CHAPTER 13: HEARTBREAK

1.7K 132 22
                                    


Nina

Nagdidilig ako ng mga halaman nang makita kong nakabihis na si Reyden papuntang opisina. Hindi niya ako gaanong kinikibo simula nang matadyakan ko siya kahapon. Nahiya ba siya sa ginawa niya o sadyang wala lang talaga siyang pakialam?

Napasulyap siya. Hindi niya itinuloy na buksan ang pinto ng kotse bagkus ay naglakad siya palapit sa akin.

"Erica, tell Ate Bel na mauuna muna ako sa kanya papuntang office." Utos niya.

May mga pagkakataong sabay pumapasok sila Ate Bel at Reyden sa opisina lalo na kapag wala si Ethan.

Tumango lang ako. Tumalikod na siya.

"Reyden!" Tawag ko sa kanya.

Napalingon siya. "Why?" Tanong niyang parang walang pakialam.

"Hindi ka ba magpapaalam kay Celine? She will be flying to Cebu this morning, and I heard she will be staying there for months." Sagot ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang magkahalong pagtataka at pag-aalala sa kanyang mga mata. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi niya ba talaga alam na aalis si Celine? Hindi siya nagpatumpik-tumpik at patakbong tumungo sa loob ng mansyon.

Mariin kong kinagat ang aking labi. Nagseselos ako kahit alam kong hindi naman dapat. Una pa lang kaming magkita ni Reyden sa ospital ay alam kong may gusto na siya kay Celine. Ano bang inaasahan ko, na mawawala ang pagmamahal niya kay Celine ng dahil kay Nina?

Kasalanan ko rin naman ang lahat ng ito. Pinaglapit ko ng husto si Reyden at Celine. Kung tutuusin wala akong karapatan sa kahit na ano, wala rin akong pwedeng sisihin sa mga nangyayari kundi ang aking sarili. Desisyon kong hindi sabihin sa kanya ang totoo, so I better bear the consequences.

Pinatay ko na ang gripo at iniligpit ang hose na ginamit ko sa pagdidilig ng halaman. Pumasok ako sa mansyon para sunod na linisin ang swimming pool.

Papunta na ako nang marinig ko ang boses ni Reyden. Sumilip ako sa sala at nakita kong nag-uusap silang dalawa ni Celine.

"When are you coming back?" Tanong ni Reyden.

"After 2 or 3 months, I guess." Nakangiting sagot ni Celine.

"Do you really need to go?" Kitang kita sa mukha ni Reyden na ayaw niyang umalis si Celine.

"I just want to spend some time with Mom before I go to Australia." Sagot ni Celine.

"Australia? Why are you going there?" Takang takang tanong ni Reyden.

"I applied for a masteral degree before and fortunately I passed the entrance exam. After Cebu I will be staying in Australia." Sagot ni Celine.

Napangiti ako. Nakapasa pala kami ni Celine. Iyon yung sinubukan kong applyan noong 4th year college kami. Wala naman talaga akong balak na mag-aral sa ibang bansa pero pinilit ako ni Eve na magpass ng application. Try lang naman daw.

Napahawak si Reyden sa kanyang sintido. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Napabuntong hininga siya.

"What about us?" Marahan niyang tanong.

"What do you mean by us?" Kunot noong tanong ni Celine.

"You remembered applying for that masteral degree, so meaning naaalala mo rin ang lahat ng mga nangyari sa atin these past years. Celine, alam mong mahal kita at alam kong mahal mo rin ako! Hindi mo man lang ba iniisip na isama ako sa lahat ng plano mo sa buhay?" Puno ng hinanakit na tanong ni Reyden.

Napalunok ako. Umuulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ni Reyden na mahal niya si Celine. Napasandal ako sa malaking poste. Ang sakit! Halos magdugo na ang labi ko sa diin ng aking pagkakakagat. Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na suot ko, namumuo ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon