itatago ko talaga ang maliit na papel na ito!

Napangisi ako. Natawa na lang ako sa aking sarili. Who would have imagined na magkakaroon ng malaking impact si Erica sa buhay ko.

Kahit papano ay nag-aalala ako para sa kanya. May mga bagay siyang hindi maalala lalo na ang dahilan kung bakit siya nabaril. Bakit siya hinahabol ng mga lalaking iyon?

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon