CHAPTER 9: TEMPTED

1.8K 134 27
                                    

Kahit anong pigil ko kay Celine na tigilan na ang pag-inom ay hindi siya nagpaawat. Isa-isang nagsiuwian ang mga kasama niyang natira sa mansyon hanggang sa kaming tatlo na lang nila Ethan ang naiwan.

"Bro, iahon mo na si Celine. She's already wasted." Sabi ni Ethan na nasa pool kasama si Celine.

Inakay ni Ethan si Celine hanggang sa mababang parte ng swimming pool. Inabot ko si Celine at tinulungang makaahon.

"I'll just wash up and go home." Paalam ni Ethan.

"Can you drive?" Tanong ko.

"Oo naman, hindi ako gaanong uminom." Sagot niya.

"Sigurado ka, you can stay here for tonight." Alok ko.

"I'm okay Bro, someone's waiting for me at home." Tanggi niya.

"Okay, just take care. Don't drive too fast." Paalala ko sa kanya.

Hinila ko ang bathrobe na nasa upuan at isinuot sa halos hindi na makatayong si Celine.

Binuhat ko siya at dinala sa kanyang kwarto. Ibinaba ko siya nang sabihin niyang kaya niyang tumayo.

Humarap siya sa akin at biglang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Pulang pula na ang mapuputi niyang mga pisngi at halos pumipikit na ang kanyang mga mata. Tumingkayad siya at idinantay ang kanyang ulo sa aking leeg. Napalunok ako.

"You like me, right?" Bulong niya.

Hindi ako sumagot.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang kamay papunta sa aking dibdib. Tinitigan niya ako sabay kagat ng kanyang mga labi.

"Do you want to kiss me?" Nang-aakit niyang usal.

Napatitig ako sa kanya. Dumako ang tingin ko sa kanyang mga labi. Damn! Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko siyang halikan pero ayokong gawin.

Nang hindi ako kumilos ay bahagya niya akong itinulak palayo. Tinanggal niya ang suot niyang bathrobe. Sunod niyang hinubad sa aking harapan ang suot niyang bathing suit.

"What the!" Naibulalas ko sabay himas sa aking mukha. Pinagpapawisan ako sa ginagawa niya.

Agad kong pinulot ang bathrobe at itinakip sa kanyang katawan hanggang sa tuluyan niyang mahubad ang bathing suit. Iniwas ko ang aking tingin para hindi ako tuluyang matukso.

Ngumiti siya sabay tawa. Tinitigan niya ako gamit ang nakakaakit niyang mga mata.

"Do you want to spend the night with me?" Pilya at lasing niyang tanong sabay lapit sa akin.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Just sleep, you're drunk." Sagot ko.

Ayokong may mangyari sa aming dalawa ng dahil lang sa lasing siya.

Muli siyang tumawa. Marahan ko siyang inalalayan papunta sa kama. Hinawi ko ang comforter at agad ko na siyang pinahiga. Kinumutan ko siya tsaka ako kumuha ng tuwalya para tuyuin ang kanyang buhok.

"Just sleep." Usal ko nang mapansing hindi pa siya tuluyang nakapikit.

"Reyden, I can now remember." Mahina niyang sabi.

"Remember what?" Curious kong tanong.

"Her face and her name. The girl who helped me for the last 5 years." Inaantok niyang sagot.

Natigilan ako.

"Her name is Nina." Patuloy niya.

Napamulagat ako sa aking narinig. Tatanungin ko pa sana siya nang mapansin kong tuluyan na siyang nakatulog. Anong ibig niyang sabihin?

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon